Sa kasulok-sulukang bahagi ng bansang Pilipinas ay may nakatayong isang prestihiyusong paaralan para sa mga anak ng mayayamang negosyante, anak ng celebrity o mga celebrity at mga anak pulitiko. Ang paaralang ito ay itinayo para lang sa kanila. You heard it right, para lang sa kanila. Ang may-ari ng paaralang ito ay si Mr. Rodrigo Islang-bato. The name of this special and prestigious school is IB Academy of Celebrities and Rich People o Islang-bato Academy of Celebrities and Rich People. Hindi man sosyal ang pangalan ng school ngunit mas sosyal pa ito sa Willford Academy, Shinhwa High School, Empire High School at Eitoku Academy
Hiyang-hiya ang Mall of Asia at Harvard University sa laki ng Islang-Bato Academy of Celebrities and Rich People. Napakalaki ng gate nito na mas malaki pa sa gate ng bahay nina Killua. Pagpasok mo sa loob ay matatanaw mo ang napakagandang garden. Maraming mga bulaklak ang tumutubo, may batis din doon na tinitirhan ng iba’t-ibang nilalang. May hippopotamus, crocodile at may sirena din daw doon, di ko alam kung totoo. Di ko pa na-check.
Kailangang mo pang sumakay ng luxury car or limousine para makarating sa School Building. Hindi ina-allow ng management ng School ang mga second hand car, mga motor at ‘yong mga pucho-puchung sasakyan, dapat ay luxury car or limousine. Kung wala kang ganun, eh di, kailangan mong maglakad. Kung maglalakad ka man lang, dapat ay alas-4 palang ng umaga ay magsimula ka ng maglakad para hindi ka ma-late. 7:30AM ang simula ng klase at walang flag ceremony dahil baka umitim ang mga estudyante at masira ang kanilang skin.
Ang school building ay napakalaki na mas malaki pa sa Willford Academy, Shinhwa High School, Empire High School at Eitoku Academy. Napaka-advance ng disenyo nito na halos salamin lahat ng dingding pero kapag may pinindot ka ay biglang mag-ti-tilted ang mga salamin at magiging kulay black lahat, sosyal. It’s an 8th floor building na tinalo pa ang Mall of Asia sa laki. Sa first floor ay naroon ang mga faculty ng mga guro. Ang mga nagtatrabahong guro dito ay mga Top Notcher sa LET. Kapag hindi ka pasok sa Top 10, hindi ka pwedeng mag-turo dito. Kung pangarap mo talagang magturo sa paaralang ito, kailangang mo pang kumuha ng Doctorate Degree sa America at ngayon ina-allow na din ang sa Ateneo at La Salle. Eh sino naman ang hindi malululang teacher sa 300, 000 – 500, 000 a month na sweldo?
Ang mga pintuan sa buong school ay automatic, kapag andiyan ka na sa harap ay bubukas ito. Sa 2nd floor naman ay naroon ang Music Room, Laboratory, Kitchen para sa mga pagluluto na subject. Naroon din ang clinic na hiyang-hiya ang St. Luke’s Medical Center sa mga facilities nito. May studio din doon para sa mga sayaw-sayaw, museum kung saan naroon ang mga antiques na binili pa galing sa Europa at meron din doong gym para sa mga health conscious na mga estudyante.
Sa 3rd floor naman ay naroon ang napakalaking Multi-Purpose Hall. Doon ginaganap ang mga School Program at hiyang-hiya din ulit ang Big Dome sa laki nito. Sa 4th floor hanggang 6th floor naman ay mga Classroom. From 1st year to 4th year. Di mo akalaing marami palang mayayaman sa Pilipinas dahil ang first year ay may 10 na section, ang second year ay 9 na section, ang third year ay 8 at ang fourth year nama’y 7. Napapansin niyong lumiliit ang bilang ng estudyante from first year to fourth year. Dahil ‘yan sa, ang ibang mga Celebrities ay nagiging busy na sa career at siyempre, palusot lang ‘yan, dahil ang totoo’y laos na at wala na masyadong show kaya wala ng pang-tuition. Ang mga anak ng negosyante nama’y nalulugi din at ang mga anak pulitiko nama’y minsan ay hindi na nakaka-corrupt o di kaya naman ay nahuli na ng batas.
Ang 7th floor to 8th floor nama’y naroon ang mga courts. Court ng basketball na mas malaki pa sa court ng Miami. Ang kanilang swimming pool na mas malaki at mas malalim pa sa karagatan, joke lang. Mas malaki pa sa mga Olympic size pool. Naroon din ang Volleyball court, Tennis court at kahit ano pang court, kahit si Anne COURTis ay naroon. ??? Eh tumawa kayo, joke ‘yan.
Sa likuran naman ng School Building ay naroon ang isang airport para sa mga estudyanteng sumasakay ng private jet, chopper, helicopter, private plane at ang iba pa nga’y nakasakay sa eroplano na mas malaki pa sa PAL. Ganyan kabongga ang paaralang Islang-Bato Academy for Celebrities and Rich People. Hindi man sosyal ang pangalan, mas sosyal naman sa Willford Academy. Shinhwa High School, Empire High School at Eitoku Academy.
Wealthiest School ang IBACRP o kaya naman tinatawag na IB Academy para hindi mahirapan ang iba sa haba ng pangalan nito, ng World Guinness Record at limang taon ng hindi pa naagawan ng titulo dahil every year ay nag-u-upgrade ito. Na-feature na din ito sa iba’t-ibang TV Shows sa buong mundo at selos na selos ang China, Russia at North Korea sa paaralan at nagbalak pang gumawa ng isang paaralan para lang maungusan ang Paaralang ito ngunit hindi sila nagtagumpay.
Kung balak niyong mag-enroll dito ay maghanda na ng 10 Million for 1 school year. Iyan ang tuition sa Paaralang iyan. Ano? Keri?
Pahabol: Ang anak ni Napoles, na-kick out na dito sa School.
++++++++++++++++++
Bwahahaha. Wala magawa :)
BINABASA MO ANG
Boys Over Inheritors
Teen FictionA Parody/Sit-Com Novel tungkol sa mga lalaki sa ibabaw ng yaman.