Where Are You Now?

113 2 0
                                    

WHERE ARE YOU NOW?

"Break na daw kayo."

Apat na salita. APAT na salitang nagpaguho ng mundo ko. Siguro, hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nung 'yan ay narinig ko. Ang masaklap, hindi ko pa narinig galing sa'yo.

Naalala ko pa, noong sinabi mo sa akin na, "Hindi ka dapat iniiwan." At naniwala ako sa iyo noon. Pero bakit ganito?

Iba ngayon..

Ibang-iba sa naranasan ko..

Naalala ko pa, noong una tayong magkakilala. Bagong pasok nun sa eskwelahan. Ni hindi nga tayo nagpapansinan. Paano ba naman? Nasa harapan ako, at ikaw naman nakaupo sa bandang likuran.

Tapos isang araw, naisipan kong manlibre. At isa ka sa mga lumapit sa akin nun para magpalibre. Nakakatuwang isipin na kung hindi dahil sa panglilibre ko, hindi ka lalapit sa akin. Nung mga panahon na 'yun, tuwang-tuwa akong nailibre ko kayong lahat kahit na simpleng juice lang. Ang mahalaga naman ay dahil libre, hindi ba?

Pagkatapos nun..

Lagi ka nang lumalapit sa akin para MAGPALIBRE. At dahil sa sobrang kakulitan mo ay napapapayag mo ako. Tapos bigla mo na lamang akong hihilahin sa canteen para hindi na sumama ang iba. Sugapa ka pa nun. Gusto mo, ikaw lang nililibre ko. Nung mga panahon na iyon, sinabi mong maging mag-bestfriends tayo. Sa hindi ko malaman na dahilan kung bakit mo naisip 'yun? Nagpakipot muna ako at sinabing, "Ayoko nga. Magpapalibre ka lang eh." Pero nangulit ka ng nangulit.

Araw-araw kang tumatabi sa akin lalo na kapag walang guro. At mangungulit ka lang para sabihin sa akin na, "Pumayag ka na kasing maging bestfriend ko." Papayag naman ako. Inaasar lang talaga kita nun. Ang cute mo kasi kapag ganun ang itsura mo. Dumating na si Ma'am nun kaya naman umalis ka na sa upuan na katabi ko. At bumalik sa upuan mo. Matapos ang klase tumambay muna tayo nun sa room. Kasi nakakatamad pang umuwi ng maaga sa mga bahay natin. At dahil dun, nakakuha ka ng tyempo na kulitin na naman ako.

Naalala ko pa, isinabit mo sa alambre ng blackboard ng kwarto- kung saan sinasabit ang mga visuals, ang aking panyo. Para akong tanga nun. Kasi hanap ako ng hanap ng panyo ko. Habang ikaw, tawa ng tawa dahil sa paghahanap ko. Nang hindi ka makatiis, itinuro mo na din sa akin kung saan mo ipi-nwesto yung panyo. At dahil sa pangungulit mo, napapapayag mo ako.

Masaya tayo. Libre kita lagi kahit anong magustuhan mo. Alam ko naman na 'yun lang ang dahilan kung bakit mo ako ginawang bestfriend eh. Pero sabi mo, "Hindi ah. Ang bait mo kaya." Napangiti ako nun sa sinabi mo.

Naalala mo pa nung isang araw ay hindi pumasok ang ating guro? Kaya hayun, tambay lang tayo sa kwarto. Nagti-trip ka nun. At pati ako dinadamay mo. Bigla mo na lang akong hinila nun habang prente akong nakaupo at naglakad tayo habang nakasukbit ang kamay ko sa braso habang kumakanta ka ng himig na pang-kasal. Natatawa ako sa'yo nun kasi ang lakas ng tama mo. Inikot-ikot mo ako nun at sinasabi sa lahat ng kaklase natin na, "Pakakasalan ko ang bestfriend ko." At magtutuloy na ulit tayo sa paglalakad. At ako, pinagtatawanan ka lang sa mga pinagsasabi mo.

Minsan pa isang uwian. Nakita mo ako nun na hirap na hirap sa napakalaki at napakabigat kong dalang school bag. Kinuha mo sa akin at tinulungan mo ko nun pero alam ko naman na may kapalit 'yun. Simula nun, binubuhat mo na ang bag ko pauwi at babayaran kita ng sampung piso. Sa isip-isip ko nun ay napakagandang-ideya dahil hindi na ako mahihirapang magbuhat pa ng bag ko.

Biglang isang araw, hindi ka na nagpapabayad kahit na binubuhat mo pa rin ang school bag ko. Nag-alala ako nun. Hanggang sa dumating sa point na hindi ka na din nagpapalibre. Hindi ko alam kung ano pumasok sa kukote mo nun. Nalungkot pa ko dahil akala ko nagsawa ka na sa pagiging mag-bestfriend natin.

One-Shot Stories: CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon