The Creed [ongoing]

157 2 4
                                    

The Creed

By: Clueless_one

Prologue:

Dear Clovis,

        “Anak alam ko na marami kang tanong sa isip mo na hindi ko na bigyan ng kasagutan… pasensya ka na anak masyadong maikli lang talaga ang panahon. Alam kong naguguluhan ka pa sa mga nangyayari I just hope na sana maging matatag ang loob mo na hindi ka panghihinaan ng loob. Baka pag nabasa mo itong sulat ko na ito hindi ko na maipaliwanag sa iyo ang lahat ng mga mangyayari. Pero alam ko na matalino ka at alam ko na gagawin mo ang tama para sa sarili mo. Sana kahit wala na ako sa tabi mo, lahat ng tinuro ko sa iyo mula pagkabata mo ay magagamit mo sa mga haharapin mo na pagsubok sa hinaharap. Anak alam ko na hindi ako naging mabuting  ama sa iyo, pero sana malaman mo na minahal ko kayo ng nanay mo at kapatid mo. Kayo ang bumuo ng buhay ng isang lalake na akala niya ay wala ng saysay ang buhay niya. Hindi ko malilimutan ang lahat ng mga magagandang alaala natin bilang pamilya. At sana matulungan ka nitong mga sasabihin ko sa iyo. Sa loob ng stockroom natin anak ay mayroong aparador na nakapadlock. Kalakip nitong sulat ko ang susi, gamitin mo iyon para mabuksan ang lock. At sana matulungan ko nung laman nun, na maintindihan kung ano talaga ang nangyayari… Mahal na Mahal ko kayo…”

                                                                                                   Lubos na nagmamahal,

                                                                                                        Vidic Castello

“Simula pagkabata pinagkait na sa akin ang pagmamahal…”

“Kaya siguro naging ganito ako…”

“Tuloy kapag nakikita ako ng mga tao…”

“Ito lang ang naiisip nila…”

“Ha! Siya! Mayabang siya!”

“Yan mabait? Kelan?”

“Palibhasa kasi walang magulang kaya ganyan…”

“Walang kuwentang tao yan!”

“Diyan may magmamahal? Sana nga…”

“Hayyy… Kung ganyan ba talaga ang tingin ng mga tao sa akin ano pa ba ang magagawa ko?”

“Pero nung akala ko na wala ng magbabago…”

“Bakit ka pa dumating?”

“Malaki tiwala ko sa iyo!”

“Kaya mo yan!”

“Yun yung mga salitang tumatak sa akin…”

“Pero bakit ganoon? Kung kalian na ako nagmamahal…”

“Ang daming hadlang?”

“Di ba ako pagbibigyan na makasama ka ng walang nakaambang panganib?”

“Bakit ba hindi natin kayang magmahalan ng walang hadlang?”

The CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon