COPYRIGHT * 2016 spyfraysxx
Nakalabas na siya sa Principal's office, at feeling niya hindi siya makahinga. Naglalakad siya papuntang classroom nito, habang malalim ang iniisip.
Natapos niya na ang dalawa niyang subject sa kanyang estudyante, recess narin. Lumabas siya sa kanyang classroom at tumungo sa opisina ng mga guro. Ngunit sa pag lalakad ay hindi niya maiswasng hindi makapag isip ng malalim
"bakit siya uuwi dito? Maalaala niya parin ba ako?" mga katanongang mismo sa sarili niya ay hindi masagot. Nasaganon siyang kalagayan nang makita siya ng kaibingan niyang si Wendy.
"Hoy! Matapilok ka!" buyaw sa kanya nang kaibiginan
"Ay Anak niya-" bigla siyang nataohan nag gulatin siya nito ng kaibigan
"Hoy anong anak niya? Sino?" nagtatakang tanong nang kaibigan
"Ano ka ba naman Wendy! Ikaw yata ang makakapatay sa akin eh!" inis na himpas niya ng mahina ang kaibigan. Matagal niya nang kaibigan si Wendy, nag kakilala sila noong nasa kolehiyo palang sila, dahil pariho silang kinuha na kurso ay naging malapit sila sa isa't isa, at magkasama silang grumaduate. Ngunit si Wendy ay unang nakapaghanap ng trabaho dahil siya ay nawala nang isang taon.
"ikaw kasi eh! Ang lalim nang iniisip! take note nag lalakad pa! Paano kung ma tapilok ka?" pag aasar ni Wendy
"Eh di matapilok na!" lokong sagot nito
"Eh sana nga. Oh ano na? Kaninong anak?" curios na tanong nag kaibigan sakanya
"Ha? A-anak? Anak nang kapit bahay namin, si Allen ang cute naalala ko siya" garagal sa sagot nito
"Ah, ganon ba? Oo nga pala.. rinig kong pinatawag ka ni Ma'am Rica, anong nagyari?" nako-curious na tanong ng kaibigan. "haiy nako" mahinang bulong niya, ganyan talaga ang kaibigan niya. Parating pinapatay nang curiosidad
"Ayon nga. Pinapasabi sakin ni Ma'am Rica na sabihon ko sa inyong- mga ka guro ko na may dadating na bisita" Sabat ya dito
"Oh? Yun lang pala! Kunting linis lang yan"
"Sayo wala pero sa iba? Yung grade 1 at 2 teachers paano?" inis na sabi nito sa kaibigan
"Eh, ewan ko. Malay ko nasa grade 6 kaya ang hinahawakan ko, oh siya! Sino pala yung bisita?" tanong ng kaibigan sakanya
"Ah. eh? Si anoooo... si Sir Ij Samulde" mahinang sabat nito sa kaibigan. Ng marinig ni Wendy ang sinabi ay bigla namang lumaki ang mga mata nito.. Dahil yata sa gulat at tuwa o pag-kaka excite ay pinaghahampas niya ang kaibigan.
"Oh my gosh girl!!!!!!!! Paano mo na handle ang pag kasabi ng panggalan niya?" tili nito
"Ano ba Wendy! Maka tili sakit sa taenga oh! At ang daming estudyante na ang nakatingin satin! Baka ano pang sabihin nang co-teachers natin!" Mahinang saway nito sa kaibigan na hindi parin na himas masan
Tama nga siya maraming estudyante ang nagulat na naka tingin sa kanila, naroon kasi sila malapit sa isang opisina kung saan pinagtitipunan ng mga guro kapag recess. Malapit rin sa canteen.
"Ewan! Nako maka alis na nga para makapag linis na." Pag sabi nito ay gumayak na
At pag katapos ay pumasok na opisina ng mga guro at pina alalahanan rin ang ibang mga ka guro nito. May nag singhap, may natakot at may na excite rin sa balitang sinabi niya. Kay pag katapos nang meeting ay mabilis na gumayak ang mga guro at pinatunog na ang bell para maka pasok na ang mga bata sa kanilang classroom.
Hapon na ng matapos sila nang mga estudyante niyang mag linis ng kanilang classroom. Alas dos palang kanina ay tinigil niya ang pag tuturo at sinabihan niya ang mga estudyanteng nasa ika-apat na baitang parte sa bisitang darating at dapat silang mag linis. Hindi naman ganon ka hirap hawakan ang mga estudyanteng nasa grade four. Sa katunay ay nag-eenjoy pa nga siya dahil sa kanyang mga estudyante, at kadalasan tinutulong niya rin ang mga ito kapag may problema sa pamilya o baon. At tuwing Friday ay nag fe-feeding sila. Tatlong taon palang siyang nag tuturo sa Samulde Elementary School at napag mahal narin siya sa paaralang pinagtratrabaho-an. Dahil parang tunay na anak narin ang turing niya sa mga estudyanteng nakaraan na sa kanya.
Umupos siya sa kanyang teacher's table kung saan malapit sa pintuan, sa likod ng mga upo-an ng mga studyante. Alas singko na ng hapon. Bigla niya naman naalala ang pinag usapan nila ng Donya
"Yes, iha. Ij.. Irwin John is coming home" naka ngiting sabi sakanya ng ginang
"Ahhh, ehh.. Si Sir Ij po pala. Ka-ka-ila-..." pinikit muna nito ang kanyang mata bago mag salita ulit. "Kailan ho ang dating ya Ma'am?" sa wakas! Na ayos niya rin ang pag sasalita nito
"Hmm, maybe tommorrow? or day after tommorrow?" makahulugang sabat ng ginang
"Ganon p-po ba? Dapat palang mapag sabihan na ang ibang guro" naginginig man siya, ngunit nginitian niya parin
Tumango-tango lang ang ginang sabay tingin nang seryoso sa kanya
"sge po. Maauna na po ako Ma'am para mapag sabihan ko ang iba." Tumayo na siya ngunit hinawakan siya nang Donya
"Alam ko hindi maganda ang huling niyong pag kikita iha, ngunit sana maayos iyon...." seryosong sabi ng ginang sa kanya. Hindi niya alam kung papaano ito sasagot o ano kaya ang tamang sasabihin
Nginitian niya lang ang ginang at nag pasalamat na at lumabas
"Ma'am Kat!" Pukaw nang isang estudyante niyang si Anna. Bigla naman siyang nagulat at tinignan ito
"Oh? Ano yun Anna?" Nag tatakang tanong nito
"Kanina pa po kita tinatawag... kaso mukhang lutang po kayo. Yii! Si ma'am! Sino po iniisip niyo? Si Sir Mel ho ba?" Tudyo ng kanyang estudyante sa kanya
"Hee! Ikaw talaga ang bata bata mo panga! Wala may inisip lang ako. Ano yun?" Ngiting tugon nito
"Ah ganon po ba? Akala ko si Sir Mel na eh. Hihi." hagikgik na sabat ng estudyante niya "Ah, tinatanong ho kita, kung pwede na po ba tayong umalis? Para hindi po delikado sa daan" dugtong ulit nito
Tinignan niya ang relo nito ....sabi nga, na binigay ng manliligaw niyang si Mel. Pag kasipat niya ay 5:15 na pala at na alala niyang malayo-layo pa ang lalakadin ng mga estudyante.
"Ay oo nga pala. Tara na! Hatid ko na kayo baka mapano pa kayo" nginitian niya ang estudyanteng si Anna at niligpit na ang gamit. "Nitoy, Cara, May tama nayan. Tara na at umalis na tayo" tawag nito sa ibang estudyanteng tumolong sakanya
"Talaga Ma'am hatid niyo ho kami?" masayang tanong ni NItoy, sa katunayan ay si hindi nito estudyante si Nitoy dahil naka ika-limang baitang ito. Nag volunteer lang itong tumulong, ang alam niya kasi nililigawan nito si May na kanyang estudyante at nag papatulong sakanya ang bata. Napa-iling nalang siya ng ma aalala ang pag alok ng bata ng tulong sa kanya
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Ma'am? Malamang!" pilosopong commento ng batang si May
umiling-iling nalang siya "Haiy lovebirds!" sabat nito sa dalawa at tumawa naman sina Cara at Anna
"Yak/Naks" sabay nilang sabi at nag tinginan silang dalawa
"Eh no way!" sabat ng batang si May... "My way" lokong commento naman ni Nitoy
Tinignan niya ang dalawa at ngumiti ng mapait......
parang sila lang....
-------------------------
A/N medyo mahaba po ba? hehe last pov ko na po to! The rest? Kay inday Kat napo! :)