"O anak? Meron ka na bang mga kaibigan" sabi ni Dad sabay inom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.
"Meron po" sabi ko habang nakain.
"Talaga?" Tiniklop ni Dad yung dyaryo nya at hinarap ako, soot-soot ang di makapaniwalang masayang muka.
Tumango ako bilang sagot. Niyakap naman agad ako ni Dad.
Ang sikip. -.-
"Wag mo na silang pakawalan ha?" Sabay gulo nya ng buhok ko.
"Pano kung plastik sila?" Tanong ko sa kanya.
"Edi ipamuka mo sa kanila na masama ang pagiging plastic" sabay higop nya ng kape.
"Pano?" Nagtataka kong tanong.
"Pakainin mo ng madaming plastic haha. Hindi naman biro lang" sabi ni Dad. Napangiti naman ako.
"Pa, iniinom mo po ba ang mga gamot mo?" Tanong ko.
"Sige na anak, malelate ka na" sabi nya sabay pack na ng lunch ko. Baka daw kasi may lason yung mga pagkain sa canteen sa school. Tss.
Pagkatapos kong masigurado na kompleto na ang gamit ko ay nagmano na ako at umalis na. Nasa may pinto na ako nang marinig ko yung sigaw nya.
"INGAT HA!" sabi ni Dad. Napangiti na naman ako. Swerte ako sa kanya, napakaprotective nyang tatay pero hindi sya strikto. Di nya pa rin nakakalimutang maging tatay. Di nya nakakalimutang pagsabayin ang pagprotekta sakin at pagpapasaya sakin.
Malapit na ako sa school at nay naririnig akong mga bulungan. Sa akin sila nakatingin. Yung tingin nila, para bang may nakakahiyang kumalat sa school na ako ang dahilan. Darn, ano kaya yun.
Pagkataas ko ng ikalawang palapag ay nakita ko ang dalawang magkaibigan.
"Uy si Queen o!" Sinalubong ako ng yakap ng dalang to. Nakakapanibago pa rin.
"Alam mo ba? Patay na si Ricky/Rick" t-teka? R-ricky? Yun ba yung kumausap sakin.
"Ikaw ang sinisisi nila" malungkot na sabi ni Pia.
"A-ano!? Ako!?" Sabay turo ko sa sarili ko.
Tumango silang dalawa. Bwiset! Nadungisan agad pangalan ko. Second day na second day, napagkamalan akong killer. Malaman ko lang kung sino yun, makakapatay ako.
Naglalakad kami nina Wendy. Nang makita namin si Kaiser. He smiled pero nang magtama ang tingin namin ay nagbago ang ekspresyon ng muka nya.
"San kayo punta?" Sabi nya. Maya-maya'y dumating sina Sally, Dan, at Selwyn.
"Sa room san pa ba?" May birong sabi ni Pia.
Nagsimula na kaming maglakad. Nauuna sina Pia at Wendy. Katabi ko si Sally sa paglalakad.
"Sally Mendez" sabay abot nya ng kamay sakin. Ang lapad ng ngiti nya as usual.
Kinuha ko naman ito.
"Sana maging mas close pa tayo." Sabi nya. Nabawasan ang ngiti nya at parang may iniisip. "Mag-ingat ka lang" bulong nya, para ngang sa sarili nya lang yun sinabi eh pero alam kong ako, ako yung sinabihan nya habang nakatingin sya sa sahig.
Napadaan kami sa malaking bulletin board dito sa ikalawang palapag. Bawat palapag ay may malaking bulletin board. Doon nakikita ang mga news about school.
Literal na napanganga ako.
'THE NEW TRANSFEREE AT GRADE 10 SECTION A, QUEENCEL TRINIDAD KILLED FREDERICK SANTOS'
BINABASA MO ANG
The Revenge Of A Queen
Misterio / SuspensoShe is Helena Sanchez/Queencel Trinidad and she kill people.