COPYRIGHT * 2016 spyfraysxx
"Kat, sakay na daw tayo" nag balik ako sa ulirat ng mag salita si Mel tinignan ko ito at kinuha agad niya ang kamay ko. Tinignan ko ulit ang lalaking nag mamayari ng sasakyan ngunit hindi na ito naka tingin sa akin. Pinagbuksan na pala ako ni Mel ng pintuan at inalalayan papasok.
Uupo na sana sa tabi ko si Mel ng mag salita ang nag mamaneho.
"I'm not your driver, so please atleast one of you could seat beside me" sungit na saad nito. Napabuga nalang ako ng hangin. Nakita ko si Mel na dalidali ito lumabas at pumunta sa tabi ng driver's seat. Ngunit bago pa ito lumabas ay tinignan ko siya muna at tinangoan nalang. Tinignan ko ang nag mamaneho.. hindi parin ako makapaniwala. Kahit na nandito na siya sa harap ko.
Tinignan ko siya ng maigi. Kahit naka talikod ito ay mukhang talagang gwapo, marami narin ang ng bago sa kanya. Medyo lumaki siya ng kaunti, naging mas matipono ang kanyang katawan, at mas naging maputi rin ito. Naging mas bagay sakanya ang panga niya. Ang panga niyang mukhang ang sarap halik-halikan. Matatangos na ilong, napaka kintab na pisngi nakahit pimples ay nahihiyang tumambay. Mukha ring tinubuan ito ng napakaraming abs... napaka macho niyang tignan kahit nakatalikod ito, napagat labi ako... mukhang ang sarap niyang kaini----
"Miss, Staring is rude"
Para akong binuhusan ng tubig sa aking narinig, napahinto ako sa pag titigig sa kanya at nilipat ang aking mata sa labas ng bintana kung saan dilim lamang at repleksyon ko lang ang makikita ko.
"Ay oo po pala sir! Salamat po sa pag papasakay. Ako nga po pala si Mel Alcala at yan naman po ang co-teacher ko si Katherine Pangilinan" ngiting sabi ni Mel sa kanya at tinignan ako. Nakita ko naman sa rear view mirror na tumaas ang mata nito. Napasinghap naman ako sa pag taas nito ng kilay at binalik ang tingin sa labas
"So, Where do you live Mel?" tumingin ako sa may salamin ng narinig ko itong nag salita, bigla akong kinilabutan ng makita kong tumitungin rin ito sa akin. Ang mahahabang pilik mata, kulay abong mga mata. Mga mata nitong nakakahumaling, ang mga mata nitong nakakbighani.
"Ah dyan lang ho ako sa ikalawang kanto, ngunit si Kat ay pa norte pa." Ako ang unang bumawi ng tingin marinig kong nagsalita si Mel
Bigla nalang tumigil ang sasakyan, at pagkatanaw ko ay sa labas bahay na kami ni Mel. Humarap sa akin si Mel
"Ah, eh kasi--- paano ka Kat?" Tinignan ko si Mel mukhang nag alala, nginitian ko siya.. magsasalita sanga ako ng may na una na
"Don't you trust me Mister Alcala? I can take her home safely" ma-owtoridad na sabi nito kay Mel tinignan ko siya saglit at binalik ulit ang tingin kay Mel
"Ah Mel, sege magiging okay lang ako. Kita nalang tayo bukas" nginitian ko siya ngunit makikita sa mukha niya ang pag alala at takot
"Ah eh, ingiat ka Kat, kayo rin Sir?" tinignan nito ang lalakeng nag hatid sa kanya.
"None of your business... NOW GO!" pagkasabi nito ay nag mamadili ng lumabas si Mel. Ramdam ko naman ang biglang pag ka takot ng pagkasara ng pinto ni Mel. Agad naman pinaandar niya ang makina ng sasakyan at mabilis ang pag mamaneho.. Yumuko ako dahil hindi ko alam ang gagawin
Ngunit nakaramdam ulit ng takot ng itigil niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng madilim na daan, narinig ko ang pag galaw nito. Ramdam ko rin ang mga titig nito sa akin, ramdamnaramdam ko ang mga tumatagos na titig nito sa akin
"I rembember... I'm not your driver! Move here!" Isang ma owtoridad at mapanglait na boses ang narinig ko kaya inaggat ko ang aking ulo at muli ay nag katitigan kami, pero mabilis pa sa alas singko ang pag bawi ko sa titig at mabilis na lumabas. Gusto ko man sanang tumakbo ay wala rin akong pupuntahan dahil madilim na ang daan at alam kong matatagalan lamang ako sa pag hihingtay. Kay pumasok na ako sa loob mismo sa tabi niya.
Nang pinaandar niya ulit ang makina ay katahimikan na ang namayani. Ngunit siya rin ang unang bumasag
"Ginabi ka ata?" tanong nito sa akin tinignan ko ito at ang mga mata nito ay naka tutok sa daan
Suminghap ako at bumuga bago mag salita. Aba nag tagalog
"Hinatid ko kasi ang aking mga estudyante.. S-sir" pagkasabi ko ay nakita kong umangat ang kanyang kilay sa huli kong sinabi
"So, Yaya kana pala nila or service? Mag kano ang bayad ng mga magulang" nakaka-insutong tanong nito. Ramdam ko naman ang inis dahil sa sinabi niya, pumikit ako ng madiin upang pigilan ang aking sarili. Kakita lang namin insulto na agad ang nakuha ko sa kanya, parang tintapak ang propisyon ko sa sinabi nito. Minulat ko ang aking mata at inis na tinitigan siya
"Sir.. di porket nihatid ko ang aking estudyante KO ay Yaya o Service na nila ako! Sapag kakaalam ko GURO po nila ako kaya likas lang ho sa aking mapa natili silang ligtas na walang BAYAD!" inis na sabi ko sa kanya... diniinan ko talagang sabihin kung ano ako ng mga bata at ang bayad. Bakit? Dapat ba lahat ng kilos may bayad? Hindi ako kagaya niyang matapobre.. Bakit siya ganito? hindi man lang ba siya nag iisip? Akala ko graduate ito sa abroad.
Bago ko inalis ang pag katingin ko sa kanya nakita kong hinigpitan niya ang pag hahawak ng manibela. Hindi ko ma atim na tignan siya ng matagal, dahil ngayon palang sa inis na nararamdaman ko ay parang maiiyak na ako
"Hmm. Ganon ba? Ulirang Guro kana pala?" sarkastikong saad nito, hindi ko siya pinansin at nag paikot nalang ako ng mga mata sa kawalan. Napurohan ata ito sa kaka-sex dahil parang na ubos yata ang braincells nito. Ewan, bat yun pa ang iniisip ko?
Sinipat ko ang aking relo at ganon nalang ang pag kagulat ko ng makita kong alas sais-kwarenta na. Jusko baka nag alala na sina ina at itay. Kadalasan kasi eh alas singko ay naka uwi na ako. Bigla ko namang kinapkap ang bag ko at hinanap ang cellphone ko. Oo... kahit taong bundok ako kilala ko parin ang cellphone!
Nag text ako sa kay Kardos ang pangalawa sa akin na sa ngayon ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo.
To:Kardos
Dos magagabihan ako ng uwi pakisabi kay nanay
Inesend ko na ang aking mensahe, at wala pang bente segundo ay ng reply ito
From: Kardos
Ate hindi ka magagabihan, dahil gabi na po talaga. Nasabi ko na rin kay nanay
Napangiti ako sa inirely ng kapatid ko pilosopo talaga oh. Nakaramdam ako ng intimida at napawi ang ngiti ko ng ramdam ko ang titig niya. Umangat ang aking ulo at tinignan siya. Hindi ko alam na nasa tapat na kami ng bahay ko. Jusko ng text pa ako
Ngunit bigla ako nanigas ng hinila niya ako
at
at
at
at
HINALIKAN!?
Dahil sa pag ka bigla ay bigla ko siyang tinulak. At sinampal!
"ANO KA BA IJ!"