Chapter 4

226 16 49
                                    

Taeil on the multimedia <3



Chew chew chewing gum~ hohoho.

---



Taegeuk's POV:



Sino nanaman ba tong maingay sa baba? Natutulog ung tao eh!



Wait ung boses na yun! Wag mong sabihin si-



Bumangon ako para tignan kung sino ung nandun sa baba, sakto namang dumaan sa kwarto si kuya.



"Dumating na ung pasaway"sabi niya. Aish! Kilala na talaga ako ni kuya. Alam na niya iniisip ko.



"Wag mong sabihin dito nanaman papatirahin ni mama yon?"please Lord maawa ka, wag sana. Nadala na kami sa huling punta non dito.



"Ano pa nga ba. Syempre dito nanaman, alam mong paboritong-paborito ni mama yung bata na yun"sagot ni kuya saka bumaba na.



Napasabunot nalang ako. No choice, bumaba na rin ako para salubungin ung pasaway na bata na yun.



"Hellooooo ate Geuk!!!"bati niya sa akin saka ngumisi.



Panira ka ng tulog alam mo yun?! Daldal mo pa rin.



"Nak, ikaw na bahala sakanya ah"sambit ni mama na nasa kusina, naghahanda ng makakain.



"Pero ma! Si kuya nalang!"pagmamaktol ko.



"Busy kuya mo nak, kaya ikaw nalang"sagot ni mama,"At oo nga pala, share muna kayo ng kwarto ni Lele habang nandito siya sa atin"napaupo nalang ako sa sahig, masamang nakatingin sa batang to. Nagtatatalon naman siya sa tuwa.



"Narinig mo yun ate Geuk? Share daw tayo ng kwarto, buhatin mo na gamit ko"utos niya sa akin.



"May kamay ka naman, kaya mo na yan!"sagot ko sakanya.



"Tita oh si ate!"sumbong niya kay mama.



"Eto na! Eto na!"binuhat ko na ung mga gamit niya pataas ng kwarto.

The Fangirl's Tale || NCT x BlackPinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon