Chapter Three

29 2 3
                                    

Shauntel's POV

"Oh san ka pupunta?" Tanong ko sa kuya ko na bagong ligo.

"Naligo lang aalis agad?" Tanong nya naman sakin.

"Oo. Eh naliligo ka lang naman pag-aalis ka eh punyeta to hahah." Natatawang saad ko.

"Ay oo nga no heheh. Kapal mo no ikaw rin kaya. Tsaka anong punyeta? Mukha ka lang matanda pero mas matanda ako sayo!"

"Aba! Kapal ng libag nito sa singit! Mas mukha kang gurang oy!" Kainis to! Ganda-ganda ko kaya.

"Oy ano ka! Mas makapal libag mo sa batok!"

"Kapal nga ng tartar mo eh last year pa binili yang toothbrush mo hanggang ngayon bago pa rin eww yak!" Kala nya dyan ah!

"Isa pa di kita papalamunin bahala ka dyan magutom. May trabaho naman na ko. Alis na ko bye!" Ano daw?!

"Ay heheh sabi ko nga. Pogi mo kuya. Ingat ka bye! Labyu mwa mwa tsup tsup!" Pwe! Yak!

Tinawanan nya lang ako at umalis na sya.

Kung bakit kasi ayaw nya ko pag trabahuhin eh para may pera akong sarili huhuh.

Ano kayang pwedeng gawin?

*riing-riing*

Biglang nag-ring yung iphone 6s ko.

Charing! Pangkain nga wala ako iphone pa kaya? Hehez.

So ayun kinuha ko na yung nokia de pindot kong cp na binenta ng mga adik dyan sa labas sa halagang 150 ganoin!

"Hello? Welcome to Jollibee! How may I help you?"

"Anong welcome to Jollibee? Hambalusin kaya kita dyan Shauntel?"

"Eto naman nagpapractice lang pangarap ko kasi yun! So ano prob mo pusa?"

"Pusa your face! Waw bes ah! Taas ng pangarap mo di ko mareach!"

"To naman joke lang!"

"Tss asan ang joke?"

"Harap ka sa salamin nandun yung joke hahah labyu!"

"Ganda mo eh! Punta ka dito sa bahay dali!"

"Excited? Di pwedeng maligo? Magtataxi ako ikaw magbayad ah!"

"Oo na! Dalian mo na!"

"Sig-" *toot-toot*

Kabastusan talaga nitong babae na to! Makaligo na nga hays.

****
Kainis ah! Kanina pa ko nagpapara ng taxi ayaw ako pasakayin. Anong akala nila sakin walang pambayad?! Eh sa wala akong pera diba huhuh.

Dapat pala sumali muna ako sa Tawag ng Tanghalan. Eto kasi si Katarina nagmamadali eh.

Pasok nga muna ako sa mall. Yung init kasi dito sa labas nakikisabay pa sa hottness ko eh.

Ganun ba talaga pag dyosa, walang jowa? Ganun na ba talaga ako ganda? Guys, gusto ko lang sabihin na sobrang hirap maging maganda.

Eh si Aemie nga, na muntik lang masagasaan ni Zeke, si Sitti na nagkamali lang ng pag-tag kay Kaizer, si Miracle Samantha na sinampal lang si Top, si Candice na inaasar-asar lang ni Jeydon at si Chanel na natapunan lang ng juice si Kean may mga forever na huhuh. Eh ako na... na... maganda lang heheh.

Out Of Reach (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon