WinWin/Sicheng at the multimedia.
----
Taegeuk's POV:
"Pa naman eh! Payagan niyo na kasi akong pumuntang fansigning event pleaseeee"pagmamakaawa ko kay papa.
"Bakit ba gustong-gusto mong pumunta doon? Mas gwapo ba yang mga yan sa akin at kila daddy Jungkook mo ha? Hindi naman di ba? Hindi ka pupunta sa event na yun, may pupuntahan tayo mamaya na mas importante pa diyan"pagmamatigas niya.
"Pa naman mas mahalaga sa akin ito! Minsan lang naman ako magpaalam sainyo ni mama ah"sagot ko.
"Oo minsan ka lang magpaalam kasi lagi kang tumatakas sa bahay kasama si Hwayoung. Para saan? Para diyan sa- ano na bang group yon?"pagsesermon niya.
"NCT, pa. Aish basta pupunta ako para makita ang asawa ko"pagpipilit ko.
"Anong asawa?! Ikaw ha dinadamay mo pa ang kuya mo sa ganyan para makatakas ka"
"Tama! Tama! Dinadamay mo pa ang gwapo mong kuya para dyan sa kpop na yan"singit ni kuya Taekwon sa usapan. Napa-facepalm nalang ako, eto nanaman siya.
Kala mo naman si papa hindi naging kpop idol noon.
"Yan naman gusto ko sayo nak eh, yung kasing-kapal ng mukha mo ung pader natin. Ako lang gwapo dito sa bahay baka nakakalimutan mo"sagot ni papa sakanya.
"Pa pareho lang kayo ni kuya na kasing-kapal ng mukha ung pader. Magsama na nga kayo dyan ni kuya. Mababaliw ako sainyo"umalis nalang ako sa sala ng makita ko si daddy Jungkook kasama ang anak niyang si Jeno na pumasok sa pinto.
"Daddy Kookieeeee!"bungad ko kay daddy.
"Taegeuk!"lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nginitian naman ako ni Jeno.
"Namiss kita daddy, kayo ni Jeno. Buti napadalaw kayo dito?"tanong ko.
"Napadaan lang talaga kami dito para sabihan ang papa mo ung about sa welcoming party nila tito Jimin mo mamaya"sagot niya.
BINABASA MO ANG
The Fangirl's Tale || NCT x BlackPink
FanfictionI Am Mrs. Kim (Sequel) "For you, I'm just a fangirl over the crowds shouting your name. For me, you'll always be my entire universe. But once upon a time, a fangirl's dream did come true"-Taegeuk. ©taeiltrash 05-19-16 Credits to @pinkyJinj...