Chapter 3

15 0 0
                                    

Jeddah, Saudi Arabia: Sept 23,2002
Ito ang araw na tumungtong ang aking mga paa sa gitnang silangan.  Ang araw na nalayo si Liza sa kanyang mahal na kasintahan ngunit ito din ang araw na muli ay makakasama na nya ang kanyang mga magulang. Na sa hinaba haba ng taon nilang nawalay sa kanilang magkakapatid upang mabigyan sila ng mabuting kinabukasan. Buong tapang na haharapin ni Liza ang bagong buhay sa ibang bansa.
"Salam Alaikom" bati ng immigration officer kay Liza ng pagtapat nya sa desk kung saan tatatakan ang kanyang passport upang tuluyan syang makapasok sa bansa. Napanganga si Liza dahil hindi nya maintindihan ang sinabi sa kanya. Ipinaliwanag ng ina na un ang pamamaraan ng mga arabo bumati sa bawat makakausap na tao. "Anak pag sinabihan ka nila nun isasagot mo "Alaikom Wa Salam". "Ah ok po, Ma. Hawak noo si Liza dahil nahihirapan syang ikabisado ang mga kataga. "Hayaan mo tuturuan kita anak paunti unti ng mga salita nila dito.
Nabigyan si Liza ng tatlong bwan ng immigration officer upang sya ay mamalagi sa gitnang silangan.
"O ayan na ang papa mo nag iintay sa atin." "Welcome to Saudi anak. Humalik si Liza sa kanyang ama. Hindi lingid ang kanyang pagkasabik sa kanyang papa na sa telepono na lang nya nakakausap.
"Tara uwi na tayo, anak naiayos ko na ang bago mong room. Bago umuwi mama mo naipaayos na namin ang magiging kwarto ng aming prinsesa. "Salamat papa. Sabay yakap ni Liza sa kanyang ama.
Ring, Ring, Ring, "hello? boses ni Delcon ang nasa kabilang linya. "Mahal, andito na kami ng Mama sa
Jeddah." Napakainit lang dito sa disyerto!"Hahaha, masasanay ka din mahal ko. wika ng binata sa dalaga. "Mahal miss na agad kita,uwi ka na o?. Dito ka na lang sa pinas. Dito ka na lang magwork." Mahal ikaw na lang ang pumunta dito.ganting lambing ng dalaga kay Delcon. "Sige hehe bukas andyan na ako. At nagtawanan silang dalawa.
Mag iisang buwan na din si Andy sa kanyanh bagong trabaho sa Riyadh. Maayos naman ang pagtanggap sa kanya ng kanyang mga kasamahan. Nakakitaan si Andy ng kanyang amo ng kasipagan kaya hindi nahirapan ang binata sa pag adjust. Hindi nahirapan si Andy na pakisamahan ang mga bagong katrabaho. Sa kabila ng maayos na pamumuhay  ni Andy sa gitnang silangan ay sya namang unti unting pagkasira ng relasyon nilang magkasintahan. Nagiging madalas ang kanilang pagtatalo ni Jenny sa telepono. Maraming mga nakakarating na balita sa kanya na ang kanyang nobya ay nakikitang lumalabas kasama ang ibang lalaki. Na ayon sa usap usapan ay pinaghihinalaang bago nyang boyfriend. "Hello Jenny, sino yung kasama mo?! may nakakarating sa aking balita na may kasama ka daw ibang lalaki lumalabas. "Hay naku wala yun kaibigan lang yun. Baka ikaw may iba ka na dyan ganting tugon ng dalag kay Andy. Baka kaya mo ako inaaway at pinagbibintangan para may dahilan ka makipaghiwalay sa akin!!!.galit na galit si Jenny sa kabilang linya. "Pwede ba Jenny wag mo akong baligtarin, malaman ko lang ang totoo. Hindi ako mangingiming makipaghiwalay sayo!!! At pinutol na ni Andy ang linya. Nagpatuloy ang ganung problema ng dalawa hanggang sa tuluyan ng nawalan ng gana si Andy sa kanyang nobya. Ibinaling na lang ni Andy ang atensyon sa trabaho. Nagkalabuan na ang dalawa at nauwi sa hiwalayan.
Samantala, nakapasok na din si Liza bilang volunteer worker sa pinapasukang hospital ng ina bilang isang therapist. Bagamat abala sa kanyang trabaho si Liza,napapansin nya ang pagdalang ng komunikasyon nila ng kasintahan. Madalas na din ang kanilang pagtatalo sa telepono.  "Asan ka,mahal bakit kanina pa ako tawag ng tawag sayo d kita makontak?" "Saan pa e d sa work.pasinghal na sagot ni Delcon kay Liza. Work?!!!! Disoras na ng gabi work pa din?!ani ni Liza. "Sabihin mo baka may babae ka na!!!" "Bahala ka na nga,galit na sambit ni Delcon. "Sawang sawa na ako sa kakaduda mo,napapagod na ako sayo!" Pinutol na ni Delcon ang linya ng telepono.
"Hello delcon?!, hello? Hmp at binagsakan pa ako ng damuhong ito!!!! Nagkulong si Liza sa kanyang kwarto at  naramdaman na lang nya ang mainit na likidong dumadaloy mula sa kanyang mga mata. Naiyak si Liza sa pagkakatampuhan nilang magkasintahan. Hindi nya maisip kung ano ang dahilan bakit napapadalas ang kanilang pagtatalo. Sa tuwing sila ay maguusap nauuwi sa pagtatalo at pagdududa ang lahat. Ramdam nya na may mabigat na dahilan at parang laging umiiwas si Delcon makipagusap sa kanya. Nag-aalala syang baka hindi na sya mahal ng kasintahan at may nahanap na itong kapalit.Nakatulugan ni Liza ang pag iyak.
Nagdaan ang mga araw at dumalang ang paguusap ng dalawa. Pag tinatawagan ni Liza si Delcon madalas nagdadahilan itong may gagawin o kaya naman nalalaman nya na wala ito sa bahay. Nabubuo na kay Liza na ang kanyang nobyo ay may iba ng minamahal. Hanggang isang araw nakatanggap sya ng tawag mula sa binata.
"Hello,Liza? Nagtaka si Liza sa unang pagkakataon hindi sya tinawag ni Delcon ng Mahal na siyang kanilang code of endearment. "Kamusta na?nakaalala ka?sagot ni Liza. "Ano kasi may gusto sana ako sabihin sa iyo". A-ano yun?tanong ni Liza. "G-gusto ko sana hingin s- sayo ang k-kalayaan ko. Napatigagal ang dalaga sa nadinig na para bang binuhusan sya ng malamig na tubig. "Uhm Liza wag mo sana isipin na kasalanan mo. A-ako ang may kasalanan, ako ang may problema, patawarin mo ako Liza. Napahagulgol na si Liza. Pilit nyang pinipigilan ang sarili na huwag umiyak ngunit sobrang sakit ang kanyang nadadama. Walang salita lumalabas sa kanyang bibig. Impit na pagtangis ang kanyang naisagot. Sa wakas nagawa nyang sabihin "b-bakit, Delcon? Ano nagawa ko? May iba ba?! "Patawarin mo ako Liza, di ko sinasadya. may nakilala akong babae. iniwasan ko naman sya pero di ko namalayan nahulog na ang loob ko sa kanya. Pag amin ni Delcon kay Liza. "Mahal kita Liza at ayoko ng paasahin ka at saktan pa. Pagpapatuloy ni Delcon. "Bakit sa tingin mo Delcon hindi ako nasasaktan? Ilang bwan lang akong nawala, may kapalit agad? Bakit ano ang dahilan kailangan mo akong iwan?alam ko may matinding dahilan. Matatahimik lang ako pag naipaliwanag mo sa akin ano ang iyong dahilan?!!! Tumataas na ang boses ng dalaga. "Buntis sya Liza at hindi ko pwedeng pabayaan ang magiging mag ina ko. Mapatawad mo sana ako... Ibinaba na ni Liza ang telepono. Namalayan na lang nya nakauwi na pala sya sa kanilang bahay. Ng makita ang ina humahangos syang umiyak at napayakap. "Anak, bakit ka umiiyak? "Ma, nakipaghiwalay na po sa akin si Delcon. Ang sakit ma,ang sakit sakit! Huhuhu. Napaiyak na din ang ina. "Walang hiyang Delcon na yan, tinanggap namin sya tapos ganyang ang gagawin nya sa iyo."
"Ma,pasok po muna ako sa kwarto ko,gusto ko po muna mapag isa.
Ni lock ni Liza ang silid at duon na bumuhos ang sama ng loob na kanina pa nya kinikimkim.
Bakit mo ako nagawang saktan ako Delcon? Ikaw na minahal ko ng lubos. Kasama sa mga plano ko. Paano ko haharapin ang bukas ng wala ka na. Ng ako na lang?
Nakatulugan ni Liza ang pag iisip....

Itutuloy....

LoveChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon