Chapter Four

25 4 1
                                    

Shauntel's POV

Nakatitig lang ako sa mukha ng gwapong nilalang sa harap ko ngayon.
Ang gwapo, gwapo nya..

Kainis! kanina pa kalabog ng kalabog tong puso ko. Ang ingay ingay! ano bang nangyayari? Kanina bago ko makita tong lalaking to normal naman heartbeat ko ah! Ano bang nangyayari sakeeeeeeennn?!

"Miss? San ka ba nakatira?"

OMAYGAS! Tinanong nya na kung san ako nakatira! ano na bang next nito? madalas ko tong napapanood sa mga teleserye eh. Alam ko na! Ihahatid nya ko sa bahay namin tapos... tapos magki-kiss kami! KYAAAAAHHH! Oo ayun nga yun! Tas sasabihin nya na mahal nya ako tas sasabihin ko na rin na mahal ko sya. Ayun na nga yun hehez!

"Sa... puso mo."

"Huh?" Tanong nya na takang-taka.

"Charot! Eto naman di mabiro. Tanga ka ba? Pano ako titira dyan sa puso mo? Kasya ako, kasya? Hays." Muntik na ko to malagket na shet!

Kainis. Dapat di ako magpahalata na naiihi na ko sa sobrang kilig. Kasi ganyan naman kayong mga lalaki eh. Malaman nyo lang na may gusto sainyo yung babae maiilang kayo, tas iiwasan nyo tas yung iba naman papaasahin pa. Hustisya!

"Tss. Ewan ko sayo. San ba bahay mo? Bilisan mo na busy ako tao." Iritadong sabi nya.

"Bat mo tinatanong bahay ko? Kung manliligaw ka sige lang. Wag ka na mahiya sakin. Ok lang talga."

"In your dream." Sabi nya sabay irap. Aba! May pairap-irap pa. Don't tell me...

Bading sya?! No! As in no no no no way!

Tinapik ko ang balikat nya. "Hayaan mo, kahit ano ka pa. Tanggap kita." Mahal pa rin kita hehez harot. "Tsaka anong sinasabi mong in your dream? So, sa panaginip ko pa mo ko liligawan. Grebe ke nemen."

"What?" Kanina pa to what ng what ah.

"Do you mean?" Mas lalong kumunot ang noo nya.

"What?" Wala na ba syang ibang alam na english kundi what?

"Isang pang what mo kakantahan kita ng what do you mean ni justin bieber." Takang takang takang taka nya kong tinignan.

"Sabihin mo nalang kung sann yung bahay mo pwede ba?" Iritadong sabi nya. Sabihin ko na nga hays.

"Diretso. Kaliwa. Kanan. Kanan. Kaliwa. Tas kanan sa eskinita tas pag may nakita kang bulok na apartment dun na." Paliwanag ko.

"Niloloko mo ba ko?"

"Aba! Mukha ba kong nanloloko? Itong maganda kong mukha manloloko?" Sabi ko habang tinuturo ko yung walang kasing ganda kong mukha.

"Tss ok." Sabi nya at nag drive na.

"Ahhmm. San ka nakatira?" Tanong ko sakanya habang nagmamaneho sya.

"Dun." Tipid na sagot nya.

Ganda naman pala ng tirahan nya. Dun. Ganda -.-

Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay kahit kanina ko pa gusto tumili at magtatatalon hanggang sa malaglag panti ko hehez.

"Dito na ko." saad ko nang di parin tumitingin sakanya dahil baka di ko mapigilan sarili ko na yakapin tong lalaking to.

"Ingat." ang tipid naman magsalita!

Hala! Di ko pa pala alam pangalan nito. Matanong nga nang mai-add to sa fb.

"Pogi-- ay este ano nga palang pangalan mo?" muntik na yun ah.

"Thorn Zander Alonte." Pagkasabi nya nun ay agad nyang pinaharurut yung sasakyan nya.

Out Of Reach (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon