Annie

18 0 0
                                    

"Meet you at our usual place. Love you."

I replied "Okay" to Anton's text message.

Yes, we've been together for like a year now. And it's actually our first year anniversary today.

Masaya, yes. It is because we love each other but it needs to be ended.

***

"Akala ko hindi ka na sisipot sa date natin eh." Anton said. I just smiled at him and kissed his lips.

I don't know why I fell in love with this man but then again, we need to end this.

"Pwede ba naman yun? Eh this day is special. Hinding hindi maari na hindi ako sisipot noh." I said.

Ngumiti lang sya. Hinila na nya ang upuan at inalalayan akong makaupo. Ito din ang isa sa rason siguro kaya ko minahal si Anton dahil sa napaka-gentleman niya.

"Thank you." I said and smiled at him.

Talagang pinaghandaan niya ang araw na ito. We are at the top of this building with candle-light dinner. May mga tao din na nagpapatugtog ng violin- which is nakakadagdag ng sweetness sa lugar.

"Happy anniversary love!" Anton said and so did I. I greeted him as well. "I love you." I said.

"I love you, too." He answered.

Hay, kung pwede ko lang marinig ang mga salitang iyan habang buhay kaso hindi pwede.

Dumating na ang naka-assign na waiter to give our food and it was delicious. Nagkwentuhan lang kami ng mga nangyari ngayong araw. The usual na ginagawa namin sa tuwing magkikita kami. Naikwento niya na he was promoted as a general manager- which I knew na pinagpaguran niya.

Parang di ko yata kaya... Sabi ng isip ko.

Hindi, kailangan. I need this. We need this.

He stood up and went near me. May binigay siyang box. Ayoko na sanang tanggapin pero nagpumilit siyang ibigay sa akin ito. I opened the box at nakita kong necklace ang laman nito.

I asked him, "Why?"

"Gift. For you." He said.

"No. That's not what I meant. Bakit ako?" I asked him again.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko minahal kita. Mahal kita... At mamahalin pa."

"Paano si Jen?" I asked.

"Hihiwalayan ko siya para sayo, love." He said and he cupped my face.

"No. Wag mong gagawin iyan. Masasaktan siya." Napayuko ako. Hindi ko kaya. Hindi ko na kaya.

"Pero mas nasasaktan ka." At lumuhod na nga siya para mapantayan niya ko. Pinipilit niyang iangat ang ulo ko pero nagpumilit akong mapanatili na nakayuko ito.

"Mas masasaktan ako kung makikita kong nasasaktan ang bestfriend ko."

Yes Jen is my bestfriend. Simula pa noong mga bata kami ay magkaibigan na kami. Para na nga kaming magkapatid eh dahil hanggang sa makagraduate kami ng elementary, high school at college. Hanggang sa magkaroon kami ng crush, first love at first boyfriend eh magkaibigan parin kami. Until we met Anton at the coffee shop na palagi naming pinupuntahan from college hanggang sa nagwwork na kami.

Hindi ako naniniwala sa love at first sight but Anton changed it. Nung una ko siyang makita ay na-inlove na talaga ako sa kanya. Unfortunately, Jen also fell in love with him.

Nagparaya naman ako. Ng malaman ko iyon I did my very best para matanggal ang feelings ko. Kahit mahirap, pinilit ko. Because I want my bestfriend to be happy. But I was failed. And I am willing to make it right.

"Hanggang kailan mo ba iisipin ang kapakanan ng bestfriend mo? Ang kaligayahan niya? What about your happiness? Kailan mo naman iisipin yung ikaw. Yung walang Jen."

"We need to end this. Mahal kita at alam kong habang buhay kitang mamahalin but we need to end this relationship. Mahal na mahal ka ni Jen. Hindi na kaya ng konsensya ko na makasama siya habang may relasyon tayong dalawa. Hindi ko na kayang magkunwari na tutulungan ko siyang mahanap kung sino ang babae mo dahil alam ko naman kung sino iyon. Alam naman natin kung sino iyon."

I started crying. Even if it is hurts I need to make things right. Ito ang tama.

"Gagawan ko ng paraan ito." He said and hugged me. Yung yakap na mararamdaman mong ayaw ka niyang pakawalan. Yung yakap na ramdam kong akin.

Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap niya.

"I decided. Matagal, matagal kong pinagisipan ito and my decision is final. Let's break up."

Nagmakaawa si Anton. Umiyak- na sa tanang buhay ko eh ayaw kong makita sa kanya iyon, ang mga luhang iyon.

Pero tinatagan ko ang sarili ko. Humiwalay ako at tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin.

"Leave me Anton. Go to Jen. He loves you more than herself. I'm sure na matututunan mo ulit siyang mahalin."

He stood up and asked me, "Are you sure about this?" Nakatitig lang siya sakin.

"Yes I am sure. Mahalin mo ang kaibigan ko at ang magiging anak niyo." Nakayuko lang ako because I don't want to see his face. Baka umurong ako kapag tinignan ko pa siya ulit.

"Hindi kita masusunod dyan sa gusto mo. Kaya kong mahalin ang bata pero hindi ang kaibigan mo. Maging masaya ka sana." Inilabas niya ang isa pang box sa bulsa niya at ibinigay sa akin. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin na siya sa malayo.

"Para sana sayo iyan pero ayaw mo na. Sana maging masaya ka."

And there, umalis na siya. Lumabas na siya ng rooftop at naiwan akong mag-isa habang hawak ang box na binigay niya. Mas maliit na box kesa sa una niyang binigay.

Binuksan ko at nakita kong may singsing. At nagulat ako sa narinig kong tunog. It was a fireworks that says 'Will you marry me, Annie?'

I cried.

And I touched my tummy, "We did the right thing."

The end.

Littleasskickeer. All rights reserved. 2018.

One-Shot Stories: CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon