Yura's POV:
"Bakit ang tagal ni Haneul?! Sinabi ko na ngang ayoko ng pinaghihintay ng matagal eh"inis na sambit ko. Napatingin ako sa paligid, baka hindi ko lang siya nakita. Mag-iisang oras na akong nakatayo dito sa labas. Damn it!
Naglakad nalang ako papuntang sakayan ng taxi, I'm pissed off right now, ayoko ng hintayin si Haneul.
Pumara ako ng taxi, pero bago pa man ako makasakay binangga ako ng lalaki saka inunahan sumakay sa taxi.
"Excuse me?!"bwisit na sambit ko.
"Excuse you"ganti niya.
What the-
"Nakita mo bang ako ang pumara nito?! Kaya umalis ka diyan"nangangalaiti kong tugon dito.
"Hindi mo ba nakita na ako ang unang sumakay?! Marami pang taxi diyan-"naputol ang sasabihin niya ng may mga sumigaw sa likod.
"Taeyong oppa!!!"sigaw nila saka nagsilapitan sa kinatatayuan ko.
Flash ng camera ang sumalubong sa akin pagkaharap ko, aalis na sana ako ng hinila niya ako papasok ng taxi. Aba bastos!
"Sa SM COEX po. Pakidalian"sambit niya sa driver. Napatingin lang ako dito sa katabi ko na nakangisi.
Tumango naman ung driver saka nagsimula ng magmaneho.
"Fvck! Ung maleta ko!"sigaw ko ng maalala ko na naiwan ung maleta ko, lalabas na sana ako pero napatingin ako sa paligid, napapalibutan na kami ng kung sino man tong mga babaeng to na puro camera ang hawak. Ang dami nila, paano ako makakalabas ng buhay neto?
"You want to go outside?"nakakalokong sambit niya.
"Arrrrrggggh! Kasalanan mo 'to! Kung hindi mo ako inunahan dito sa taxi, payapa akong makakaalis dito"inis na bulyaw ko sakanya.
"Hindi ko naman kasalanan na biglang nagsisulputan ung mga fansites ko"sagot niya.
"So kasalanan ko pa ganon? At anong fansites mo? Artista ka ba ha?"tanong ko dito habang inis na inis pa rin.
"Alam kong gwapo ako at artistahin talaga ang dating pero hindi ako artista, kasali ako sa isang boy group"pagpapaliwanag niya na may kasamang kahanginan. Bwisit ang hangin niya.
"Kilala mo ba ang NCT?"dagdag niya. Nagpintig naman ang tenga ko ng marinig ko ang NCT, eto ung kinaiinisang grupo ni Haneul.
"NCT? Hindi ko kayo kilala at wala akong pake"pagsusungit ko saka tumingin nalang sa may bintana.
BINABASA MO ANG
The Fangirl's Tale || NCT x BlackPink
FanfictionI Am Mrs. Kim (Sequel) "For you, I'm just a fangirl over the crowds shouting your name. For me, you'll always be my entire universe. But once upon a time, a fangirl's dream did come true"-Taegeuk. ©taeiltrash 05-19-16 Credits to @pinkyJinj...