Secret Love Story Intro

234 3 0
                                    

GETTING TO KNOW EACH OTHER: Isang araw, may isang mayaman na Pamilya nakatira sila Somewhere up there, ilagay natin sa Point na yung family nila ay isa sa mga may ari ng malaking kumpanya dito sa Pilipinas, at yun ay ang Ibañez Family. Meron silang tatlong anak, isang lalake at dalawang babae. Yung panganay nilang lalake ay pinanganak sa States at siya ay si Gavin. Gavin Alejandrè Ibañez, Si Gavin ay isang mestisong lalake, na almost perfect yung ichura niya. Isang hearthrob na kung sino man yung tumingin sa kanya ay mapapa hinto ka talaga sa Kagwapohan nya. Oo, masyadong exag but It's true. Si Gavin ay napakagwapong lalake talaga. Si Gavin ay mahal na mahal na mahal nya ang mga kapatid nya na parang ayaw nyang magka boyfriend yung dalawa na kung sino man ang tumangkang mag akyat ng ligaw ay, hmmm tapos kaagad sa kanya. But yung pinaka ayaw ng mga Girls kay Gavin ay isa siyang napakalaking Chickboy! Yes ofcourse Chickboy si Mr. Gavin Alejandrè Ibañez, lahat ng nahaharap niyang babae ay chicks lang take note: ONE OF HIS GIRLS lang at hindi pa siya nagka girlfriend. May hinihintay kasi.... Si Maggie, but later nalang natin yan alamin kung sino yung maggie na yan. Okay, balik tayo sa magkakapatid. Yung middle child naman. Si Lary, si Hillary Ysabela Ibañez aka Lary, si Lary ay isang Simple, sweet, maalagain, matalino at magandang binibini. Itinagurian siyang "Miss Perfect" sa School. Siya yung pambato palagi sa Patalasan ng utak. Lumaki siya sa States, lumaki lang ha hindi pinanganak, si Gavin kasi yung only child na pinanganak dun. Nag aaral si Lary sa isang pinaka pribadong school sa Pilipinas at yun ay ipinagmamay ari ng Daddy nya ang "Carlsberg University" aka Cally. Anyway, hindi pala alam ng mga estudyante doon na yung Ibañez siblings ay mga anak ng nag mamay-ari ng University. Oo, humble kasi yung magpamilya na yun kaya... Ayaw nilang ipaalam na sila yung may ari ng school. Si Gavin pala Grumaduate sa Cally, si Lary ay isang Juniors at yung bunso ay Sophomore. Ay oo nga pala si Bunso, si Bunso ay si Sofia Francesca Ibañez aka Fia. Si Fia ay maganda, matalino, maganda, matalino uhhhmm mabait? Mabait siya kapag mabait ka din sa kanya but kapatid siya ni Satanas kung nakikipag friend ka kay Satanas. Si Fia ang itinaguriang "Baby Bad Girl" sa School marami ang gustong makipag friend sa kanya but ayaw niya. Gusto niya kasi ang laging kasama ay itong si Lary, 1 year lang pala yung agwat nila sa isa't-isa. But si Gavin? 3 years older than them. Popular pala yung magkapatid sa School, lalo na si Gavin itinagurian siya "Mr.Dreamboy" "Hearthrob" "Sexy Handsome"... Marami kasing babae ang patay na patay sa kanya. Kaya nung grumaduate si Gavin, yung dalawa naman yung bumida. Merong bestfriend noon yung dalawa. Isang Childhood Bestfriend at yun ay si Lady Margarette Satam aka Maggie. Ayun naman pala eh, siya pala yung hinihintay ng gwapitong si Gavin... Si Maggie pala ay nasa Paris na, dun na kasi siya nag aral at taga Spain talaga sila, taga doon kasi yung papa niya. Isang Fashion student si Maggie. Yun kasi yung pinaka nag iisang pangarap ni Maggie, yun ay maging isang sikat na Fashion Designer. Graduating na rin si Maggie. Si Gavin ay may Childhood Bestfriend din, nagkakilala sila sa States, na super gwapo, Filipinong-amerikano, hot as in hotness overload, aba eh almost perfect na rin like Gavin! And 'ehem! Magkatrabaho sila sa Kumpanya ng pamilya nila pareho. Siya ay si Tristan Thomas Miller aka Tristan, anyway, yung family Miller ay Ka partner pala ng mga Ibañez sa Negosyo kaya yun. Mag bestfriends din kasi yung mga dads nila noon kaya minana ng mga anak. Si Tristan ay may Younger twin sister at yun ay si Trissa Kathris Miller, isang leader ng pinaka maldita group sa School, but alam niyo ba na kung gaano ka gwapo si Tristan ay ganoon din kalambot yung puso niya? Girls! Hindi pa siya nagkaka Girlfriend. Yup! NGSB siya. Nakakatuwa nga kasi kung gaano ka Chickboy itong si Gavin ay yun din pala kabait ni Tristan. Wait teka lang meron pang isa, yung hate na hate ng grupong Gavin at Tristan, yung grupong Axel, Oo si Axel Ross Garcia, si Axel ay gwapo din, mayaman, marami din ang umaaligid na girls kay Axel, nung time nila Gavin sus. Parang araw2 world war III sa Cally, may alitan kasi yung dalawang grupo. May gusto kasi si Axel kay Lary but ayaw na ayaw siya ni Lary kaya ayun... Diba nga mahal na mahal na mahal ni Gavin yung mga Girls siblings niya. Kaya yun ang nangyari. Uhm.. Eh... Uhm.... Magsisimula na akooooo sa isang SECRET LOVE STORY.

Secret Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon