Chapter Six

19 3 1
                                    

Shauntel's POV

Maaga ako nagising dahil niyaya ako ni Nicole mag mall. Ewan ko ba dun kung anong ka-eklabushan ang gagawin.

Pagtapos ko maligo lumabas na ko ng kwarto--- ay erase, erase. Nagbihis pala muna saka lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si kuya may dalang supot at bagong ligo.

"Tarayy! Naligo rin. San punta?" Tanong ko habang umuupo sa sofa.

"Ha? Dyan lang sa labas. Tatapon ko lang tong basura."

Magtatapon lang ng basura, kailangan maligo? Hhhmmm... I smell something meaty ^o^

"Kailangan nakaligo talaga? Ikaw ha! Pinopormahan mo siguro si ateng nangangalkal ng basura dyan sa labas? Ayieee luma-lovelife! Naks!" Sabi ko sabay tumayo na para umalis.

"Ewan ko sayo." Inis na sabi nya saka sumunod sakin sa paglakad.

Nang makarating kami sa labas ay nagpaalam na ko saka pumunta sa sakayan.

Nicole's POV

So, hi! I'm Nicole. Remember me? Di na siguro. Sya nga di na ko maalala kayo pa kaya.

Nandito ako ngayon sa Mall. Nakaupo, naghihintay. Oo hanggang ngayon naghihintay pa rin ako. Naghihintay na balikan mo ko kahit alam kong wala na!

"Miss, okay ka lang?" Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap ko.

"Ako, okay? Niloko nya ko. Sinaktan nya ko. Sige okay lang ako! Okay lang ako kahit ang sakit, sakit na! Okay lang ako kahit durog na durog na yung puso ko lalo na nung nakita kong masaya sya sa piling ng babaeng yon! Okay lang ako! Masaya ka na?" Sabi ko sabay walk out. Kainis!

Asan na ba yung babaeng yun? Ang tagal nya naman! Kasing tagal ng pagpapakatanga ko sakanya.

Habang wala pa si Shauntel ay pumasok muna ako sa Department Store.

Tumingin ako sa mga sale na damit.

"Buti pa presyo ng damit bumaba na. Eh pride nya kaya kelan bababa?" Napabuntong hininga nalang ako.

Kinuha ko yung phone ko sa bag at tinext si Shauntel na nasa Department Store ako saka ibinalik ito sa bag ko. Hays. Buti pa yung cellphone pwedeng ibalik, eh yung relasyon kaya namin?

"Nics! Nandyan ka lang pala!" Sabi ni Shauntel habang lumalapit sakin.

"Nandyan? Oo lagi akong nandyan para sakanya. Pero di nya man lang napapansin." Nakayuko kong saad.

"Hala! Anong ginawa ko?" Nag-aalalang tanong nya.

"Wala. Wala kang ginawa. Parang siya, walang ginawa para maisalba yung relasyon namin." Sabi ko saka naglakad na.

"Sino ba kasi siya?" Tanong nya habang sumusunod sakin.

"Sino siya? Siya yung lalaking minahal ko ng lubos. Lahat binigay ko sakanya. Pero niloko nya ko. Sinaktan nya ko. Siguro di pa rin talaga sapat lahat ng ginawa ko." Napabuntong-hininga nalang ako.

"Ha? Ang unique naman ng name nya, Siya! Anong surname ni Siya, Nics?" Napailing nalang ako sa sinabi nya.

Kahit kelan talaga tong babaeng to. Ubod ng... alam nyo na -_-

Shauntel's POV

Ano ba to si Nicole? Kung ano anong pinagsasabi, di ako maka-relate eh.

Kanina pa niya binabanggit si Siya. Eh hindi ko nga kilala yun.

"Ahm, Nics kain muna tayo hehe." Saad ko dahil di pa ko nag aalmusal.

"Kumain? Pagkatapos nya kong iwan feeling ko di na ko makakain." Sabi nya nang hindi lumilingon sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Out Of Reach (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon