Chapter 1

28 0 0
                                    

Manila, Philippines: July 8, 2002
" Anak, congratulations!!!! Lumabas na yung visit visa mo. Kaso kinalulungkot ko di makakasama ang nobyo mo kasi anak at magulang lang ang pwedeng sponsoran ng hospital namin. Ipapadala ko lahat ng dokumento kailangan mo lakarin at uuwi ako para sabay na tayo bumalik dito", tinig ng ina ni Liza mula sa kabilang linya. "Makakasama na din kita sa wakas". Ganun po ba, Ma? Sige po aasikasuhin ko po yan.
Pagkababa ng telepono hindi malaman ni Liza kung maeexcite ba siya o malulungkot. Alam nya na sa kabila ng kaligayahan ng ina, kapalit ay ang pagkalayo sa kanyang mahal na nobyo.
Maya maya dumating na si Delcon, nahalata nya ang pagkabalisa ni Liza. "Mahal, may problema ba? Tanong ni Delcon sa kasintahan.
"Huh?! Ah wala mahal tumawag lang kasi si Mama." Naalala mo ba yung kinuwento ko sa iyo na ikinuha nya tayo ng visit visa?" "Oo" ang sagot ni Delcon. "Ano kasi eh, ako lang ang pinalad na mabigyan ng visa". Halata ang panlulumo sa mukha ni Delcon pero hindi niya ito ipinahalata kay Liza upang hindi mabahala ang kasintahan. "Ok lang yun ano ka ba? Diba kukunin mo naman ako pag nakahanap ka na ng mapapasukan dun?" Oo naman, ani ng dalaga. "Gagawin ko ang lahat para makahanap tayo ng mapapasukan mo dun". "Yun naman pala eh, o ngiti na mahal ko, pumapangit ka eh. O haba na ng nguso mo! Patingin nga! Ump ganting kurot sa tagiliran ni Liza sa kanyang nobyo. "Puro ka talaga kalokohan, mahal. Pero thanks for understanding me and for supporting me in these. Para sa atin naman lahat ito eh.kaya konting panahong lang naman pagtitiisan natin hindi ba?
Yes boss, sabay saludo sa kanyang nobya.
"Pero dapat magiging good boy ka ha? Baka mamaya kung kani kanino ka tumingin, naku bubulagin ko yang mga mata mo!!!.kunwaring galit irap ng dalaga sa binata. "Oo naman, mahal ako pa?goob boy ito at faithful. Isang matamis na halik ang iginawad ng dalaga sa binata.
Mga sumunod na araw abala na si Liza sa pag asikaso ng kanyang mga dokumento upang makapunta na sa Saudi Arabia.
"Kamusta mga lakad mo, Mahal?" Tanong ni Delcon nung muli silang magkita ni Liza. "Hay naku mahal ang dami ko inaasikaso, napakadami palang dapat gawin. Mula sa NSO, DFA at Saudi Embassy para mastamp na ang visa ko sa passport. Pagkatapos nun saka ko naman kukunin yung ticket ko sa Saudia Airlines. Inaantay ko na lang yung tawag ni Mama kung nabili na nya ang tiket ko."
"Ah, tuloy na tuloy na pala pag alis mo, Mahal. Nalulungkot na sambit ni Delcon. "Oh Mahal akala ko ba napagkasunduan na natin ito?" Nag-aalalang sabi ni Liza. "Oo nga pero di mo naman maiaalis sa akin na hindi malungkot hindi ba?" "Naku ang nobyo ko nageemote. Sandali lang yun tapos hindi mo na namamalayan andun ka na din. Magkakasama na din tayo dun." "Basta pangako ko sa'yo gagawa tayo paraan para mapabilis na pagsunod mo sa akin. "Alright." sabi ni Delcon.

LoveChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon