Chapter 5

160 12 11
                                    

Belated Merry Christmas and Happy New Year~


Who's excited for NCT127 Limitless? Johnny is finally debuting ToT


Haneul on the multimedia.


-----


Haneul's POV:


Napag-isip-isip kong maglakad muna habang hinihintay ang tawag niya. Iniisip ko kung ano bang plano ang pwede kong gawin para mapaglayo sila Sicheng at Taegeuk.


Nasa kalagitnaan na ako ng pagiisip ng bigla kong makita si Sicheng na may dalang white roses at mukhang badtrip na badtrip. Nilapitan ko siya.


"Para kay Taegeuk ba yan?"tanong ko saka tinuro ung dala niya.


"Oo sana"mahinang sagot niya,"Kaso mukhang masaya siya kasama si Taeil"


Hmm ano kayang nangyare sakanila?


"Taeil? You mean si Taeil na bias niya sa NCT?!"kunware ay gulat kong sambit. Pero ang totoo ay nangingiti na ako dahil nakaisip ako ng plano.


"Oo"tipid na sagot niya.


"Kaya pala kanina nakita ko silang dalawa na ang sweet sa isa't-isa"pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay di ko naman talaga sila nakita kanina.


"Anong ibig mong sabihin?"nagtatakang tanong niya,"Nakita mo rin sila?"


Nanlaki ang mata ko,"Ooops my bad, hindi ko sinasadyang madulas na nakita ko sila"kung may award lang ang mga katulad kong mapagpanggap, siguradong ako na ang best. Haha.


Nakita kong napayukom nalang ito sa kamay niya at halatang mas lalong nagalit sa dalawa.


"Kaibigan ako ni Taegeuk, pero mali ung ginagawa niya sayo eh. Ung pinagsasabay niya kayo ni Taeil ng hindi mo alam? Yung kunware fan lang siya pero ang totoo eh may something na sakanila? Kaya siguro nung sinabi mong mahal mo pa siya, parang ayaw niya na sayo di ba? Mukhang pinaglalaruan ka lang ni Taegeuk eh. Kasi alam niyang mahal mo pa siya"sambit ko dito.


"Hindi"umiiling na sagot neto,"Hindi ganyan si Taegeuk"parang naiiyak na siya sa tono ng pananalita niya.


"Ayoko namang mabulag ka sa mga pinapakita ni Taegeuk sayo"concern na sabi ko,"Kasi alam ko kung gaano niya kamahal si Taeil, higit pa sa akala mo"


"TAMA NA!"sigaw niya kaya napatingin ung ibang dumadaan sa amin.


Tama yan Sicheng, maniwala ka sa akin. Magalit ka sakanila lalo na kay Taegeuk, dahil hindi ka nararapat para sa babaeng yun.


The Fangirl's Tale || NCT x BlackPinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon