Chapter 1

19 1 0
                                    

COPYRIGHT * 2016 spyfraysxx

"Ma'am Kat! Magandang umaga ho!" bati nang isang istudyante sa kanya habang inabot ang isang bugkos nang bulaklak

"Magandang umaga rin Nitoy, nako ikaw talagang bata ka nag abala kapa. salamat ha!" sabay abot nang bulaklak at nginitian ito

Si Katherine Ysa Pangilinan isang guro sa isang pampublikong paa-aaral sa kanilang lugar- sa Samuldes Elementary School o mas kilalang SES. Isang paaralan kung saan libre and edukasyon para sa mga bata. Hindi man ito suportado nang Gobyerno ngunit ito ay suportado nang isang kilalang pamilya sa kanilang lugar- ang mga Samulde. Kagaya niya hanggad din nang pamilya ang bigyan nang libre ngunit epektibong edukasyon ang mga batang, gaya niya na salat rin sa pamumuhay. Si Kat ay panganay sa lima nilang mag kakapatid kaya't siya ang inaasahan nang kanyang pamilya. Ang tatay Erniel nito ay isang magsasaka at ang nanay naman nito ay labandera, nangtatrabaho sa sa mga Samulde. Malaki narin ang naitulong nang pamilya sa kanila, pati narin sa pag-aaral niya sa kolehiyo. Kaya't malaki ang utang na loob nito sa kilalang pamilya.

"Walang ano man ho yun ma'am, ganda mo kasi" nahihiyang sabi nang batang si Nitoy

"Hmm. ikaw talaga Nitoy, hala sige na pumasok kana sa classroom mo baka pagalitan ka ni Teacher Gisel mo" pag sabi nito ay kumaway na at gumayak na. Papunta siya ngayon sa Principal office dahil maaga siyang pinatawag ni Donya Rica Samulde ang mismong may ari at principal nang paaralan.

Matagal nasiyang kilala nang ginang at magkasundo rin sila kahit papaano. Bagama't may konting kaba parin siyang nararamdam dahil minsan lang siyang ipatawag ni Donya Rica, pinapatawag lang ito kung may kailang sa trabaho o mangangamusta sa magulang niya.

Pumanhik niya sa loob nang upisina nang ginang, dahil alam niya rin naman na pupunta siya nito. Sinipat niya ang relong regalo nang manliligaw niya, alas syete traynta. Ngunit ang usapan nila nang ginang ay alas otso, sadyang inagahan niya para hindi maghintay and kausap at para narin hindi tagalan ang kanilang usapan at para madali niyang taposin ang leson plan niya.

"Magandang Umaga ho Donya" Bati nito sa ginang na nakatalikod at nakatingin sa glass windo nang kanyang upisina

"Oh, Kat ang aga mo ata?" Humarap at gulat na tanong nang ginang sa kanya

Nakakamot tuloy siya sa kanyang batok, na iintimida siya sa ginang. Sa edad nitong 57 ay napakaganda parin, makinis ang kutis nang balat nito. Matangos ang ilong, mapapamungay na mata at napupulang labi. Ngunit siya? Isang morena, ngunit matangos rin ang ilong nito at medyo may kataasan narin ang height. Naiisip niya tuloy.. malamang anak araw siya ngunit ang kaharap ay laki sa aircon.

"Ah kasi.. Para h-hindi na po kayo maghintay Senyorita at baka ho emergency po iyon" Paliwanag nito sa ginang

"Nako hindi iha" tumawa ito at umupo "Umupo ka iha" sabi nito sabay turo sa upuan na kaharap sa kanyang lamesa na gawa sa mahogany

"Salamat po" Tipid na nginitian nito ang ginang at umupo

"Hindi naman ganon ka importante iha, and please Kat, just call me Ma'am or Rica basta wag lang senyorita or donya. Where at work iha hindi sa hacienda" Sabi nang ginang at nginitian siya

"Amm, ok po. M-ma'am Rica" nahihiyang sagot nito at nginitian siya ulit nang ginang

"Anyways, teacher Kat, pinatawag kita to inform you and I would like you to tell the others that we will going to have a visitor" paliwanang nang ginang sa kanya habang serioso siyang tinignan

"Am. Ok po Ma'am, Pagkalabas ko ho sasabihan ko ang mga co-teachers ko para makapaghanda po kami nang classrooms" sabi nito sa ginang at tumango ang ginang na parang sumasang-ayon

"Also I want to tell you its Ij... son iha" ngiting sabi nang ginang

Literal na lumaki ang mata nito sa narinig na sinabi nang ginang, biglang bumilis ang tibok nang puso nito at ramdam nito ang mga paro-parong nagwawala sa kanyang tiyan.

"Ho?" gulat na tanong nito sa ginang

tumango-tango lang ang ginang at ngiti lang siya nito







"Yes, iha. Ij.. Irwin John is coming home"

IJ-Samulde Series: Mine AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon