Part 5

2 0 0
                                    

~Jen's POV

Nabigla kami ni Carl sa sinabi ni mama na dapat na kaming mag hiwalay. Napatungo na lang ako at natahimik sumabay naman ang pag tulo ng mga luha ko.

"Sorry Carl pero marami na kaking narinig sayo mas lalo't may bisyo ka pala ang bata mo pa para manigarilyo hindi yun makakabuti para kay Jen sana naintindihan mo"

Tiningnan ko si Carl na nakatungo na rin at tumutulo ang mga luha sa mata nya pero tumatango sya sa mga sinasabi ni mama.

"Alam nyong mga bata pa kayo para pumasoj sa isang relation mga 15 palang kayo marami pa kayong mahahanap na iba dyan-"

"Sorry po pero mahal na mahal ko po ang anak nyo!"

"Kung mahal mo ang anak namin kaya mo ba maghintay para sa kanya?"

Ito na ang kinatatakutan ko ang mag salita si papa. Natahimik si Carl sa sinabi ni papa. Tiningnan mo syang mabuti at hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit sabay tingin kay papa.

"Opo mahihintay ko po sya kasi mahal ko sya at totoo po yun"

Mas naiyak ako sa sinabi nya. Sabihin na natin na maghihiwalay nga kami pero panghahawakan ko naman ang binitiean nyang salita sa magulang at mga kapatid ko.

"Pero Carl kapag may nanligaw kay Jen at nagustuhan nya may usapan tayo na hahayaan natin sya. Dito natin malalaman kung para talaga kayo sa isat isa"

"Naiintindihan ko po pangako ko po na maghihintay ako sa anak nyo"

Mas humigpit ang hawak nya sa kamay ko at mas lumakas ang pagtulo ng luha nya sa mga mata nya. Tumayo na si papa at kinamayan si Carl at nag bitaw ng mga salita

"Iho kapag nagawa mong hintayin ang anak namin welcome ka sa family at bahay namin at wag kang mag papakita na may bisyo kapa hanggat may bisyo kapa wag kang mag papakita sa amin"

Tumango na lang si Carl bilang sagot kay papa at umalis na si papa. Hindi ko na napigilan humagulhol sa sobrang sakit isinandal ako ni Carl sa balikat nya sinilip ko sya at nakita ko na tuloy tuloy din ang pag patak ng luha nya.

"Jen diba maghihintay ka din?"

"Oo naman pangako yan. Mag promise ka din sa akin"

Tumingin sya sa akin at ngumiti sya sa akin.

"Pangako na hihintayin kita"



Ilang linggo na kaming hiwalay ni Carl pero pinanghahawakan ko parin ang pangako namin sa isat isa

Nung mga first week lagi akong pinapaalalahanan ako ni Carl na babalik sya sa akin pero nang sumunod na mga week arang nanlalamig na sya sa akin  pero lagi kong pinaparamdam sa kanya na mahal na mahal ko parin sya. Ibinigay ko na din kay Carl ang Fb account ko para makapag focus na ako sa studies ko. Pinapaltan ko na ang password nito at sinabi ko na wag ito sasabihin sa akin kahit anung mangyari dahil masunurin sya hindi nya talaga binigay ang password ng Fb ko

Naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko at nakita kong natawag si sarah sa akin.

"Hello bess!"

{Ok ka pa ngayun?}

Bigla akong nag taka sa sinabi nya.

"Bakit kailangan ba ako ndi maging ok?

{Tse! nag oopen kaparin ba sa Fb mo?}

"Hmm hindi na ehh mga ilang linggo na bakit anong trending ngayun?"

{Hayst! bahala ka nga!}

Bigla na lang nyang pinatay ang tawag. Siguro yung crush nya may gf na naman haaaay kawawa naman kasi ang bestfriend ko laging broken hearted hindi gaya ko may tapat na nag mamahal

Mamaya maya nag vibrate ulit ang phone ko pero ang inaasahan ko at si Sarah pero nag kamali ako dahil si Mikee ang tumawag kaya nakaramdam ako ng kaba.

"Mikee? bakit ka naatawag?"

{Jen alam mo na ba? Nag oopen ka parin ba ng Fb mo?}

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Anung meron at tinatanung nila ako kailangan ba lagi akong kasali sa uso.

"Hindi na eh binigay ko na kay Carl ang account ko para hindi ko na mabuksan"

{Bullshit! buksan mo account ko now na! itetext ko sayo email at pass ko buksan mo agad asap! then tingnan mo ang profile ni Carl}

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Anung nangyari kay Carl naaksidente tapos may nag post? May nang hack tapos kung anu ano ang pinost o sinabi nyang bakla sya!!! Haaayssst naman oh anu ba yun.

Agad kong natanggap ang text ni Mikee at inopen ko ang Fb nya at tiningnan ang profile ni Carl.. Nang makita ko ang Profile pic nya at mga post biglang tumulo ang luha ko..

"Jen! may iba na si-"

Hindi na natapos ni ate ang sasabihin nya dahil nakita nya na akong umiiyak. Agad nya akong nilapitan at niyakap at niyak ko din si ate

"Ate bat ganun bat binalikan nya ang ex nya ano bang kulang sa akin? ilang linggo palang kaming wala nakahanap na agad sya ng iba"

"Jen shhhh tahan na hayaan mo na lang sila wag mo na silang pansinin ok may much better ba dyan para sayo"

"Ate sobra ko syang mahal kulang pa ba ang pag mamahal ko bat nag hanap pa sya ng iba"

Niyakap lang ako ni ate at hinayaan nya akong umiyak ng umiyak. First love ko sya pero sinaktan lang nya ako at ung ex nya pa ang pumalit sa akin.. yung ex nya na niloko lang sya at pinagpalit sa iba. Bat ganito bakit!!!!

The truth behind myselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon