Chapter 1: First Day

17 1 1
                                    

"H-hi I'm Queencel Trinidad, 15 years old" first day ng school at katatransfer ko pa lang. Bakit ang tahimik nila? Nakaka-ugh! Lalo tuloy nakakahiya. Wala man lang naghehello sakin. Tahimik lang silang nakatingin sa mata ko.

"What should we call you, dear?" Si Mrs. Jackson.

"Anything"

"Do you mind if I-we call you Queen? Tutal maganda ka naman at mukang pang beauty queen yang ganda mo"

"Ok lang po sakin" I flashed a smile. Loner ako oo, pero di ko mawari kung bakit ganito kaseryoso at katahimik ang mga kaklase kong to. Usually, sa isang classroom merong joker slash clown, merong nerds with their big glasses, merong friendly, merong group of girls and boys, at merong loner at tahimik lang.

"Ok Queen pwede ka ng umupo" I smiled at her. Nakakita ako ng isang upuan sa sulok. Mukang bibigay na sa kalumaanat mukang di na nagagamit. Iba sa mga upuan ng kaklase ko. Darn, wala na bang ibang upuang maganda?

Nagsimula na akong hilahin ang upuan. Ang layo nya kasi sa klase, halatang out-of-place na agad ako.

Itinapat ko yung upuan lo sa likod ng babae sa may dulo. Well organized talaga ang classroom, halos perpekto, ayos ang buhok ng mga lalaki at mukang masunurin tungkol sa mga rules tungkol sa haircut. Malinis ang buhok ng mga babae. Maaliwas tignan kumbaga. Walang mga nerds with eyeglasses. Boring.

"Homeroom teacher nyo lang ako. Adviser kumbaga. Unfortunately wala akong subject sa inyo. First time ko nga to eh, na walang subject sa advising class ko. " si Ma'am.

Nagsimulang magdiskusyon si Ma'am Teresa tungkol sa mga facilities, mga rules atbp. Nagpa-assignment pa sya na magdala ng floor wax. Nang masabi na ni Ma'am Teresa ang mga kailangan nyang sabihin ay umalis na sya.

"Bakit dito ka pa nag-enroll?" Napalingon ako.

What. The. Hell.

May isang babaeng ga'bewang' ang buhok ang katabi ko ngayon. Akala ko wala akong katabi kanina dahil nga mukang ayon at sakto lang yung pagkaka-arrange sa upuan.

"I'm Wendell Endrinal" cold na sabi nya. "But you can call me Wendy if you want." Naglahad sya ng kamay. Nakikipag kaibigan ba sya? For the record may makikipagkaibigan sakin pero hindi ganto ang inaasahan ko. Ang cold nya, ang cold nila! Wala akong makitang emosyon sa muka nila. Naiinis ako! Di ako sanay. Mas gusto ko pang ma-out of place dahil sa kaingayang di ko magawa kesa sa katahimikang nakakabingi katulad nito.

Hinawakan ko yung kamay nya pero tinggal ng mabilis dahil itinaas nya ito.

"Yes Wendell?" May teacher na pala sa unahan? Aish, masyado atang naging lutang ang isip ko. Pero bakit di ko sila narinig bumati sa guro?

"Iba na lang ang ituro mo alam na namin yan" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. The hell?

"Ok" sabi nung guro. Lalaki naman ngayon yung guro. Nakakatakot yung aura nya, at unang tingin mo pa lang ay mukang masungit na.

Napatingin ako sa white board sa harap. May mga equations dun na nagpapagulo sa isip ko. The hell? Tapos sasabihin lang ni Wendy na ibahin ang topic dahil alam na nila? Eh hindi ko nga alam yung tinuturo ng guro eh. May mga letters pa at mga arrows sa equations.

"Let's change the topic if you want" napakunot ang noo ko sa sinabi ng guro. Hindi ba sya nabastos sa sinabi ng iaa sa estudyante nya? Ang weird talaga ng school na to. Bakit ba dito pa ako tinransfer ni Papa. Sabi ni Papa para daw magkaroon daw ako ng kaibigan pero mukang hindi mapapasukan ng langaw ang bibig nila. Magsasalita lang sila pag may tanong yung teacher at you know what? Sa bawat tanong ni teacher ay nagtataasan ng kamay halos lahat sa buong klase. At bakit halos lahat ng buong klase? Kasi ako lang yung di tumaas ng kamay. The hell. -.-

The Revenge Of A QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon