Chapter 3: Bye Dad

14 1 0
                                    

Nakikita ko sina Wendy at Pia na papalapit sakin. Inalalayan nila ako.

"Anong nangyari?" Sabi nya at bigla na akong nawalan ng malay.


Walang kwenta..

~*~

"Bakit pa kasi hindi pa natin tapusin to?"

Nagising ako dahil sa pagtatalo ng dalawang babae.

Nagising ako na kaharap ang di kilalang kisame. Puting kisame.

Inilingon ko ang ulo ko sa pinanggagalingan ng ingay. Natigilan sila sa pag-iingay.


"Gising na sya"

"Sino kayo? Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito? Nasan si Dad?" Tuloy-tuloy kong sabi.

Biglang sumakit ang ulo ko kaya't napahawak ako dito. Ang sakit! Ang sakit sakit. Para bang tinuturnilyo ang utak ko.

"Wala ka bang maalala?" Ngiting-ngiti na sabi ng isang babaeng gabewang ang buhok. Anong problema nya at masaya pa sya?

"I guess?" Wala akong maalala. Shet. Ano bang nangyari. Bakit ako nandito?

"Kahit pangalan mo?" Sabi naman ng babaeng brown ang buhok.

Napapikit ako. Ano ba pangalan ko? Sino ba ako?

"Hindi. Wala akong alam" sabi ko.

Napakinggan kong ngumisi sila. Oo may sound eh.

"Sino ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"I'm Pi-" naputol ang sasabihin nya dahil siniko ito ng katabi nya.

"Bakit mo sya siniko?"

Nagtaka naman yung siniko dahil nga siniko sya ng babaeng may itim na buhok na gabewang ang haba.

May binulong yung babae habang nakangisi. May masama akong kutob.

Tumango yung babaeng binulungan.

"Anong pinag-uusapan nyo!? Sino nga ba kayo!?"

"Wala, sabi kasi ni We-" siniko na naman ng babaeng gabewang ang buhok yung babaeng may brown hair.

"We'll give you space to think" sabi nung babaeng itim na buhok.

"Is it okay kung iwanan ka muna namin? Maglunch lang kami" pagdugtong nya.

"Oo nga, muka kasing kailangan mo munang mapag-isa. Mahirap ang magka-amnesia. Sabihin mo lang samin pag may naalala ka na a" ngiting-ngiti na sabi nung babaeng brown ang buhok. Muka naman silang mapagkakatiwalaan pero parang may tinatago sila sakin at may kutob akong hindi ito maganda. Pamilyar ang muka nila pero hindi ko talaga maalala.

Lumabas na sila ng kwarto.

Sino nga ba ako?

Bumaba ako sa kama. Nasa hospital pala ako. Amnesia, nagka-amnesia daw ako pero, nasan ang pamilya ko? Diba dapat kung sino man yung katabi ko ngayon ay ang pamilya ko?

The Revenge Of A QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon