Chapter Three

12 1 0
                                    

Chapter Three

"Kaya ko kaya? Uughh. Kakainis naman, pero kailangan kong gawin 'to. And ito na lang ang way." bulong niya sa sarili niya habang paakyat na siya sa itaas kung nasaan ang kwarto ni Rolf. Andoon na raw kasi ito. Si Karen? 'Di ko rin alam kung nasaan siya eh. I don't care.

Habang binubuksan niya ang pintuan, unti-unti niya rin nakikita ang dingding na naka-harang kung saan ito naka-higa. Unti-unti siyang lumakad papunta rito. Mahimbing na itong natutulog. Iginala niya ang kanyang paningin, picture frames. 'Yon! Hahahaha! Naalala ko ang picture namin na 'yon. Naka-sakay kami sa bike. Siya ang nagpapaandar. Meroon din akong copy no'n eh. Tsaka 'yon oh! 'Yong selfie niya. Hahahaha! Ako nag-capture niyan. Ang pogi-pogi talaga nito kahit saang anggulo. 

"Del!" Naulat ako ng may tumawag sa likuran ko.

"Tita? Bakit po?" Tanong ko kay tita. Siya pala 'yon. 

"Ano pa bang inagawa mo dyan? Do something. Kailangan mong mapaniwalang meroong nangyari sa inyong dalawa. Or else, gusto mo siyang mapunta kay Karen." Tumungo ito kay Rolf, ito ang nag-tanggal ng mga damit nito. Sabay talikod nito at bumaba na.

"Kailangan kong gawin ito... I'm sorry Rolf."  naiiyak na niyang sabi sa sarili habang tinatanggal ang damit niya. Tumabi siya rito, at kinumutan ang sarili niya. Bago pa siya naka-tulog, niyakap niya si Rolf. 

--

"My God! Rolf! Ano 'tong kalokohang ginawa mo? Bakit kay Delaney pa?!" Sigaw ni mama sa akin.

Ano ba naman 'yan, ang aga-aga, sisigawan ako. And, ano ba ginawa ko kay Del? Naman eh. Spoiled talaga ang isang 'yon. 

Ang saya-saya ng gabi ko eh, tapos mapapalitan ng sigaw ni mama ngayon? Haay, kung 'di ko lang talaga mahal 'to si mama eh.

"Rolf! Get up!" Ulit ni mama

"Ano po ba 'yon mama?" Sabay tingin sa kinaroroonan nito. Namumula ito sa galit. Teka, ano ba ginawa ko, bakit gano'n ang reaksyon ni mama? 

"Anong ginawa mo sa kababata mo?" Umiiyak na ito.

"Ma, wala, ano bang sinasabi niyo?" Naiinis na ako, ano ba kasi 'yon?

"Look at her." Sabay turo sa tabi ko, agad naman akong napatingin sa tinuturo nito.

Her cheeks become pinkish. Tumabing na sa mukha nito ang buhok, ang braso nitong nakayakap sa kanyang kumot. Ang mga matang mahimbing na nagpapahinga. Ang labi nitong kay sarap sigurong hagkan, ang paa na naka-patong sa hita niya. Si Delaney talaga, parang bata kung matulog. Napangiting saad niya sa sarili.

"WHAT?! SI DELANEY?!" gulat na gulat niyang sigaw. Unti-unti itong gumalaw at idinilat ang mga mata.

"What's goin' on here?" Inaantok pa nitong sabi. Her voice... nakaka-akit kahit na mariringgan mo lamang. Ano bang nagyayari sa'yo Rolf? May problema ka!

"Bumaba kayong dalawa at pag-uusapan natin ito." Sabi ng mama niya.

--

"Ano 'yon?" Parang hindi pa gising si Delaney. Painat-inat pa ito.

"Tumayo ka dyan." Doon niya lamang naramdaman ang galit. Papaanong kasama niya si Delaney ngayon? Natatandaan niyang naka-inom siya, pero kaunti lamang iyon. Si Karen? Patayo na siya ng mamalayan niyang wala siyang suot na kahit ano. "Shi*!" May nangyari ba sa kanila? Napatingin siya kay Deleney na ngayon ay humihikab-hikab pa. Wala siyang suot! Ano bang nagyari kagabi?

"Tumayo ka dyan! Anong kalokohan 'to?! Sabihin mo nga sa akin!" Parang nagising naman ito agad at biglang parang binuhusan ng napaka-init na tubig. Namula ito. Waring naguguluhan sa mga nangyayari.

"Rolf...I-I don't know..." Umiiyak nitong sabi. Tumayo na siya at hinila ang bed sheet upang itakip sa sarili. Nakonsensya naman siya ng mahila rin ito dahil sa pag-hila niya ng bed sheet. Umiiyak ito. Gusto niyang amuin ito, ayaw niyang nakikitang nasasaktan ito. Mahalaga sa kanya ito, ngunit sa ngayon ay naguguluhan siya sa mga pangyayari. Tinalikuran niya ito at dumiretso sa comfort room.

--

"Tita, kinakabahan ako." Sabi ni Delaney. "Kanina, kung makikita niyo ang mga mata niya, galit na galit siya sa akin." Umiiyak siya. "Sabihin ko na kaya ang totoo?" Humahagulgol na siya sa balikat nito. Inilayo siya nito at tinitigan.

"No Del, andito na 'to." Matatag nitong sabi sa kanya. Narinig niya ang mga yabag ni Rolf sa hagdanan.

"Maupo ka Rolf, tinawagan ko na ang tito at tita mo para mapag-usapan na itong nangyari. Parating na sila ngayon." Utos ni tita kay Rolf.

 --

Oh no! Awkward. Paano ko ba sasabihin na pakana namin 'tong lahat ni tita? Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Pero alam kong mas mahirap ang kay Rolf.

 Kadarating lang nila mommy and daddy. 'Di ko na alam kung saan ba tumatakbo ang usapan. I don't know, wala dito ang isip ko. Kaninang midnight, nagising pa ako. And natatandaan ko pa ang scene na 'yon.

**"Rolf..." Niyakap ko siya mula sa kanyang gilid. Niyakap niya ako pabalik...

"Sleep tight sweet heart..."  Humalik siya sa noo ko at doon ay muli akong naka-tulog.**

"Sweet heart" dati pa man, tawag na sa akin 'yan i Rolf. Endearment niya sa akin 'yan. Kapag nagtatampo ako, kapag makulit ako, kapag may gusto akong hingiin, kapag pinagsasabihan niya ako, lagi niyang babanggitin ang salitang "Sweet heart" Haaayyy, nakaka-kilig, kung sana'y maganda na sa simula pa lamang ang relasyon namin, kung sana'y ako na lang ang kanyang inibig, ipinapangako ko na--

"Ano ka ba naman Delaney, alam namin na nabibigla ka sa pangyayari, pero please. Hear we out!" May iritasyon sa tinig ni mommy.

"I'm sorry mom, may iniisip lang ako." Napayuko ako.

 Ano ba naman kasi 'to Delaney? Kainis ka naman eh. Malay mo 'di ba, akala niya 'yong girlfriend niya 'yon o kung sino man 'yon. Feeler ka talaga e. But 'di ba--

"'Di ba? What do you think 'Del?" Boses ni tita.

"Oh! Yes! Yes! Opo tita." 'Di ko alam sinasabi nila but at least, sumagot na ako 'no.

"Okay lang sa'yo na mag-pakasal agad anak? Hindi mo ba muna tatapusin ang pag-aaral mo?" Si Daddy.

"Huh?!" Ano 'yon?

"Can you just please give attention about this?! Pwede ba?! 'Di lang ikaw ang nahihirapan!" Sabay walk-out si Rolf. Oh gosh. Sorry, naguguluhan lang talaga 'ko.

Ano na gagawin ko?

Bida, Kontra-BidaWhere stories live. Discover now