Doble si Kuya

18 1 0
                                    

7:00 ng gabi

Tapos na kaming kumain nila nanay at kuya. Dahil sa mas nakababata eh ako ang nakatokang maghugas ng pinagkainan.

May mga assignments pa ako at may pasok pa rin kinabukasan kaya napagdesisyunan ko ng bilisan ang paghuhugas ng pinggan.

Habang naghuhugas ako ng pinggan naramdaman kong may dumaan sa likod ko. At dahil sa matatakutin ako ay tinignan ko agad iyon. Ang nakita ko ay si kuya, nagsisimula ng magsalok ng tubig sa timba na galing sa drum.

Siguro aalis na naman si kuya...

Sa isip isip ko.

Nang matapos akong maghugas ay itinataob ko na ang mga plato.

Dumating si nanay. Pumunta sa palanggana kung saan nakababad ang mga damit. Dahil naabutan ni nanay na nagsasalok si kuya ng tubig...

"Ayan ka na naman Carlo. Kung kailan gabi na saka ka maliligo. Sige, pag nagkasakit ka na naman. Siguro kapag nagkasakit ka na kakaligo sa gabi ay saka ka titigil ano?" Sermon ni nanay.

Si kuya tahimik lang.

Aba, bago ito ha.

Si kuya kasi never na hindi sumagot kay nanay kapag pinapagalitan siya about sa pagligo niya sa gabi. Kaya nakakapanibagong hindi siya umiimik ngayon.

Tuloy parin ang sermon ni nanay kaya nauna na akong umakyat sa taas. Gagawa na ako ng assignment.

8:00 ng gabi.

Kasalukuyan na akong gumagawa ng assignment sa kwarto ng pumasok si nanay. Matutulog na daw siya. Patuloy lang akong gumagawa ng assignment.

Kanina pa ko napapatingin sa labas ng kwarto kasi parang hindi pa umaakyat si kuya.

Nadadaanan kasi muna yung kwarto namin ni nanay bago ang kwarto ni kuya. So talagang makikita mo na dadaan siya kung sakali man na nakabukas ang pinto ng kwarto namin.

Baka naglakwatsa na naman iyon.

Pinagsawalang bahala ko na lang. Malaki na si kuya.

9:00 ng gabi.

Nagising si nanay.

"Erika, i-lock mo na ang pinto."

"Mamaya na Nay, lumabas pa yata si kuya." Sabi ko. Hindi ko pa kasi napapansin na umakyat na si kuya.

"Hayaan mo siya. Gala ng gala. Ikandado mo na ang baba baka pasukin pa tayo ng masasamang loob." Sabi ni nanay at bumalik na sa pagtulog.

Lumabas na ako ng kwarto. Bumaba at kinandado ang pinto.

Umakyat na din ako pagkatapos kong ikandado ang pinto. Bago ako bumalik sa kwarto naisipan ko munang magmuni-muni sa sala.

Papunta na ako sa sala ng mapansin kong may nakahiga sa kwarto ni kuya. Nakabukas kasi ang pinto nito.

Pumasok ako sa kwarto at binuksan ko ang ilaw at nakita kong nakahiga na si kuya doon. Oo, alam ko naman yung katawan ni kuya kasi kapatid ko siya.

Nagtaka ako kasi sigurado akong hindi ko pa napapansin na umakyat at dumaan si kuya kanina.

Baka hindi ko lang talaga napansin dahil busy ako sa paggawa ng assignment.

Pinatay ko na ang ilaw at lumabas ng kwarto. Isinara ko na din ang pinto dahil si kuya never na iniwang nakabukas ang pinto kapag nasa loob na siya nito. Nagiging makakalimutin na yata siya.

Naupo na ako sa sofa at binuksan ang TV gamit ang remote. Nanuod na muna ako ng spongebob.

10:00 ng gabi.

Nagising ako sa katok ng pinto. Nakatulog pala ako. Pagtingin ko ng oras ay alas-diyes na nga.

Nakakainis naman iyong kumakatok na iyon. Gabing gabi na.

Naanigan ng mata ko na may dumaan sa gilid ko at papunta sa hagdan. Kinusot ko ang mata ko at nakita ko si kuya na nakatalikod.

"Kuya, pakitignan nga iyong kumakatok." Walang sagot galing kay kuya. Ipinikit ko ulit ang aking mata.

Nagising ulit ako...

Katok pa rin kasi ng katok kung sino man iyon. Tumayo na ako.

Nakita ko ang susi sa tokador. Kinuha ko na nga ang susi at bumaba na ako.

Pagbaba ko, nakita ko si kuya na nasa tapat ng CR.

"Sabi ko sayo kuya buksan mo iyong pinto eh." Walang sagot o imik na naman siya.

May katok na naman.

"Sino iyan?" Tanong ko muna bago ko buksan ang pinto. Mahirap na baka masamang tao nga tulad ng sabi ni nanay.

"Ako ito Erika. Buksan mo na ang pinto." Boses ni kuya ang narinig ko.

Nabigla ako. Lumingon ako kung nasaan si kuya kanina. Tinignan ko ang buong kusina ultimo CR pero walang tao.

Takte sino iyong nakita ko?

Nagtaka din ako kasi iyong kandado namin sa bahay hindi na maikakandado sa loob kapag lumabas ka. It's either i-lock mo yung kandado or iyong door knob. So, kung lumabas si kuya this door shouldn't be lock inside. Pero dahil katok na ng katok si kuya kaya binuksan ko na iyong pinto.

Pagkabukas ko ng pinto, naiinis na mukha ni kuya ang bumungad sa akin.

"Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?" Inis na tanong ni kuya.

Si kuya nga ang nasa harap ko. Si kuya nga.

One-Shot Stories: CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon