Nagpatuloy ang napaka-boring na party ng mga mayayaman. Naka-upo lang sa gilid si Red at hawak-hawak ang isang baso ng softdrinks at tinitingnan ang kanyang kuya na napaka-busy na kinakausap ang iba’t-ibang mga tao. “Mas masarap sana kung beer ‘tong iniinom ko,” sabi ni Red na nakatingin lang sa kanyang kuya.
Ilang minuto ang nakalipas ay naroon pa din si Red naka-upo, mag-isa, may lumalapit sa kanya na gusto siyang kausapin ay siya naman tong hindi nakikipag-usap at ngumingiti lang sa mga bisita. Kinuha ni Red ang kanyang Stuart Hughes’ iPhone Diamond Rose Edition na cellphone at tiningnan lang ito. “Bakit hindi pa siya tumatawag? Ayaw ba niya ng 7 wishes?” tanong niya.
Agad na may tumabi kay Red at ito’y ang kanyang kuya na si Andreau. “How’s your study?” tanong ni Andreau na nakangiti.
“You don’t care,” sagot naman agad ni Red.
“Are you still mad?”
“Bakit? Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa’yo noon?”
“You’re so immature.”
“Shut up.”
Ngumiti si Andreau at agad na tumayo. “Sabi ni Papa na na sa’yo na daw ‘yong kotse niya kaya ayun nagpabili ng bago,” kwento ni Andreau.
“At ngayon?” matigas na tanong ni Red na talagang may galit sa kuya niya.
“Alam mo ba kung sino ang bumili ng kotseng hiningi mo kay Papa?” Napakunot ang noo ni Red at ngumiti naman na parang nangungutiya si Andreau. “I bought that car. Binili ko ‘yun para sa kanya at ngayon, na sa’yo na pala. Ingatan mo ‘yun, ok?”
Tiningnan naman ni Red ng masama ang kuya niya habang si Andreau naman ay umalis na doon sa kinauupuan ni Red. “What the heck,” ang nasambit ni Red sa inis.
Samantala, doon naman sa bahay nina Mika. Kumakain silang mag-ama ng hapunan. “Keep the good work, anak,” sabi ng Papa niya. “Ang tataas ng grades mo ah.”
“Ah, Papa. Sa tingin niyo, tatanggapin ko kaya ‘yong offer ni Master Andreau na papaaralin daw niya ako sa Islang-bato Academy?”
Napabuntong-hininga ang Papa niya at agad na sumagot. “Sa tingin ko, mas maganda nga kung doon ka mag-aral.”
“Pero, paaralan po ‘yun ng mga mayayaman at diba ang required lang doon ay ‘yong mga anak celebrity, politician at mga anak ng mayayamang negosyante. Pero, hindi naman tayo mayaman ah.”
“Siguradong gagawa ng paraan ‘yang si Master Andreau. Sa kanila naman ‘yong paaralan ah.”
“Ano po, pa? Papayag ba ako?”
“Eh, malaking opportunity na ‘yan. Kung makakakita ka ng dagat na puno ng ginto, hindi ka pa ba sisisid?”
Napag-isip ng mabuti si Mika at tama nga naman ang sinabi ng Papa niya. Nakakita na siya ng dagat na punong-puno ng ginto kaya ang kailangan na lang niyang gawin ay sumisid. Nakahiga na si Mika sa kanyang kama at agad niyang tiningnan ang kanyang mga palad at naroon pa din ang numero ni Red. “7 wishes. Dagat ng ginto na naman kaya ‘to? Kahit ano daw hilingin ko? Maibibigay kaya niya?”
Kinabukasan, maiging pinag-isipan ni Mika ang biggest offer of her life, ang mag-aral sa Islang-bato Academy. Mala-Geum Jan Di o Eya ang peg niya nito kung nagkataon. Naka-ilang buntong-hininga na si Mika sa araw na ‘to. Naglalakad na siya papauwi galing ng paaralan nang may sumusunod sa kanyang lalaki, si Master Andreau o mas kilala niya sa pangalang Secretary Cruz.
Nakangiti si Secretary Cruz o Andreau habang sinusundan si Mika na malalim pa din ang iniisip. “Psst~” tawag ni Andreau ngunit hindi tumitingin sa likuran si Mika. “Pssttt~” tawag pa niya ngunit talagang malalim ang iniisip ni Mika kaya hindi niya napapansin ang sitsti ni Andreau. Dahil hindi ito napapansin ni Mika ay agad na sinabayan ni Andreau sa paglalakad si Mika.
“Oh, Secretary Cruz,” sambit ni Mika na nakangiti.
“May time ka ba ngayon? Coffee Shop tayo.”
At nasa coffee shop na nga sina Mika at Andreau, doon sila nag-uusap at ngiti ng ngiti sa isa’t-isa. Kumakain sila ng chocolate cake at umiinom ng black coffee, pareho sila ng taste. “Secretary Cruz, kumusta ang Welcome Party ni Master Andreau kagabi?” tanong ni Mika.
“Maayos naman pero galit pa din ang kapatid niya sa kanya,” kwento ni Andreau.
“Ganun na lang ba kalaki ang galit ang kapatid niya sa kanya? Hindi naman siguro si Master Andreau ang dahilan kung bakit namatay ang ina nila, di po ba?”
Medyo nalungkot si Andreau pero pinilit pa din niyang ngumiti. “Oo. Hindi siya ang dahilan. Iniinsist lang ng kapatid niya na si Master Andreau ang dahilan ng lahat.”
“Kahit hindi ko pa siya nami-meet, sigurado akong ang bait bait ng mukha ni Master Andreau.”
“Siyempre naman.”
“Uhhh~ Secretary Cruz, nakapag-desisyun na po ako doon sa offer ni Master Andreau.”
“Ano? Payag ka na ba? Magta-transfer ka na? Kasi, pwede ka ng pumasok bukas kung gusto mo at ako na ang bahala sa mga papers mo.”
“Opo. Pumapayag na akong mag-aral sa Islang-bato Academy pero sa susunod na lunes na lang po ako papasok. Kailangan ko munang maghanda at ihanda ang sarili ko. Panibagong environment po kasi ang papasukin ko.”
“Sige. Sa lunes, papasok ka na.” At iyon nga ang desisyon ni Mika. Sisisid na nga siya sa dagat ng ginto at hindi na niya palalampasin ang mga opurtunidad na dumating sa buhay niya.
Samantala, naglalaro naman ng basketball ang FPour doon sa outdoor basketball court nina Black. Two versus Two. Pasaring-saring si Green dala-dala ang bola habang binabantayan siya ni Black ngunit hindi niya napansing nasa likod niya si Red at agad na naagaw ang bola mula sa kanya. Tumakbo si Red at agad ini-shoot ang bola. Patuloy lang sila sa paglalaro hanggang sa natalo sina Green at Blue. Pawis-pawis silang apat at isa-isang hinuhubad ang kanilang mga jersey, kitang-kita ang ganda ng kanilang mga katawan. Napaka-kinis nito, may mga 6-packs abs na kahit mga 16 years old pa lang. Pawis na pawis silang apat at kahit pinagpapawisan sila’y lutang na lutang pa din ang kagwapuhan. Kung may mga babae mang tumitingin sa kanila ngayon ay siguradong andun na sa hospital at ubos na ang dugo.
Uminom sila ng tubig na nasa bottle at hindi napigilan ni Black na iligo ang tubig at dumadaloy ito sa kanyang nakakatulong-laway na katawan hanggang sa kanyang jersey shorts. “Ang init, gusto ko ng maligo,” sabi ni Black.
“Bakit kaya hindi pa siya tumatawag?” tanong ni Red na naka-upo lang sa bench at basang-basa ang buhok dahil sa pawis.
“Sino ba ‘yan? First time yata ito na naghihintay ka sa isang tawag ah,” sabi ni Green.
“Iyong babaeng tumulong sa akin. O sige, kailangan ko ng umuwi ngayon at may dinner daw kuno kami ni Daddy at nong kapatid ko. Kailangan kong magpakatino ngayon dahil magpapabili ako ng bagong kotse. Ayaw ko ng gamitin ‘yong kotseng naarbor ko kay Daddy.”
“Ang malas mo kasi at sa kuya mo pala ‘yun,” wika ni Black sabay tawa.
Nag-drive na si Red sa kotse niya at nakasuot lang siya ng jersey ngayon at pawis na pawis. Mabilis niyang pinaandar ang kanyang kotse. Red light kaya napatigil siya at nasa tabi siya ng gilid ng kalsada at napansin ang isang estudyante na naglalakad. Tiningnan niya itong mabuti at ito ay si Mika. Napangiti si Red kaya nag-UTURN siya’t sinundan si Mika.
Itinigil niya ang kanyang sasakyan sa may unahan. Paglabas niya doon ay agad niyang hinarap si Mika. “Hi 7 wishes girl~” bati ni Red na nakangiti.
Gulat na gulat naman si Mika nang makita si Red na nakagwapo sa mga ngiti nito at napatigil siya sa kanyang paglalakad.
++++++++++++++++++++++++
I'm out of my mind while writing this. So, I'm sorry if it's not that good. It's just for my pastime but still I'm enjoying writing this.
This is kind of a parody, so you will find 'Boys Over Flowers' and 'The Inheritors' plot in here. LOL
BINABASA MO ANG
Boys Over Inheritors
Novela JuvenilA Parody/Sit-Com Novel tungkol sa mga lalaki sa ibabaw ng yaman.