So, thizz izz it'zz! 'Yong flowers, red, nag-kalat sa red carpet na siyang dadaanan ko. Tapos, 'yong mga guests. Si Annie as a maid of honor. Si Ken, as a best man. Oh, he's a bestfriend of Rolf. Crush niya si Annie. Hihi. Bridesmaids, groomsmen, flower girl, ring bearer, si mommy and daddy, si tita and tito. And there, si Rolf. Siya lang yata ang naka-simangot. "Don't mind him Del. Don't ruin your own wedding, hayaan mo muna si Rolf, basta ikaw, masaya." Bulong niya habang naglalakad sa aisle.
Paanong wedding na namin agad? Paano? Hmmmn, after namin mag-usap, napagkasunduan namin na mag-pakasal na, kasi **May somehing na nangyari** na hindi naman talaga nangyari. Haaayy. So, itoooo. TADA! M-A-S-A-Y-A! Ako. Sobra. 'Di pa 'ko tapos mag-aral. Pero, I know, and determinado akong matapos ang pag-aaral ko.
Ang ganda. Thanks to mommy and tita, for keeping in touch for this wonderful wedding that every girl could dream for.
**Cause I am falling in love...never gonna stop falling in-love...with you...**
Finally, here I am. Rolf gently take me to altar. Bahagyang naka-ngiti. I know, napipilitan lang siya.
I, Delaney Williams...take you,
I, Rolf Montenegro... take you, Delaney Wiliiams, to be my lawfully wedded wife. To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, an sickness and in health,
...Rolf Montenegro, to be my husband... I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and n health. I will love you and honor you all the days of my life.
... until death do us part...
--
Reception.
ROLF
Napaka-ganda niya. In her Floor length wedding dress. Habang lumalakad siya, para bang nag-fast forward ang lahat. Me with her, grow old together... WHAT?! Rolf? Are you serious? Ano bang nakaen ko? Onga pala. 'Di pa 'ko kumakaen, kaya siguro ganito. Dapat galit ako sa kanya. Inilagay niya 'ko sa isang bagay na hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari. Hindi ko alam na magagawa niya 'yon.
"Anak?" Ang tinig na 'yon ang nag-pabalik sa kanya sa kasalukuyan. Si nana, matagal ng nag-sisilbi sa kanila ito. Kaya't lahat sila'y parang isang tunay na nanay na rin ang turing dito.
"Po?" Naka-ngiting tanong niya rin dito.
Umupo ito sa tabi niya. Naka-ngiti. "Sabi ko na nga ba't kayong dalawa rin ang mag-kakatuluyan eh. Ewan ko nga ba sayo't kung kani-kanino ka pa tumitingin. Aba't tingnan mo siya, napaka-saya niya, lahat bina-bati niya. Natitiyak ko na magiging maganda ang inyong pagsasama. Nagtataka nga lamang ako."
"Bakit po nana?" Tanong niya dito ngunit ang kanyang tingin ay na kay Del pa rin. Malawak na naka-ngiti, parang hindi siya napagod.
"Eh, 'di ba kasi nag-propose ka pa ng gabing 'yon kay Karen? Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko si Delaney kaysa sa babaeng 'yon 'nak." Napa-tingin siya dito. Bakit gano'n sila? Mabait si Karen. Maalaga.
"Itanong niyo na lang po 'yan sa kanila." Tumayo na siya at humalik sa pisngi nito. Hinawakan siya sa braso. "Ipangako mong aalagaan mo si Delaney, huh?" Nakangiting sabi nito sa kanya.
"Ipinapangako ko po nana." Ngumiti siya. Naglakad siya patungo kay Delaney.
--
Reception
DELANEY
"Mukhang pagod na ang Sweetheart ko ah." Nagulat si Delaney ng marinig ang tinig ni Rolf mula sa likuran niya. Paglingon niya'y papalapit sa kanya ito. Naka-ngiti. Alam niyang umaarte lang ito. Siguro, ayaw lang siyang ipahiya sa ibang bisita.
"Rolf..." She smiled at him. A real one.
"Thank you sa pag-punta niyo." Habang naka-tingin ito sa mga bisita. Humawak sa kanya at inalalayan siya. Iginaya siya nito patalikod sa mga bisita. "Umuwi na tayo." Bulong nito sa kanya.
Uwi. Onga pala, saan kami uuwi? Para naman nabasa nito kung ano ang nasa isipan niya.
"Remember, 'yong sinabi ko sa'yo dati? Na, nagpapagawa ako ng bahay? Sa kabilang village lang 'yon. Medyo hindi pa siya ayos, pero kaunti na lang ang problema ro'n." Sabi nito sa walang reaksyon.
"Eh, 'di ba, pwede naman sigurong doon na lang tayo kayla mommy, sa-"
"Gusto mo ng mag-asawa 'di ba? Dapat ready ka sa lahat. Babalikan kita in ten minutes, tapos aalis na tayo."
"Pero-" Tumalikod na ito.
Nakaka-inis naman. Hindi naman ako mag-aasawa kung hindi siya ang magiging asawa ko 'no.
"Hoy Del." Si Annie.
"Oy. Hihi. Nag-eenjoy ka ba?" Naka-ngiting tanong niya dito.
"Mag-eenjoy sana, pero may hinala akong ikaw ang gumawa ng lahat ng ito kaya naman natatakot ako. Anyway, hinanap talaga kita, andoon si Karen, ayaw papasukin ng guard. Puntahan mo." Sabi nito.
Tumakbo siya. Mahirap na, baka makita pa ito ni Rolf.
"Delaney, nasaan si Rolf? Mang-aagaw ka!" Sigaw nito. Buti na lang, walang masyadong tao dito.
"Ako? Mang-aagaw? Hello. Mahal ako ni Rolf. Ako nga pinakasalan niya eh. Nagmamahalan kami. kaya, kung ano man 'yong sa inyo ni Rolf DATI, WALA na 'yon. Okay?" Mataray niyang sabi. Akala yata nito, uurungan niya 'to. Ka-gigil ah.
Hindi naman niya ito napansin na papalapit na pala ito sa kanya. Nagulat na lang siya ng maramdama ang kamay nitong humihila sa buhok niya.
"Ang buhok ko!" Sigaw niya. Sabay hila rin ng buhok nito, inawat naman sila agagd ng guard. Nahawakan ng mga ito si Karen.
"Alisin niyo siya dito, baliw 'yan." Sabay talikod siya. "Oh my, buhok ko, ang gulo."
"Saan ka ba galing? Si Rolf. Nagulat siya.
"Ahh, dyan lang sa labas, nagpahangin." Ngiting sabi niya.
"Bakit ganyan hitsura mo?" Nagtatakang tanong nito.
"Oh, 'yong hair ko ba? Na-ano kasi. Ano- Oo, mahangin sa labas. Halika, dali, maya na tayo alis, masyadong mahangin sa labas eh. And, papaalam pa ako sa kanila." Hinila niya ito papasok ulit.
--
Room
Muntik na 'yon ah. Haaaay. Buti na lang. Hindi ko na hahayaang makalapit pa 'yong babaeng 'yon kay Rolf. Ginulo niya pa 'yong hair ko. Wedding na wedding ko ng gulo. Pero, akala niya masisira niya ang gabi ko, hindi 'no. Lalala~ Ngayon pang naiisip kong habang buhay ko ng makakasama si Rolf. Yay!
"Matagal ka pa ba?" Si Rolf.
"Malapit na!" Sigaw ko. At lumabas na ako.
"Dear next chapter of my life, I'll be there!" Nakangiting bulong ni Delaney.
![](https://img.wattpad.com/cover/8537654-288-k308949.jpg)
DU LIEST GERADE
Bida, Kontra-Bida
RomantikDestiny? 'Di kasi ako naniniwala do'n eh. Dapat lahat ng things pinaghihirapan. Kaya nga pati siya napunta sa akin eh. But, I think he'll never learn how to love me back. So, it's time for me to give up na. - Delaney