Chapter 10

1 0 0
                                    

Biyernes. Kalimitang day off ng mga manggagawa sa gitnang silangan.

Pinakilala ni Liza si Andy sa Mama ng dumalaw ang binata sa kanilang tinutuluyang apartment.

"Magandang Araw po sa inyo, ako po si Andy. Magalang na inilahad ni Andy ang kamay sa ina ng dalaga.

Bagamat nalilito kung sino ang lalaking ito, maayos nyang pinakiharapan ang binata.

Nagkatinginan ang mag ina na tila may gustong itanong kay Liza. Nakuha ni Liza kung ano ang naglalaro sa isip ng mama.

"Ah Ma, siya nga po pala si Andy, uhm kaibigan ko po."

Sa tagal na panahong inilagi ng mga magulang ni Liza sa gitnang silangan ngayon lamang sila nakatanggap ng panauhing lalaki na sa wari ng ina ay manliligaw ng anak.

" Maupo ka Andy, ipaghahanda ko muna kayo ng maiinom." ani ng ina ni Liza.

"Maraming Salamat po, ma'am."

Ngumiti lamang ang ina at tuluyan na itong nagtungo sa komedor upang ipaghanda sila ng merienda.

Mula sa kusina ay dinig ng ina na masaya ang anak sa bagong kaibigan.  Matagal tagal na panahon bago nanumbalik ang sigla ng anak. Tutol man siya na magkaroon na ng muling karelasyon ang anak, ngunit kung ang kapalit nito ay ang kaligayahan ng anak , sino siya upang tumanggi?

Bumalik ang ina sa salas upang iserve ang inihandang merienda at nakipagkwentuhan ba din ang ina sa dalawa. Madali naman niyang kinagaangan ng loob ang binata. Sa sandaling oras ng kanilang pag uusap alam niyang mabuti itong bata at kung siya man ang mamahalin ng anak dama nya na hindi nya ito sasaktan.

"Andy magluluto ako ng dinner, dito ka na lang maghapunan kung wala ka naman ibang gagawin."

"Wala naman po ma'am at malugod ko pong tinatanggap ang inyong paanyaya."

"Masyado ka pormal iho, tawagin mo na lang akong Tita tutal kaibigan ka naman ng anak ko." At baka kalaunang maging ka - ibigan na, panunukso ng ina sa anak.

"Si mama talaga, napakapilya." Nahihiya at ramdam ni Liza ang pamumula ng mga pisngi.

Kininditan lamang sya ng ina at tuluyan ng iniwan ang dalawa para makapag usap.

LoveChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon