Chapter 8

36 1 0
                                    

"Andy tara sama ka naman sa amin lumabas, ng di lagi trabaho-bahay lang inaatupag mo."aya ng isa sa mga kasamahan ni Andy.

"San ba gimik nyo this weekend,"anang Andy.

"Birthday daw nung misis ni Erwin sa Friday. Panigurado madami iyong mga kaibigang babae na iimbitahin. Malay mo may makilala tayong chicks dun."

"Loko ka talaga. Cge cge sama ako. Sabagay matagal na din akong hndi nakakaattend ng mga party."

"Alright."sabay apir ng dalawa
"Sa batha na lang tayo magkita kita, bumili muna tayo ng cake na ireregalo bago sabay sabay na tayo pumunta sa venue." Ang batha ang mall sa Riyadh na puntahin ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa gitnang silangan.

"Ok."tipid na sagot ni Andy.

Bukod sa trabaho, pinagkakaabalahan din ni Andy ang makipag chat sa internet. Madami dami na din siyang nakakausap upang kahit papano malibang libang naman sya.

Nang gabing iyon hindi pa dalawin ng antok si Andy, hanggang sa mapagdesisyunan nyang buksan ang laptop at makapag online sandali. Pampaantok kumbaga. Bago naupo sa desk, kumuha muna siya ng maiinom.

OFW Tambayan ang pangalan ng group chat na malimit niyang pinupuntahan na site. Madaming kagaya niya ang nagpapalipas ng oras at naglilibang upan maibsan ang matinding home sick sa pamilya. Ito din ang site na madami ang nagkakatuluyan, nagkakilala lamang sa chat group hanggang sa magkaligawan at magkita na nauuwi sa kasalan. Marami din naman mga lokong sinasamantala ang site makahanap ng magogoyo. Kadalasan mga babae ang biktima. Mayron din naman na naghahanap lang ng makaka SOC o sex on cam na tinatawag na kung saan nairaraos ang makamundong pagnanasa sa pamamagitan ng pagchachat. Andito na ang lahat ng mga tao. May naghahanap ng totoong pag ibig, meron din namang nanloloko lang.
Hanggang sa mabalinh ang kanyang atensyon sa bagong pangalan na nagjoin sa group chat.

Babae ang nagjoin. Bigla siya nacurious at parang may kung anong malakas na pwersa ang naguudyok sa kanya na kausapin at alamin kung talagang babae ang nasa likod ng pangalang iyon.

andy: hi ctc? (abbreviation ng care to chat)
liza: asl pls (age,sex,location)
andy: 25,M,Riyadh. ASL pls ganting tanong ni andy
liza: 24,F, Jeddah
andy: parehas pala tayong nasa saudi

Madami sila napag-usapan ng gabing iyon. Maging mga nakaraan,past relationship napagusapan din nila. Sa madaling salita, naging palagay ang kanilang loob kahit hindi pa sila nakikita.
Nagpatuloy ang pagiging constant chat mate ng dalawa.

Unti unti na din nakakarecover si Liza mula sa pagkabigo sa pag ibig. Nakahanap siya ng taong nakikinig sa kanya at naeenjoy nya ang bawat sandali ng kanilang pag-uusap. May mga araw na nakakaramdam siya ng lungkot pag hindi naka online si Andy. Parang namimiss nya ang binata pag hindi niya ito nakakausap. At kumakabog ang dibdib tuwing nakikitang online si Andy. Kinapa ni Liza ang sarili.
"Shit, naiinlove na ba ako sa lalaking ito?"tanong ni Liza sa sarili.

"Imposible."sagot ng kunsensya ni Liza. "Paano ka maiinlove sa isang taong hindi mo pa nakikita ng personal?"natatawang sambit ni Liza sa sarili. Para siyang baliw na kinakausap ang sarili. Pilit na lamang niya iwinaksi ang nararamdaman.

Isang gabi na magkachat ang dalawa...

andy: liza may aaminin sana ako sa iyo.
liza: ano yun andy?
andy: mahal na ata kita liza. bawat araw na di ka makausap parang ang bigat ng aking pakiramdam.nagseselos ako pag may iba kang kinakausap. Pag ibig na nga ata itong nararamdaman ko.
liza: hahaha nagloloko ka ba,andy?
andy: seryoso ako liza,wag mo sana ako pagtawanan.
liza: kilalanin muna natin ang isat isa andy. hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. alam mo naman siguro pinagdaanan ko sa dati kong nobyo.
andy: handa akong maghintay,liza.hindi kita kailanman mamadaliin.hindi mo kailangang sagutin ang aking pag ibig. sapat na ang maging ganito muna tayo at ako na lang sana ang maging kachat mo.

Hindi alam ni Andy na simula ng magkapalagayang loob sila,hindi na tumatanggap ng chat request si Liza. Wala siya ibang kachat kungdi si Andy lamang.

Siguro nga meron na din siyang spesyal na pagtingin sa binata ngunit pilit niyang pinipigilan ang sarili na mahulog sa pangambang masaktan muli. Takot na si Liza umibig at sa huli maiwang luhaan.

Nagkasya ang dalawa sa pagchachat tuwing wala sila trabaho. Nagpalitan na sila ng telephone number. Pagkatapos nila magchat ay tatawag naman ang binata upang madinig binata ang boses ng dalaga. Masaya sila sa ganung set up. Naging maalalahani sila sa isat isa. Kumabaga, umakto silang parang magkarelasyon.

Ito na siguro ang tinatawag nilang M.U. (mutual understanding)

Samantala, sa opisinang pinapasukan ni Andy. Kinausap niya ang Supervisor nila na kapwa nya Pinoy.

"Sir, good morning."bati niya sa supervisor
"O Andy, ikaw pala. Pasok.Upo ka."itinuro ang katapat na silya.

"Eh sir, gusto ko po sana magpa assign sa Jeddah branch natin kung meron po sana bakante."hiling niya sa amo

"Bakit may problema ka ba dito? May hindi ka ba nakasundo?"takang tanong ng amo.

"Ay hindi po sir, gusto ko lang po sana lumipat sa Jeddah. Ano po kasi"kakamot kamot ulo.nagaalangan siyang sabihin ang totoo sa amo.

"Hmmmm... Huhulaan ko, babae ano?!"sabay tawang tumayo ang amo at lumapit kay Andy. Tinapik ang balikat.

"Susubukan ko ang magagawa ko. Ang alam ko may mababakante sa March. Kakausapin ko ang Supervisor ng Jeddah at irerekomenda kita dun."

"Naku hindi pa man, sir pero nagpapasalamat na po ako sa inyo. Tatanawin ko po malaking pabor ito, sir"

"Sige, pero Ninong ako ha?"alok ng supervisor na pinoy.

"Yes,ninong." "Salamat po ulit, babalik na po ako sa trabaho ko."

Isang tango na lang ang isinagot ng amo habang iiling iling. "Pag ibig nga naman, mga batang ito talaga."anang sarili ng amo.

Inilihim ni Andy kay Liza ang planong pagpapalipat ng Jeddah. Gusto niya sorpresahin ang dalaga. Saka na lamang niya ipapaalam ito pag nasa airport na siya ng Jeddah.

Dumating ang araw ng paglipat ni Andy sa Jeddah. Wala pa din kamalay malay si Liza. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Andy.

"Hello,Andy?"sagot ni Liza
"Hi, Liza may request sana ako sa iyo."
"Ano?"takang tanong ni Liza
"Pwede mo ba ako ipagluto ng masasarap ng ulam? Yung lutong pinoy ha kasi namimiss ko na ang lutong bahay."

Natawa si Liza. Naisip nya naloloko na ba itong taong ito?

"Ok,sige abangan mo mamaya kuhain mo sa computer screen."pang-aasar ni Liza kay Andy.

"Nasa airport na kasi ako eh,papunta sa iyo."
Alam niyang niloloko lamang siya ng binata.

"Hahaha, puro ka talaga kalokohan."tawang impit ni Liza. "Airport saan ka ba naroon?"hindi pa din naniniwala si Liza. Sinakyan na lamang nya ang biro ni Andy.

"Andito ako sa airport ng Jeddah. Ilalagak ko lang mga gamit ko sa apartment na titirhan ko pupuntahan kita,magkita tayo."

Nagulat si Liza. Tinitimbang nya ang bawat katagang nasambit ni Andy. Napagtanto niya na seryoso ang binata.

Biglang kinabahan si Liza. Bigla nakaramdam sya ng takot. Ang daming tanong ang naglaro sa kanyang diwa. Ang daming what if na hanggang ngaun di nya mabigyan ng kasagutan.

"Andy. Wait! Seryoso ka ba?"

"Oo nga, kalalapag ko lang ng Jeddah mula Riyadh. Susunduin ako ng service namin uuwi muna ako sa apartment ko at pupuntahan kita.

Naputol na ang kanilang paguusap. Pero naiwan pa din si Liza na lito. May kilig siyang naramdaman but at the same time takot. Takot na mahulig siyang muli at masaktang muli.

"Bahala na si batman."usal ni Liza.

LoveChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon