Jen's POV
After ko mag drama kila Sarah umuwi na ako sa bahay namin naabutan ko pa sila mama at papa na nanunuod ng balita pumunta muna ako sa kusina para uminom ng gatas mas lalo ngayon na naiistress ako
"Jen kumain kana ba?"
Nagulat ako kay kuya na bigla na lang nasulpot
"Kuya ikaw pala nabigla ako sayo"
"Hay nako nag gagatas ka na nga lang nerbyosa ka pa tsk tsk tsk"
Umupo si kuya sa tabi ko at kumain ng tinapay na nakahain sa lamesa namin habang ako ay umiinom lang ng gatas.
"Nag kita kami ng totoo mong kuya na si Rex mag outing ata kayo next week"
Hindi ko natuloy ang pag inom sa gatas ko dahil sa sinabi ni kuya sa akin.
Bihira lang kaming makumpleto ng mga kapatid ko kasi may pamilya na sila kuya Michael at ate Katelyn. Maaga silang nag asawa para hindi mapa arrange marriage para sa business namin. Pero maganda na rin ito kasi miss ko na sila.
"Ganun ba kuya? maganda yun makapag bonding din naman kami"
Tumayo na si kuya at ginulo nya ang buhok ko.
"Tama ka dyan. Ay sya pupunta na ako sa kwarto at gagawa pa ako ng report para bukas"
"Ok kuya"
Maaga akong pumasok para makatambay sa library at alam kong sa education department muna sya para silayan ang Ken daw nya.
Enjoy na enjoy na ako ng pag babasa ko ng may narinig akong bulungan sa may likod ko
"Gosh girl ang gwapo ni Carl crush ko na talaga sya"
"Oo nga kyaaaah!"
Napatigil ako sa pag babasa. Si Carl kaya na tinutukoy nila ay ang Carl ko dati? Napatulala na lang ako sa pag iisip parang gusto ko itanung sa kanila kung sinong Carl yun.
"Hoy wag mong kaisipin yang ex mo nandito naman ako. Ako ang kunsensya mo"
Bigla akong kinalabutan dahil sa bumulong sa kanang tenga ko.
Napalingon ako at nakita ko si Ken na ang lapit ng muka sa akin at ngiting ngiti. kaya naman nasampal ko sya.
"Aray naman Jen masakit huh"
"Ay sorry may lamok kasi kaso hindi ko parin na patay"
"mag papalu-"
"Jennifer! si Rex nandito hinahanap ka"
Napatayo naman ako dahil sa sinabi ni Sarah. Tingin ko may problema dahil bigla na lang pumunta dito si kuya Rex.
Tumakbo na ako palabas ng library at iniwan sila Sarah at Ken. Yup iwan si Sarah at makikipag kwentuhan lang sya kay Ken sinabi lang nya kung nasaan si kuya Rex.
Nang malapit na ako sa classroom namin kung nasaan si kuya Rex kita kong ang daming babae na nag kakagulo kaya binagalan ko ang lakad at sumilip silip.
"Kuya anong name mo!?"
"Omg your so hot! pahingi ng number mo!"
"Ui mag salita ka naman ano ba name mo?"
"Kuya ang gwapo mo!"
"Crush na kita!"
Ayan ang mga naririnig sa mga babaeng nag kakagulo at nung nasilip ko na kung sino ang pinag kakaguluhan nila humanap lang ako ng spot na pwede nya ako makita kasi ayaw ko makipag siksikan sa mga babae. And I find a high spot kaya tumayo ako doon at kumaway. And vuala nakita na nga ako ni kuya Rex
BINABASA MO ANG
The truth behind myself
De Todosi Jen ay masikretong tao dahl ang buong katauhan nya ay nakatago sa lahat. Sa unang beses sya nag mahal umasa sya at nasaktan. Si Ken na lalaking pasulpot sulpot sa buhay nya ba ang mag bubunyag ng totoo nyang katauhan at mag tuturo kay Jen mag m...