"We're really sorry" sabi ni Kate. Yung babaeng brown ang buhok.
"Dadating na sila" sabi ni Niña. Yung itim ang buhok.
Hindi ko sila kinakausap. Sa totoo lang wala na akong paki sa mundo. Magunaw sya wala akong paki.
Gunaw na din naman ang mundo ko eh.
Dito sa hospital ako natulog kagabi. Di ko pa rin matanggap ang pangyayari. Tuwing naaalala ko-
*sobs*
Naalala? Wala ka ngang maalala eh! Shunga ka talaga!
Sh*t di ko na kaya. Lalo lang akong nahihirapan sa inaasta ko.
"Queen kailangan mong kumain"
Dapat di na lang ako lumabas sa kwarto ko. Yakap-yakap ko yung bag na pagmamay-ari daw ni Dad. Natagpuan ito sa may elevator. Magaling raw yung killers dahil walang natagpuang ibedensya sa bag. Tignan lang natin kung magaling pa rin kayo pag nalaman ko kung sino kayo. Magsasama-sama na lang tayo sa impyerno.
"Queen-"
"Kakain na ako" kinuha ko yung platong dala ni Niña. Maswerte pa rin pala ako dahil may mga kaibigan pa ako.
"Good" sabi ni Kate sabay palakpak pa.
"Move on na te" sabi ni Niña sabay tawa. Gumaan naman ang pakiramdam ko sa kanila.
"Salamat a. Kasi nandito kayo sa tabi ko. Sa ngayon, maaaring di ko kayo makilala pero I'm sure soon I'll get to know you"
"Tandaan mo nandito lang kami palagi" napasmile ako ng malapad. Niyakap nila ako.
"Salamat talaga ha" sabi ko.
Bumitaw na sila at nagsimula na akong kumain. Nandito pa rin kami sa hospital. Sabi ni doc pwede na daw akong umuwi. Mayaman daw kami kasi makapangyarihan daw ang tatay ko, kumuha na ako ng doktor na makakatulong sa pagbalik ng alaala ko, tutal may pera naman. Pinagawa ko na ring abo ang katawan ni Dad.
Nagsimula na akong mag-ayos ng gamit. Iniintay lang naman ako nina Niña.
Lumabas na ako dala-dala ang bag ng dad ko.
"Tara na" sabay na sabi nila. Hinawakan nila ako parehas sa braso ko.
~*~
Bumaba na ako sa kotse.
"Ma'am Reyna" sabi nung nakangiting guard sa may gate ng malaking dingding. Sinuklian ko naman ito ng ngiti.
"Mabuti nagising na kayo" masiglang sabi nya. Tinitigan ko yung muka ni Manong. Mukang close kami a. Pamilyar din naman yung muka nya.
"Nabalitaan ko po yung nangyare, ayos na po ba kayo?" Sabi ni Manong.
"Manong siguro nabalitaan nyo ring may amnesia sya." Maarteng sabi ni Kate. Nag-iba yung aura nila. Parang nagmuka silang...nevermind.
"Ay oo nga pala. Sorry po Maam Reyna" nakayukong sabi ni Manong.
"Wala kang karapatan para kausapin ang boss mo, masyado kang mahiral para kausapin sya at wag mo rin syang tatawaging Maam Reyna, Queen. Madam Queen ang itawag mo sa kanya" si Niña.
"It's okay, ok lang na Ma'am Reyna yung tawag nya. Wala naman akong napansing masama dun a"
"Pero Queen-" sabi ni Kate.
BINABASA MO ANG
The Revenge Of A Queen
Mystery / ThrillerShe is Helena Sanchez/Queencel Trinidad and she kill people.