CHAPTER TWO

16 1 0
                                    

Sa labas ng Islang-bato Company ay nakatayo doon sina Red na katabi niya si Mika. Sa likod nilang dalawa ang kotse ni Red at nakaharap silang dalawa kay Mr. Rodrigo Islang-bato, ang ama ni Red. Nakakunot ang noo nito habang tinitingnan ang dalawa. “Bakit mo ako pinatawag dito at sino ang babaeng ‘yan?” tanong ni Mr. Rodrigo.

“Pinukpuk niya ng bato ang bago kong kotse kaya ayan, sirang-sira na,” sabi ni Red sa kanyang Papa.

“Sinira o ikaw ang sumira niyan?” may pagkainis na tanong ni Mr. Rodrigo.

“Uhh~ sir, kami pong dalawa ang pumukpuk sa kotse niya,” sumbong ni Mika.

“Red!” sigaw ng Papa niyang galit. “Ano na naman ba ‘tong kalokohan mo? Huh?!”

Napakamot sa ulo si Red at huminga ng malalim. “Daddy, hindi ako pumukpuk sa kotse ko, itong babaeng ito. Dinala ko po siya para witness,” sabi ni Red.

“Hindi lang naman ako ang pumukpuk ah,” insist ni Mika na nakatingin kay Red.

Nalilito naman si Mr. Rodrigo sa pinagsasabi ng dalawa. “Ano bang totoo, huh?” tanong niyang galit na.

“Daddy, anak niyo po ako~ nagsasabi po ako ng totoo,” pilit pang pagsisinungaling ni Red.

“Sir~ pumukpuk din po siya,” pamimilit ni Mika. “Inutusan pa niya akong pukpukin ‘yan ng mabuti.”

“Dad, wala na akong paki-alam kung sino ang pinaniniwalaan mo, basta, ngayon, sira na ang kotse ko. I want something new,” sabi ni Red.

“And what do you want?”

“Your car,” sagot agad ni Red at ngumiti.

Halos kumikinang ang mga mata ni Red ng makita ang kotse ng kanyang Daddy na Maserati GRANCABRIO at hinimas-himas pa niya ito. “Whoaahh~ sa wakas, sa akin ka na din,” sabi ni Red. Agad siyang humarap kay Mika na nakangiti.

Nakakunot naman ang noo ni Mika habang nakatingin kay Red. “Oh, bakit?” tanong niyang mataray. Gulat na gulat na lamang si Mika nang yakapin siya ng mahigpit ni Red.

“Salamat talaga,” pasalamat nito. “Salamat talaga at dahil sa’yo ay nakuha ko itong kotse ni Papa. Napaka-cool nito.”

Lalo namang bumibilis ang tibok ng puso ni Mika sa biglaang pagyakap ni Red sa kanya. Hindi siya makagalaw, isang napaka-gwapo at napaka-hot na lalaki ay yumayakap sa kanya. Ilang sandali pa’y pinakawalan na ni Red si Mika sa kanyang mahigpit na pagkakayakap at nakahawak naman siya sa balikat nito. “Saan mo gustong pumunta ngayon? May gusto ka bang bilhin? O kainin?” tanong ni Red na nakangiti.

“Uhh?” ang nabanggit lang ni Mika dahil sa gulat niya.

“Ano?” nakahintay naman si Red sa isasagot ni Mika.

“Gu-gusto ko ng umuwi,” sabi niya.

May kinuha si Red na ballpen mula sa kanyang bulsa at agad na kinuha niya ang kamay ni Mika, ibinuka niya ang mga palad nito at isinulat doon ang kanyang Cellphone number na ikinagulat muli ni Mika. “Ayan, kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako. I’ll give you seven wishes. Kahit ano, gagawin ko at ibibigay ko.”

“Seven wishes?”

“Oo. Sige, diyan ka na.” At  dali-daling sumakay si Red sa kanyang bagong kotse at iniwan doon si Mika na nakatayo lang at nakatingin sa kanyang mga palad.

“Adik ba ang lalaking iyon?” tanong niya sa sarili. “At isa pa … bakit ganun siya kagwapo? Artista kaya siya? Pero, hindi naman familiar ang mukha niya ah.”

Doon sa tambayan ng FPour, sa isang bahay sa likod ng bahay ni Black. Maliit lang ito pero maganda ang design at nakaka-relax dahil sa made in wood lahat doon at may mga salamin din naman, katulad ng pintuan at bintana. Sa likuran nito ay isang napakagandang garden na may napakalinis na batis. Human made lahat ‘yun at talagang napakaganda. Marami ding mga paru-paro ang naroon at mga ibon na nagkakantahan.

Boys Over InheritorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon