Chapter 8

230 10 12
                                    

Nakayuko akong pumasok sa classroom with Kylie. I can feel their eyes staring at me. I know naman na alam nila ang nangyaring gulo kanina.

After class, dinala ako ni Kylie sa isa sa mga bench para gamutin yung pasa ko. Napangiwi ako sa sakit. Sht!

"Nainis talaga ako kay Jethro kanina! Ni hindi ka man lang niya pinagtanggol eh obvious naman na dahil sa kanya kaya ka sinampal nung babaeng baliw na yun" Ani ni Kylie

"Maybe he's ganun talaga. You know parang walang pakialam sa world."

He's weirdo eh.

"Tama nga naman. Pero akala ko iba ka eh. I mean, hindi ito yung unang beses na may inaway si Tamara nang dahil kay Jethro. Ni isa nga sa mga gulong yun hindi siya nangialam. Pero mag kaibigan kayo diba? Grabe talaga."

Nah, kung alam mo lang Kylie. But uh-oh. Nag coconyo na naman ako. Buti nalang mukhang di napansin ni Kylie.

"Haaay. Kanina bago tayo pumunta dito, sinumbong ko sa faculty yung ginawa ni Tamara sayo. Alam ko namang walang patutunguhan yung pagsumbong ko pero ginawa ko pa rin. Pero gaya ng inaasahan, wala silang ginawa!" Umiling-iling pa siya.

"Kilala yung pamilya nila sa buong probinsya! Malaki din ang naitulong ng Daddy niya sa school nato at nagbibigay din ng pera buwan-buwan. Kaya iniingatan ng school nato yung demonyang yun! Haaay grabe talaga! Nakaka disappoint!"

Kumuha siya ng chips galing sa bag niya and started to eat the chips. Inalok niya ko pero tumanggi ako.

"Umalis nalang ako dahil alam kong pagtatakpan nila si Tamara at ikaw ang papalabasin nilang masama!" Dagdag pa nito

Napatingin ako sa kanya. Omg! I will never let that happen. Ayokong mag stay longer here huhu. Titiisin ko nalang lahat ng gagawin ng letcheng Tamara na yan. Oops. Kaya ko nga ba tiisin?

Maya-maya sinabi ko kay Kylie na mauna nakong umuwi so I can take a bath na. I'm super ew and malagkit na rin kasi dahil sa juice.

Hinatid naman niya ko sa labas ng school to make sure daw na safe ako.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa bago ako sumakay sa tricycle na siya ding nasakyan ko kanina kaya siguro alam na ng driver kung saan ang punta ko.

"Ilang Aling Dina ba, iha?"

"Yes" Maybe I should ask yaya later anong tawag sa place nila.

Pagpasok ko ng bahay, nakita kong naka cross arm si Jethro sa sala habang nakatingin sakin.

I rolled my eyes on him. Tong engot nato. Bwisit pahamak talaga kahit kailan.

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang may humawak sa braso ko. Agad ko siyang hinarap.

"What?" I said as he stared at me for a while

"Tell me. Anong ginawa ni Tamara sayo?" he said

I raised my right eyebrow.

"And why would I?"

"Just." He slowly stepped forward papalapit sakin.

"Tell me" He said as his gaze slowly creeps me out. Umatras ako at halos magulat ako nang maramdaman ko ang wall sa likod ko.

Omg. Sobrang lapit na namin sa isa't-isa ngayon!

Nanginig ang dalawang tuhod ko nang inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko.

"You smells great huh. Amoy juice."

He smelled the side of my hair na natapunan ng juice. I can feel his breath and I don't know pero hindi ko maiwasang kabahan! Ghad!

"W-what the hell are you doing?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko. Natigil siya nang makita niya ang pasa sa kaliwang pisngi ko.

Ilang malulutong na mura ang pinakawalan niya bago nagsalita.

Bahagya siyang lumayo kaya mabilis akong pumasok sa kwarto at agad ko iyong ni lock.

Napasandal nalang ako habang hawak-hawak yung kaliwang dibdib ko. Malakas ang paghinga ko lalong-lalo na ang tibok ng puso ko!

Sht! What was that?

------

Hindi pa rin talaga ko maka move on sa ginawa niya kanina! Baliw talaga.

I received a link sent by my manager. I clicked it and found out that it's an article about Melody Star who went in U.S. due to health conditions. The management apologized to her fans and assured them that Melody Star will come back as soon possible.

Napatawa nalang ako. Anong due to health conditions pinagsasabi nila eh ang lusog-lusog ko kaya. Tsaka how I wish talaga na nasa U.S. ako! Eh I'm here sa province lang kaya huhu

That's why pala top trending yung #GetWellSoonMelodyStar sa twitter. Oh well I feel bad for my fans.

Tulala akong nakadungaw sa window while thinking na maaring forever na ako dito pag may magawa akong di magustohan ni Daddy. Haaay I hate him.

Napatingin ako sa view na kitang-kita mula sa window. Wow. In fairness ha it's a nice view. It's almost sunset. The trees and flowers in the backyard gives me warm and relaxation. Bakit ngayon ko lang to napansin? Maybe because I hated so much to be here kaya ngayon ko lang na appreciate.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Brat Turns To NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon