My Rival

19 0 0
                                    

Fourth year highschool ng mag-transfer ako sa school niyo. Doon din kita nakilala, kung saan maraming nagsasabi na popular ka. Na halos lahat ng estudyante ay kilala ka.

Sabi ng kaibigan ko, na first year pa lang ay nag-aaral na sa paaralang ito, ay magiging karibal daw kita sa academics. Matalino ka nga daw kasi talaga.

Hindi ko alam pero na-excite akong pumasok sa school araw-araw at excited din akong makilala ka. Tila baga isang challenge ka para sakin. Ako kasi yung tipo ng tao na gusto ay nakakataas sa kahit na sino. Gusto ko ako ang MAS sa lahat ng bagay.

Nakasalubong ka namin, tinuro ka kasi nung isang kaibigan ko. So, that's him? Sabi ko pa nun sa isip ko. You are not that super gwapo pero may class.

Mas nakilala pa kita ng magkasama tayo sa Student Council. Mas nalaman kong hindi ka lang basta may class. Mabait ka, God centered, may sense of humor, at napakaganda pa ng boses mo.

You're the Student Council President and I'm the Vice President. Oo nga, naging rivals tayo sa iba't ibang bagay, but you are the one who encouraged me to participate. Hindi naman talaga ako interesado sa mga ganyang activity pero ewan ko kung bakit napapayag mo ako.

Sweet ka sakin at ganun din ako sayo. Palagi tayong nagkakamustahan sa text kung okay lang ba tayo. Nagpapaalala ng Ingat ka sa tuwing aalis ang isa sa atin, kumain ka na at Goodnight tuwing gabi. Nagsasabihan ng I miss you kapag matagal tayong hindi nagkakasama.

Sa sobrang close na natin hindi ko akalain na mahuhulog ako sayo. Some of your friends said that you like me too. Sabi pa nga ng iba that we are match made from heaven.

Puntahan kita after ng class ko. Text message na natanggap ko galing sayo. Hindi ako mapakali kaya nagreply lang ako ng Bakit? Pero wala na akong natanggap pang kahit anong reply. Naghintay na lang ako ng oras ng uwian. Excited dahil iniisip kong baka ito na ang panahon na magtatapat ka na.

After nga ng class ay nakita kong nasa labas ka na ng room ko. Pumunta tayo sa favorite place natin, rooftop.

Ano bang sasabihin mo at mukhang napaka-importante naman niyan. Tanong ko ng makaupo na tayo sa favorite bench natin. Nabigla na lang ako ng may inabot ka sa akin na bouquet of flowers and a box of chocolate. Ano to? Tanong ko pa sayo. Wala naman kasi akong naiisip na okasyon at hindi ko din naman birthday. Basta. Sabi mo at ngumiti lang. Inabot ko naman at nakita ko na may nakasulat ito na, "For the luckiest girl in the whole world."

Binasa ko yung kasamang sulat. Nakakataba ng puso yung ginawa mong pag-amin sa sulat. Napaiyak ako. Hindi dahil sa pag-amin mo. Napaiyak ako sa katotohanan na itong hawak ko ay para pala sa kaibigan ko. Si Belle? Tanong ko. Maganda ba? Sa tingin mo sasagutin na niya ako? Balik-tanong mo sa akin. Umoo na lang ako.

Umasa ako. Hindi ko din kasi expected na ganito pala kasakit. Pain is way greater pag nasaktan ka. Hindi sakit sa natamo mong sugat noong bata ka pa. Iba na kasi to eh.

Bakit ganun? Langhiya naman kasi. Hindi mo ba ako minahal? Oo, umiyak ako nung malaman ko na ganun na pala ang sitwasyon. Na nililigawan mo na pala ang kaibigan ko. Akala ko kasi magkakaroon ng TAYO, akala ko special yung trato mo sa akin, akala ko nga pagtatapat na lang kulang sa atin at go na. Oo, naghintay ako. Hinintay kita, di ako tumanggap ng suitors o nagkagusto man lang sa iba kasi umasa ako na meron tayong something pero wala naman pala. Akala ko lang pala ang lahat. Ako lang pala ang nagbigay ng meaning sa lahat ng ginawa mo.

I want to forget you but I can't. That's why I'm gonna treasure those memories instead. Those rare moments, I'll engrave it in my heart. Nasaktan ako, pero pinatawad na kita dimo naman kasi sinabing MAHULOG KA SAKIN. You inspire me to do better, to be myself and to live my life the way I wanted it to be. I'm sorry for dreaming that we could end up together. You're one of my best memories. You are still my rival. You're one of the best characters in this chapter of my life.

One-Shot Stories: CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon