Ivana's POV
"Hi baby Happy 5th Anniversary." Text ko kay james, panglima na naming anniversary ni James ngayon. Balak ko sana mag luto, ang kaso kinausap niya ako kahapon ang sabi niya wag na daw akong mag handa. Siguro balak niyang sa labas na lang kami kumain, siguro may surprise siya sa akin? Sa totoo lang ngayon lang ako hindi mag luluto, never kasi ako nadala ni Jake sa isang Resto. Okay lang naman sakin yun para tipid narin. Pero gusto ko rin matry yun. Yung tipong isusurprise ka niya.
"Bakit kaya hindi pa siya nagrereply." Hindi ako mapakali dahil kanina ko pa hinihintay na batiin nya ako. Pero bakit parang iba itong anniversary namin?
Pagkatapos kong mag-ayos ay nakarinig narin ako ng katok, baka si James na iyon. Tama nga ang hinala ko si James, pero kasama niya ang mga kaibigan niya, dalawang babae at isang lalake.
"James. Ngayon ka lang." Bungad na sambit ko na naguguluhan na tono. "Tuloy kayo." sambit ko kay James.
"Pre pasok muna tayo para naumpisahan narin natin" sambit ni James sa kanyang mga kaibigan.
Umpisahan? Umpisahan ang alin? Di ko alam pero bakit di maganda ang kutob ko sa kanilang uumpisahan. Ivana don't be too negative, maybe its just a surprise. Remember its your 5th anniversary. Maybe kakantahan nila ako? Isa sa talento ni James ay ang kumanta, oo siguro kakantahan nila ko.
Hindi ko pa nasasabi sa inyo bago maging kami ni james ay isa syang sikat na babaero nakasama ko si james noong na sa isa akong mission sa Taiwan. Isa sya sa pinaka mayaman na businessman kaya kilala talaga siya. Habang masa Taiwan ako noon niligawan nya ako pinakita niyang ako lang ang mag iisang babae sa kanya sa totoo lang ang hirap pagsabayin ang lovelife at ang trabaho pakiramdam ko kasi nag kulang ako sa kanya pero binibigay ko naman ang lahat ng oras ko pag natapos ang mission ko ay mag dedate kami para mabawi lang ang oras na hindi ko nailaan sa kanya. Tumagal din ang relasyon namin pero sa nakalipas na panahon nag bago na siya at iyon ang hindi ko nagugustahan.
"Ivana" napaligon naman ako sa kanya.
"Bakit anong problema may sasabihin ka ba?" Sagot ko rito pakiramdam ko kasi may sasabihin siyang importante.
"Ivana inabot tayo nang limang taon pero sa mga taon na iyon.."
Pinutol ko na ang sasabihin niya "ano ba iyon sabihin muna ? "para kase siyang natatae na ewan haha.
"Sa totoo lang hindi talaga kita minahal "
Pitong salita ang nag payanig nang mundo ko salitang ayokong matanggap sa kanya pero nag lakas loob parin akong mag tanong
"Kung ganoon bakit pinaabot mo pa nang limang taon?" Padiin na pag kakasabi ko sa kanya ramdam ang inis at galit ko sa kanya.
"Na challange ako sayo noon at napagpustahan ka namin noon dahil sikat ka noon at alam namin na wala ka pang boyfriend ay sinubukan namin na pahulugin ka sakin alam mo naman na isa akong babero natural na sa akin ang mang landi pero akala ko hindi ka bibigay pero isa karing tanga at dahil doon nadagdagan ang pusta nila maging girlfiend kita sa loob nang limang taon kapalit ng dalawang sasakyan at isang milyon. Nang tiis ako sa iyo kahit sukang suka na ako sa relasyon natin." Yan ang sinabi niya sa akin.
Ano pinagpustahan nila ako hindi ako mapakapaniwala pambihira!walang puso. Nang gigil na ako tumayo ako para pag buksan ang pinto para sabihing lumayas na siya dahil bwisit na bwisit na ako .
"Alam mo james lumayas ka na baka hindi kita matansya" sabi ko dito.
"Aalis na talaga ako para makuha ko na ang pera ko tapos narin ang pagtitiis ko sa iyo." Sabi niya sakin pero bago siya makalayo hinabol ko siya hindi pa man siya nakakalalayo.
BINABASA MO ANG
Love Detective
RomanceNagmula sa pagiging pulis ang pamilya ni Ivana, sikat na detective ang lolo niya at naipana iyon sa kanya. Ngunit nawala ang pagiging detective niya nang maghiwalay sila ng kanyang boyfriend. Pero di doon nagtatapos ang kwento ni Ivana, sa kanyang p...