Bida, Kontra-Bida

43 0 0
                                    

Chapter One

"Ano na naman ba 'yan? Chocolate cake para kay Rolf? No'ng isang araw, mocha cake. Aba. Sumusobra naman na yata 'yan best." Nagulat ako ng biglang mag-salita si Annie. Siya nga pala ang pinaka-pinaka-pinaka the best Bestfriend in the world! Kasama ko siya kahit saan. Kahit na maldita ako, 'di niya 'ko iniiwanan. Ha-ha!

"Ano ka ba naman? Imbes na maayos pa 'tong cake eh. Hala, baka nasira ang designs. Ba't ka ba kasi ng gugulat?" Nakasimangot kong sabi.

"Ikaw naman kasi Delaney. Ano na naman ba 'yan? Mas malala ka pa yata sa baliw eh. Alam mo naman na 'di ka mapapansin ni Rolf eh. Kinakapatid lang turing sa'yo no'n 'no. Kaya pwede ba, tigil-tigilan mo 'yan at baka matuktukan kita."

Teka, sino ba nag-sabi na para sa kanya 'to? Para 'to kay Tita ninang ko 'no."

"Ah. talaga? Para pala kay tita Viola. O, sige. Malay ko ba kung totoo 'di ba?"

"'Ba 'yan, ona nga. Sige na. Para sa kanya 'to."

"Wala ka ng pag-asa do'n, alam mo naman na dead na dead 'yon kay Karen eh. Simula nga no'ng nakilala niya 'yong babaeng 'yon, 'di ka na napapansin."

Si Karen? 'Yon ang pinaka-best actress na malditang babae na kina-i-inlove-an ng kinakapatid kong si Rolf. Na siya naman na kina-i-inlove-an ko. Bata pa lang ako, in-love na ako ro'n. E bakit hindi? Eh, ang bait-bait no'n, gwapo, matangkad, maputi, matalino, iniintindi ako kahit napaka-maldita ko.

By the way, I'm Delaney. Delaney Williams. Medyo mabait, medyo maldita. Half-half kumbaga. Haha! Actually, nagiging maldita lang naman ako kung inaagaw sa akin ang mga bagay na dapat ay sa akin talaga. I'm 4th year college na eh. Taking Photography. Nakatira kami kung saan nakatira rin si Bestfriend at si Rolf. Actually, magkakabata kami eh. Mga mommies namin ay magbi-bestfriend. Pati mga daddies namin. Sabi nila, lahat na raw nasa akin. Well, I work hard for all of this. Bata pa lang ako, tumutulong na ako kay mommy na mag-bake ng mga cakes na ino-order naman ng mga taga-village namin. And bilang kapalit, sumasahod ako sa kanya. Hihi. 

"'Morning Del." Nagulat ako ng andito na siya sa tabi ko.

"Oh, Rolf. Andito ka pala. Bakit? Ano? Ay, ito oh, para sa inyo ni Annie. Kaen ka na, ay kayo pala."

"Me? Kasali ako? Akala ko para lang kay Ro--" Ano ba naman 'to si Annie? Nakaka-inis naman eh. Ibubuking pa ako?

"Para sa inyong dalawa 'yan, at bilang kabayaran.. Ililibre niyo 'ko ng ice creaaaaaaaaam." Sabi ko na lang basta. Bigla naman natawa si Rolf. Haaaaay, ano ba? Alam niya ba na nakaka-melt ng puso every time na ngingiti siya ng supeeeeeeer sweeeeets? 

"Sabi na Annie eh. May kapalit agad kay Del. 'Kaw talaga. Hahahahahaha! By the way, sige. Labas tayo mamaya, may good news din kasi ako eh. Maya ah, kita tayo sa--"

"Teka-teka, anong good news?" Awat ko muna sa kanya. Gossssh. 'Di naman kaya, nagising siya na-inlove na sa akin then sasabihin niya na mamaya? O kaya naman, aayain niya na ako magpakasal? Gosssssssshh. Air-Air! 

"Basta, maya. Sa Black Olive Cerveseria tayo ah." Naka-ngiting sabi nito.

"Teka, ililibre niyo ba ako?" Tanong naman ni Annie.

"Onaman, sagot ko. Sige na. 4:00 ah. Uwi muna 'ko." Paalam ni Rolf.

Ng wala na si rolf bigla akong tumayo at nag-lulundag. At--

"Oh my gosh Annie! Do you think, ang good news niya ay na-in-love na siya sa akin? Na gusto niya akong ligawan? Maging girlfriend and Asawa? Oh my. I'll say yes agad 'no. Di na ko magpapa-kipot. Tsaka--"

"Ano ba? Napaka-fast forward naman ng pag-iisip mo. Grabe ah. Dami na agad pumasok sa isipan mo, wala pang five minutes. Tuktukan kita dyan eh. 'Wag kag ganyan, baka mamaya, bad news pala for you. Tsk-tsk."

"Oy 'wag naman. Hihi. Kinikilig pa nga ako eh. Kontra ka na naman eh. 'Wag gano'n, mabuti pa, halika na, pili a tayo ng susuotin natin. Daliiiiiiiiiiiiii." Hila-hila ko si Annie papunta sa taas, kung saan andoon ang kwarto ko. 

"'Wag ka naman mang-hila ng super di ba? Alam ko naman na kinikilig ka, pero kalabisan na 'to eh." Pagmamakaawa ni Annie sa akin.

"Ito, tingnan mo, bagay ba sa akin 'to? Dress na blue or red? Ay, itong yellow kaya? Pleaaase? I need your opinion."

"Ano ba Delaney? Para ka naman timang eh. Ako nga, mag-papambahay lang eh. Gaganyan ka pa? Pero sige, ng manahimik ka, ito bagay sa'yo, white na dress."

"Ito? Sige, I like it naman eh. Ito na lang. Sige na, mag-reretouch pa ako eh. Bye-bye. Dali na, do'n ka na sa inyo."

"Matapos kong--" Tinulak ko na siya palabas at isinara ang pintuan.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Lalala~ Sana naman talagang good news and surprise talaga ah. Naaaaaaaamaaaaaaaan, kaka-kilig eh. Hihi. IloveRolf. 'Yaaaaay! 'Love this day. Ang tagal naman mag 4:00 o 'clock. 2 hours pa. Huhu. I can't wait.

Tok-tok-tok. 

"Yizzzz?" May kumakatok kasi.

"Baby, have you eat na ba your lunch?"

"Oh yes mommy. Ang sarap nga eh. Hihi." Sagot ko kay mommy habang binubuksan ang pinto. 

"Oh, saan ang lakad ng dalaga ko?" Naka-ngiting tanong nito.

"Lalabas po kaming tatlo nila Annie and Rolf. Don't worry. We will take care so much." 

"Okay baby. Dito na ako sa baba huh?"

"Thanks Mommy." 

Ito na. TADA! Bagay nga sa akin 'tong white dress. Yipppeee. Ilulugay ko ba ang hair ko or what? Clip ko na nga lang. Hmmmmmn dadalhin ko DSLR ko. Moment ko 'yon, uuna na 'ko pumunta ro'n. Para ma-picture-an ko ang paligid. Para naman may souvenir ako sa araw na ito. Hihi. Ang ganda, nakaka-kilig talaga. 

"Mommy? Alis na po ako ah." Nakangiting sabi ko.

"Okay baby ko. Mag-ingat ah. Akala ko sabay-sabay kayo?"

"No mommy, mauuna na ako." 

"Sige, drive carefully."

"Yes mommy ko na maganda." Tumakbo na ako palabas ng bahay and tumapat na sa kotse ko. Peugot 208 'to, gift sa akin ni papa ng nag-birthday ako. Alagang-alaga ko 'to, kasi naman lahat ng bagay for me is pinaghirapan. I appreciated all this.

Bida, Kontra-BidaWhere stories live. Discover now