Copyright * 2016 spyfraysxx 2016
"Ysa".. Bigla akong napabangon sa pag kakahiga ng marinig ko ang boses na iyon
"Jonathan?!" Hindi mapakapaniwalang sumbat ko sa kabilang linya
"Ay hindi? Ano kaba para ka namang ginulat ng multo, sakit sa taenga!" bulyaw niya, natawa naman ako. Nako sino bang hindi?
"Eh, paano? Alas-dose na ng gabi, tapos bigla nalang may tumawag tapos unknown pa?" Inis kong sabi, Hay nako.. si Jonathan Celiz...
"Ay, oo nga pala. Sensya na po sa ISTORBO!" pagtataray nito. Chaka lang? "Paalala ko lang po sa inyo, na may nakakamiss po dito sa iyo" pagkasabi ay biglang lumambot ang puso ko
"Ka-kamusta na sila Jonathan?" naghihina kong pagka sabi, ramdam ko ring unti-unting nag-iinit ang mga sulok ng mata ko
"Ano ka ba? Wag kanang mag drama, ayos lang sila. Miss kalang nila" pagkasabi nito ay bigla naman akong naguilty, matatgaltagal ko naring hindi nako punta sa kanila, halos isang buwan na. Si Jonathan ay isa kong kaibigan nung nasa Collegio pa ako. At isa rin sa mga tumolong sa akin oong panahong miserable ako. "Hoy Ysa? Buhay kapa ba dyan?!" bumalik ako sa ulira ng mag salita ito.
"Ah-, eh.. Jonathan? Na-nandito na- sya" nanginginig kong sabi, bigla naman natahimik ang nasa kabilang linya, alam kong nagulat rin ito sa pag kasabi ko ng balita. Kilala niya kung sino ang tinitokoy ko at alam niya kung ano ang mga pinagdaan ko, at pati narin ang pinagdaanan namin. "Jonathan... nan-nandyan ka pa ba?" tanong ko, hindi na kasi siya umimik
rinig ko ang pag buntong hininga niya.
"Ah, oo.. eh? Ka-kamusta? Anong nangyari? Ok kalang? May ginawa ba sayo?" natwa naman ko ng mahina sa mga sinabi niya, sus. "Oh ngayon tawa tawa ka?"inis nitong sabi
"Oy, wala ah! Kaw kasi ang O.A! wag kang mag-alala walang ginawa yun" natatwang sabi ko.. Wala nga ba Kat? bigla naman akong napahawak sa aking labi, bigla ko ring binaba ang kamay ko. "Ay oo nga pala! Pupunta narin ako dyan sa Sabado. Kasama ko sina Dos." pag iiba ko ng usapan
"Hay salamat! Naisipin mo ring bumalik na!" parang na ste-stress nyang pagkasabi. "Ay buti, dadalhin mo sila! Nako mukhang yaman ah?" lokong tnong nito
Bigla naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil hindi niya na hinalungkat o ng tanong pa ng marami.
"Hindi, kasi diba? Pay day po? Dadala ako ng maraming pagka-in at pasalubong dyan!- Oy teka! Bakit bago ang iyong numero?" nagtatakang tanong ko dito.
"Ahhhh, kasi! May tinatago-an ako" pagkasabi nito bigla nanaman ako nakaramdam ng takot, jusko! sino ba ang tinatago-an nito, bubhugbugin ko talaga siya sa sabado
"Hoy! Sino yung tinatago-an mo! Hoy Jonathan ha! Baka madamay sila dyan sa kalokohan mo!" pag-saway ko ay siya rin namang tumawa ang hudlom. aba naman!