Chapter 2: Change of Plans

40 1 0
                                    

      Hey guys sana naeenjoy niyo yung kuwento ko! Recap lang tayo! Sa unang chapter ng ating kuwento ay nakilala na natin ang ating mga bida na sila Clovis, Zheiky, Elizabeth at Vincent. Nakita naman natin na sila man ay may pagkakaiba sila naman ay isang maasahang unit. At si Clovis na kanilang capt. Ay may malaking paniniwala sa kanyang unit. Pero bakit kaya nakaramdam ng kaba si Clovis? At bakit parang nagiba ang asta ni Vincent? Kahit sobrang tagal na ni Clovis sa Acelsian Order 1st time pa lang niyang kabahan ng ganito… Ano kaya ang meron sa sanctuary na iyon? Bukod sa mga importanteng document ano pa kaya ang naghihintay sa kanila?

Point of View: Clovis Castello

Bakit kaya ganoon si Vincent? Hmmm… Para akong tanga! Bakit ko nga ba iniisip yun? Paranoid na naman ako! Arggghhhh…

“Clovis ano nga bang ang dinadala mo sa mga assignments natin? Minsan kasi nagtataka ako, mukhang konti lang kasi ang daladala mo kapag umaalis tayo pero kapag nasa actual situation ang dami mong hinhugot mula jan sa mga pouches mo…” Tanong ni Zheiky sa akin habang  nasa loob kaming dalawa ng kuwarto ko.

“Hmmm… Ang turo kasi akin as much as possible magadala ako nung mga kakailanganin ko para sa assignment… Pero syempre parati akong handa nagdadala na din ako nung alam kong mga kakailanganin ko…” Very common naman din Zheiky yung tanong mo!

“Ahhhh… ganoon ba? Eh ano nga ba ang mga dinadala mo?” Tanong ulit sa akin Zheiky

“Hmmm… well syempre hindi kakalimutan yung mga sandata ko at… yung mga pain killers kong injectables. At ano pa ba? Yung graple gun ko syempre hindi ko kakalimutan at oo nga pala etong dual Glock 19 ko na may silencer… Alam mo naman tayong mga assassins hindi tayo pedeng pumatay ng sobrang ingay…” As far as I know eto lang talaga ang dinadala ko sa lahat ng mga assignments ko.

“Ayos tong mga gamit mo ha…” Sabi ni Zheiky sa akin ng nakangiti.

“Eh ikaw Zheiky anu nga bang ang dinadala mo?” Tanong ko naman kay Zheiky.

“Well… syempre yung stun gun ko at yung iba ko pang mga gamit katulad ng daggers, bullets at marami pang iba.” Maayos na sagot sa akin Zheiky.

“Ahhh… ganoon ba? Mukha kasing hindi mo naman ginagamit kasi ng maayos yung mga gamit mo eh… Hindi mo ba naala kung ano yung insendete mo jan sa stun gun mo? Dati kasi ayaw gumana nung stun gun mo at sa sobrang inis mo binagsak mo ito eh sakto… nung binagsak mo biglang pumutok at tinamaan ka sa tuhod! Hahahahahahahaahaha!” Ang sabi ko naman kay Zheiky na para bang nangaasar pero talagang nangaasar lang ako.

“Grabe naman… Clovis ano toh?” Tanong sa akin ni Zheiky habang nakaturo sa isang lumang litrato na nasa desk ko.

“Ahhh… yan? Yan ang huling litrato ko kasama ang mga magulang ko at mga kapatid ko.” Malungkot kong sagot kay Zheiky

“May kapatid ka?” Tanong naman sa akin ni Zheiky.

“ Ano ka ba Zheiky?!” Sagot ko kay Zheiky ng naiinis.

“TAO!” Pilospong sagot sa akin ni Zheiky.

“Hayy… oo actually tatlo kaming mga magkakapatid…” Sagot ko kay Zheiky ng may malungkot na tono.

“Parang hindi mo pa ata nakukuwento sa akin yan pre?” Nagatatakang tanong ni Zheiky sa akin.

“Hmmm… teka... teka nagtanong ka ba?” Tanong ko kay Zheiky

“Hindi… ahhh… kaya pala…” Sagot sa akin ni Zheiky na para bang hindi niya ginamit and commonsense niya . -_-

“Pwede bang wag na nating pagusapan eto?” Ayaw ko talagang pinaguusapan ang pamilya ko kasi it just brings me bad memories…

The CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon