Sofia and Axel Story Part 4

53 1 0
                                    

Sa wakas at dumating na si Maggie sa Pilipinas, at Yes naging Sila na rin ni Gavin... Kelan kaya ang kasal. Hehehe at ito namang si Fia aba eh, may Admirer pala sa school. At yung admirer niyang ito ay aba matindi, nag iiwan ng Roses sa Locker, nagpapabigay ng chocolates, stuff toys and Love letters.. Hmmm sino kaya siya??

May roses na naman sa Locker ni Fia, at may letter na naman.. "Dear My Bad girl, alam mo kahit masungit ka ang ganda mo pa rin. Masaya na ako na palagi kitang nakakasalubong dito sa School. From your Bad boy" napatingin nga kaliwa't kanan si Fia pero wala naman tao, nagtataka talaga si Fia kung bakit palaging nangyayari sa kanya to. Kinausap niya sina Trissa, Marj at Lary na kung pwede daw nilang tulungan si Fia na alamin kung sino yung lalakeng to.

Pinababasa lahat ni Fia, sa mga kaibigan niya ang mga letters ni guy oara iconnect the dots.. Ganda, masungit masaya na nakikita.. Paulit ulit lang naman ang nakalagay sa Letters ni guy. "Badboy" parang nagkaroon ng hint si Marj, hindi kaya si Axel? Ika ni Marj.. Si Axel lang naman kasi yung super bad boy dito sa School, ay hindi meron pa pala.. Yung mga kaibigan ni Axel sina Robert Diaz, Mike Kim, Joey Reyes and Dave Carlos. Badboys din sila, siguro isa sa kanila ang Admirer slash stalker ni Fia.

Next day...

Another Roses again but this time...

"Dear: My Bad Girl, Hello sungit! Alam ko na iirita kana sa akin, but mas cute ka kapag nagiging masungit ka eh. Ingat ka. Mahal na kita! Love Badboy..

Mahal na niya si Fia? Na wala naman siyang ginagawa kundi magpadala ng kung anu-ano kay Fia? Pero infairness ha? Si Fia kinikilig na everytime may ipinapadala si admirer sa kanya.. Habang nalalakad sa hallway eh, natyempuhan na nagkasalubong si Axel at si Fia. 8:00am ha? Anyway noon kasi palaging late tong si Axel, kaya na surprise si Fia na for these past few days eh, palaging maaga sa School si Axel.

1 week after...

May Grand Ball night sa School nila.. Syempre, ang pinakamaganda na naman dun ay yung magkakaibigan at syempre may mga dates din sila pero wag ka... Yung mga date nila ay ang mga hearthrob at mga naging hearthrob ng Cally. Si Lary syempre the most hotness overload na si Tristan, ang date ni marj si Macky, date ni Kylie si Bill, yung date ni Mika si Kale.. Date ni Triss si Robert, yung date ni Kerrin si Mike, yung date ni Nicola si Dave at yung date ni Cassidy at Casandra? Syempre share sila sa isan date si Joey.. Magaganda talaga sila at ang gugwapo nila! Hmmm exception si Casandra. Joke! Hahaha pero true, Anyway, Si Fia walang date, ay yun naman pala!, si Axel yung date..

Habang nagkakasayahan ang mga estudyante ng Cally ay nag moment itong si Axel, tinakbo sa garden si Fia at sinabi nya dun lahat lahat. Yes true! Nag confess na si Axel ng Secret Love niya para kay Fia, pero... "inlove na kasi ako Axel eh, sorry ha? Inlove na ako sa lalakeng nagpapasaya sakin araw-araw, kahit hindi ko siy kilala pero I think I'm inlove with Him". At sa hindi inaasahan nag confess na din si Axel na siya yung lalakeng nagpapadala sa kanya ng Roses, Stuff toys, Chocolates at Love letters. Kaya pala maaga palagi sa School si Axel dahil siya pala ang nag iiwan ng Roses sa Locker ni Fia.

Pero pano nangayri yun?" Tanong ni Fia, nainlove nalang sa kanya si Axel dahil sa patuloy niyang pagsusungit dito pero ang pinaka na gustuhan niya ay ang pagsusungit ni Fia sa kanya sa Library, gusto kasi ni Axel yung babaeng hard to get. Kaya naman pala ayaw ni Axel kay Trissa eh, at kaya naman pala nagustuhan ni Axel si Lary, kasi yung mga tipong HARD TO GET pala yung type nya..

Nagpalitan ng I love you at I love you too ang dalawa pero, gusto muna ni Fia na itago muna ang relasyon nila, kahit sa friends nila and sa Family nila.. Na wag muna sabihin kasi nga natatakot siya sa kung ano ang magiging reaction ni Gavin kapag malalaman niya ito.. Pero excemption syempre kay Ate Lary, tinulungan ni Lary si Fia na i cover up yung relasyon nilang dalawa, Hanggang sa 1 month na nilang tinatago ang relasyon nila... Isang gabi...

Kinausap ni Fia yung kuya Gavin niya about nga sa Relationship. Sinabi niya na ngayon lang niya sinabi dahil natatakot siya sa magiging reaction ng Kuya niya.. Galit na galit na galit si Gavin at bigla nalang itong umalis.. Umiyak si Fia habang hinahabol yung kuya niya pero nag dali dali itong umalis.. Kinabukasan nakita nalang ni Fia na puro pasa ang mukha nang nobyong si Axel, tinanong niya na kung sino ang may gawa nito ss kanya pero hindi sinabi ni Axel.. Hanggang sa, tinawagan ni Fia at Lary si Gavin dahil gusto ito nilang makipag usap...

Nag usap na ang magkapatid sa isang coffeeshop, tinanong nila si Gavin kung may kinalaman ba siya sa nangayari kay Axel nuong isang gabi? At inamin din naman ito ni Gavin na, nung umalis siya nung gabing kinausap siya ni Fia ay tinawagan niya ang tatlo niyang kaibigan pati na rin si Axel, pero nabugbog daw si Axel dahil hindi daw ito nagdala ng mga kasama niya. Umiyak ng umiyak si Fia at pinapatahan siya ni Lary, "Ano ba kuya? Dapat maging masaya ka sa kung ano ang magpapasaya sa kapatid mo. Akala ko ba mahal mo kami? Mahal mo si Fia, pero bakit mo siya sinasaktan." Ika ni Lary.

Nagdali daling kumuha ng Cellphone si Fia at may tinatawagan habang umiiyak, "Sinong tinatawagan mo?" Ika ni Gavin, "Si Maggie.. Alam na ba to ni Maggie? Alam nya naba ang ka walang hiyaan na ginawa mo kuya?" Ika ni Fia na galit na galit. "Oo alam niya na. Nagalit nga siya sakin kasi bakit hindi ko nalang daw hayaan ka na maging masaya at suportahan ka sa kung ano man ang magpapasaya sayo." Ika ni Gavin.. Fia.. Lary.. Kaya nga ako nandito at pumayag na makipag usap sa inyo, sorry sa ginawa ko.. Nabigla lang ako at nagalit pero, masaya na rin ako na masaya kayo na mga kapatid ko. Gusto ko na rin humingi ng tawad kay Axel..

Tinawagan ni Fia si Axel, at nung dumating ito ay humingi agad ng tawad si Gavin kay Axel.. "Pare, pasensya kana. Pasensya kana kung nagawa namin yun sayo kagabi. Nabigla lang ako lalo na't mga kapatid ko yung inaagrabyado. Pero nagkamali ako, mahal mo pala talaga ang Kapatid ko. Kaya hindi na ako tutol sa relasyon nyo.." Ika ni Gavin.

Naging masaya na ang magkapatid at ang kani kanilang nagin Partners. Naging legal na mag boyfriend at girlfriend sila sa kani kanilang mga angkan at mga Kaibigan.

After 1 year

Si Maggie at Gavin ay ikakasal na... Si Lary at Tristan naman ay engaged na... Si Fia at Axel?? Mag boyfriend pa rin, si Trissa at Robert? Official na. Si Marj at Macky? Magkaka baby na. Nabuntis kasi ni Macky si Marj kaya yun.. At yung iba eh, nagliligawan...

At ang SECRET LOVE STORY NG tatlong magkapatid ay humantong sa pinakamasayang Love story...

THE END!

Secret Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon