Chapter Five

29 3 0
                                    

Shauntel's POV

Nandito ako ngayon sa school para mag-enrol. Ang haba ng pila. Ang init pa sobra.

For sure may bagyo na sa kili kili ko at anytime may posibilidad na kumulog at kumidlat. Buhay nga naman, ay weather, weather lang.

Maya maya ay natapos na din ako bago pa magka-tsunami sa kili kili ko.

Papunta na ko sa canteen para kitain ang mga kaibigan ko dahil may usapan kami.

Parang dinurog ang puso ko nang maabutan kong umiiyak si Katarina.

Agad akong lumapit sakanila.

"Anong nangyari?" Agad kong tanong sakanila.

"S-si Max kasi eh." Sagot ni Elle sakin.

Magkahalong galit, lungkot at pagkadismaya ang naramdaman ko. Di ko akalaing magagawa nya yun sa kaibigan ko. Pinagkatiwala ko sakanya ng buong buo ang kaibigan ko tas gaganituhin nya lang?

Humanda sya sakin. Pupuntahan ko sya.

"Nasan sya?" Tanong ko sakanila.

"Nasa coffee shop." Agad na sagot ni Shy.

"Kayo na muna bahala sakanya." Tinitigan lang nila ako.

"Sasama kami." Sabi ni Leigh.

"Oo, sasama kami." Pagsang-ayon naman ni Keisha.

"Iiwan mo kami? Sge ok lang. Sanay na sanay naman na kong maiwan." Sabi ni Nicole.

"Gaga! Wag mo sakin sabihin yan sa ex mo dapat. Ako na bahala dyan na kayo." Di na sila umangal at agad na kong umalis.

Ang kapal talga ng mukha ng lalaking yun sisiguraduhin ko talagang mababaog sya.

Ay teka! Leche di ko pala kilala yung Max na yun.

Yan tayo eh. Lakas sumugod di naman pala alam. Bahala na nga.

May nakita akong grupo ng lalaki na nakaupo sa gitnang table ng coffee shop.

Sana isa sakanila...

"Langya ka Max! Ang lupit mo!" Sabi nung isang lalaki.

Ano daw? Max?

Lumapit ako dun sa Max daw at agad ko syang kinwelyuhan. Nakuha ko ang atensyon ng mga tao sa loob ng coffee shop.

Napa-woah naman ang mga kaibigan nya dahil sa ginawa ko. Nasa sakin lahat ng atensyon nila at nakarinig ako ng mga bulong-bulungan pero di ko nalang pinansin.

"What's your prob?" Kunot noong tanong nya sakin.

"BAKIT MO KINUHA YUNG CANDY NI KATARINA?! HA?!"

"Wtf?" Nagtataka nya kong tinignan.

"Wag mo kong ma-wtf, wtf dyan ha! Asan na yung candy ni Katarina? Bat mo kinuha?! Amina ibalik mo na! Kanina pa sya umiiyak dun oh!" Napa-huh ang mga tao sa paligid ko.

Shet! Nakalimutan ko magdala ng candy!

Binitawan ko na sya.

"Sino si Katarina?" Walang ganang sagot nya sakin.

Nakita kong nagpipigil ng tawa yung mga kaibigan nya.

"Maang-maangan ka pa dyan! Amina yung candy!" Sabi ko.

"Lagot ka pre hahahah." Sabat naman ng isa nyang kaibigan.

Tinitigan ko isa isa yung mga kaibigan nya.

"Hindi ko nga kilala yung tinutukoy mo. Tsaka wala akong inaagawan ng candy." Paliwanag nya.

"Huh? Eh bakit sya umiiyak?" Nagkibit-balikat lang sya bilang sagot.

Out Of Reach (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon