Sign of a new and fresh start

29 1 1
                                    

  Okay! Eto nanaman ang recap time! So nakita naman po natin nung huling chapter na kahit ang mga assassins’ din ay marunong ding maghanda sa kanilang mga assignments. Pero bakit kaya ganoon? Bakit kaya ayaw pagusapan ni Clovis ang kanyang pamilya, kahit nga bestfriend niya umayaw siyang pagusapan ang topic na ito eh. At nakita din natin na mejo nagbago ang kanilang assignment instead na isang retrieval operation ang kanilang gagawin, pinadala sila sa isang resolution meeting (daw). Kahit si Clovis hindi makapaniwala sa kanyang mga narinig. Kahit alam nilang patibong ito,  pumunta pa rin sila sa meeting place. Pero meron din silang hindi inaasahan na nangyari, tinamaan ng missile ang kanilang helicopter!, Ano na kaya ang mangyayari sa ating mga bida? Matutuloy pa rin kaya ang assignment nila?

Point of View: Clovis Castello

“CLOVIS! CLOVIS!”

Ha?

“Oras na para magsanay ka! Ikaw talaga anak!”

“Gagalingan ko po papa!”

“Alam ko naman na gagalingan mo anak eh…”

“Bumabagsak na ang pulse rate niya! Dalian niyo!” narinig ko na sinabi ng isang lalake…

“Sir! Madami pong dugo ang nawawala sa kanya!” OA naman nung babae!

“CLEAR!”

Aray! Ano ba yun?! Ang lakas ng kuryenteng tumama sa dibdib ko…

“Hay… salamat… mukhang okay na siya…” sabi ulit nung lalake.

Ha?!! Sinong magiging okay?

After a few hours…

“Uhh… aray ang sakit ng buong katawan ko…” Nagising na lang ako sa sobrang sakit ng katawan ko…

“Gising na po pala kayo…” Sabi sa akin ng babaeng nakaputing damit

“Ha? Nasaan ba ako miss?” Bakit ang weird? Parang wala akong matandaan bago ako mapunta sa lugar na toh?

“Ahhh… Sir wala ba kayong matandaan? Kahit ano?” Nagtatakang tanong sa akin nung babae

 Ay hindi! Hindi halatang wala akong maalala! Kaya nga tintatanong ko kung may alam ka di ba?

“Wala po talaga miss…” Yun na lang ang nasagot ko sa babaeng naka puti.

“Dapat matawagan ko si Doc…” Pabulong niyang sinabi…

“Ano po yun miss?” Tanong ko uli dun sa babae

“Ay wala po sir! Sanadali lang po ha?” Nung pagkasabi niya nito… bigla na lang siyang lumabas.

Hmmm…. Nasaan kaya ako? At bakit ganoon ang weird alam kong may nangyari bago ako napunta dito eh….

Kaasar! Nasaan na kaya ako?

Pero teka lang?

Ano nga ba ang pangalan ko?

PATAY!

Pati sarili kong PANGALAN hindi ko na matandaan!

Biglang may pumasok na magandang babae pumasok sa kuwarto ko…

“Gising na po pala kayo Sir…” Bati sa akin nung babae.

“Ahhh… opo” Yun na lang ang nasagot ko sa babae sa sobrang pagkataranta ko

“Ano po ba nararamdaman niyo?” Tanong sa akin nung Babae

“Ahh… mejo masakit po yung katawan ko” Mas magandang eto na lang ang sabihin ko…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon