Chapter 1: Promotion Or Exile?

86 4 2
                                    

Point of View: Clovis Castello

Habang nakaupo ako sa isang sulok sa sanctuary namin… biglang may lumapit sa akin at sabay niya akong tinawag.

“PSSSSTTTT! Hoy Clovis! Nakatulala ka na naman!” Hay eto nanaman si Zheiky mangungulit na naman… “-_-

“Ha! Ahhh… pasensya na lalim na naman kasi ng iniisp ko eh…Hali ka nga maglakadlakad tayo.” Panira ka kasi nagmomoment na ako.

“Ghe…HAHAHAHAHAHAHA! Ano nanaman ba yun? Wag mo siyang isipin mahal ka pa nun!” Sinabi niya sa akin ito ng nakangiti which is nakakaasar.

“Ha? Hindi yun yung iniisp ko… Kahit kalian ka talaga!”

“Ahhhh… ganoon ba? Sayang… anyways… ano nga ba ang iniisp mo?” Tanong uli niya sa akin well atleast mejo seryoso siya.

“Iniisip ko kasi kung kalian ibibigay sa atin yung promotion assignment natin…”

“Ahhh… Kung sabagay halos 3 taon na akong 3rd rank novice at ikaw naman nagging senior assassin ka na…” Sinabi niya ito sa akin na hindi ako sigurado kung nalulungkot siya o nagpaparinig nanaman.

“Eh paano ka bang mapopromote? Nung unang assignment natin napagkamalan mong tubig yung hinandang lason para sa target… Nung pangalawang assignment naman natin nawala ka sa focus mo kasi natatae ka… at nung huling promotion test natin nakakuha ka ng 7/60… Eh Malabo ka talagang mapromote buti nga napunta ka pa sa 3rd rank novice…”

“Ang sama mo naman! Yung unang assignment naman natin uhaw na uhaw ako. Ikaw ba namang  humabol ng motor na ang takbo ay 90 kp/h hindi ka mauuhaw? Nung pangalawang assignment naman natin, di ba natandaan mo binigyan ako ni Elizabeth ng Homemade pudding. Tapos biglang sinabi sa akin ni Elizabeth expired na pala yung Condesed na ginamit niya! Nung huling exams naman natin inaantok na ako kaya hindi na ako nakapagreview, hindi ko naman inakala na pati quantum science at philosophy isasama?” Sagot naman niya sa akin ng nakasimangot na may nakakatawang accent.

“Hahahahaahahahaahahaahaha!!!! Oo na… Wag kang magaalala sa next assignment natin tutulungan na kita para naman maging Senior novice ka na…” Sinabi ko sa kanya ito ng nakangiti. :D

“Aasahan ko yan!” Sinabi niya sa akin ito ng nakangiti din.

Ako at si Zheiky ay matalik na magkaibigan, sabay kaming pumasok sa Acelisians Order.

Kahit ako di ko nga malaman bakit naging magbestfriend kami basta ang alam ko napapatawa niya ako… Kasi of all the people na nakasama ko si Zheiky lang ang tumagal sa akin.

Nung nakarating na kami sa waiting lounge.

“Unit 8-C pinapatawag kayo ni Mentor Dante IV sa kanyang opisina… Thank you!” Narinig namin ni Zheiky ito mula sa Secretary ni Mentor Dante IV mula sa speaker.

Tara na!” Sabi sa akin ni Zheiky

“Teka lang asan na ba sila Elizabeth at Vincent?”

“Hayaan mo yung dalawang yun! Unahanan na natin para mapagalitan! Heheheheheehehe!” Sinabi sa akin ito ni Zheiky ng may para bang masamang balak na tono.

“Hayyy… Zheiky kalian ka ba magmamature? Kaya walang nagkakagusto sa iyong babae eh…” Biglang may nagsalita mula sa likod namin na boses babae.

“Elizabeth! Andyan ka ba simula kaganina? Akala ko kasi mangkukulam ka eh…” Tanong ni Zheiky kay Elizabeth na may tonong kabado.

“Loko ka talaga Zheiky! (sabay kutos kay Zheiky).”

The CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon