Part 3

1 0 0
                                    

~Jen's POV

One month na lang at mag tatapos na ang school year namin at next year graduating na ako kaso ang problema ko ang course na kukunin ko sa college kasi gusto ko maging photographer pero ang gusto nila daddy at grandpa ay mag business ako dahil ako ang susunod sa yapak nila.

Papunta na ako ng classroom namin ng may narinig akong natawag sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Isa lang pala sa mga classmate namin.

"Ano na namang problema mo?"

"Jen si Carl at si Rein nag susuntukan?"

Dahil sa sinabi ng classmate ko pinauna ko syang patakbuhin papunta sa lugar kung saan nag susuntukan yung dalawa.

Pag dating namin sa lugar mraming students ang nag kukumpulan at nanunuod pinilit kong makasingit hanggat sa nakita kong nakapatong si rein kay Carl at tuloy tuloy na sinusuntok sa muka. Tumingin ako sa paligid at mukang wala may balak umawat sa dalawa kaya ako na mismo ang humigit kay Rein para mapalayo sya kay Carl at dahil dun natumba din ako.


"Aaaahhhh!!"

Dahil sa sama ng pag kakabagsak ko hindi ako makatayo dahil hindi ko naigalaw ang braso ko sa sobrang sakit. Nakaramdam ako na may mga tumulong sa akin na tumayo at pinilit kong umulat ang mata ko para makita kung si Carl ay isa sa natulong sa akin pero mukang nag kamali ako.

"Hoy Carl tamana na!"

"Carl maawa ka unahin mo muna si Jen!"

"Hoy g*go anong klaseng bf ka hindi mo man lang tulungan gf mo!"

Lahat ng mga students narrinig ko na galit na galit kay Carl kasi patuloy pa sa panununtok kay Rein na nakahiga sa sahig dahil sa ginawa ko. Kahit ako nag akala na mas uunahin nya ako pero nag kamali ako kaya sumama na ako sa mga classmates ko na tumutulong sa akin habang naiiyak sa mga nangyari.

Nadislocate ang balikat ko dahil pag kakabagsak ko kaya sa hospital na ako dinala. Hindi na ako naka pasok mag hapon at nag punta na ang principal namin dito para humingi ng patawad at kinausap ng private si mama.

"Hi?"

Tumingin ako sa nag salita sa may pintuaan at naki ko si ate Katelyn ang totoo kong kapatid.

"Ate!"

Sa sobrang excited ko na makita ulit sya bigla akong napabangon at nagalaw ang balikat ko kaya namilipit ako sa sobrang sakit na naramdaman ko.

"Aaaaaahhhh! grrrrrrrr!"

Lumapit agad si ate para tulungan ako may tiwala naman ako aky ate kasi doctor sya at alam nya ang gagawin

"Shhh relax lang Jenny shhhh relang lang dahan dahan ang higa"

"Ate sobrang sakit"

"Alam ko kaya dahan dahan lang huh"

Hindi ko na napigilan ang pag patak ng luha ko sa sobrang sakit na naramdaman ko pinilit ni ate pag relaxin ako at tyaka sya tumawag ng nurse. Pag dating ng nurse pinainom agad ako ng pain killer para hindi ko masyadong naramdaman ang kirot ng bali ko.

"Anong nangyari!? oh miss Katelyn nandito pala kayo"

Narinig ko si mama na kakapasok lang ng kwarto ko. Medyo na wala na ang sakit ng balikat ko kaya kumalma na ako.

"Nabigla po si Jenny ng pag tayo kaya po sumakit yung balikat nya"

" Ah ganun ba"

Matapos ako asikasuhin ng nurse lumapit naman sya kila mama.

The truth behind myselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon