Adelaide's Point Of View
Nagising ako bigla sa pag buhos saakin ni Noelle ng malamig na tubig na may yelo.
"Sleeping Frog! Wake up!" Sigaw niya habang ako naman tong si nagulat ay biglang nahulog sa kama dahil sa gulat. "Work your butt out there and move! Its already 10 in the morning and you're still on your bed?! For God's sake Adelaide! I should be the one sleeping at this hour but mommy told me to wake you up and looky whose here! My beauty sleep is ruined! And its all because of you! Damn you!" Pagmumura niya at inihagis yung timba sa harapan ko.
Dami nga niyang sinabi, hindi ko naman naintindihan, sayang lang laway niya. Tungkol sa laway, pinunasan ko yung pisngi ko at inamoy ito at naramdaman ko naman ang titig niya kaya tumingin ako sa kanya.
"You're disgusting. Huh?" Nandidiring tanong niya. Ano bang lengwahe yun? Hindi ko talaga alam eh.
Tinignan ko lang siya ng nagtatakang mukha.
"Uh--" Magsasalita sana ako pero hindi niya ako pinatapos.
"Tumayo ka nalang jan at mag-ayos okay?! Hay, papanget lang ako pag ganito. " Sabi niya tsaka niya minasahe yung makabilang gilid ni noo niya.
"Anong sabi mo? Papangit ka? E dati naman e. Hahaha!" Napawak ako sa tyan ko dahil sa lakas ng pagtawa ko.
"Anong sabi mo?! Hindi ako panget! Baka ikaw!" Sigaw niya at yun nga nakatikim na naman ako ng sabunot sa kanya.
"J-joke lang n-naman!" Pagkakasabi ko ng mga katagang yun agad naman niyang binitawan yung buhok ko. Kulot nangalang buhok ko guguluhin pa niya? Nasan ang hustisya!?
Napahawak nalang ako sa ulo ko kasi masakit e, sa tuwing sinabunutan niya ako parang palakas ng palakas yung pwersa niya ng pag hila. Para siyang amazona.
"Kanina mo pa sana sinabi para hindi nahawakan ng magandang kamay ko yang panget mong buhok!"
Kelan pa nagkaroon ng hitsura ang kamay at buhok? Tsk.
"Palibhasa kamay mo lang maganda eh." Hindi ko namalayan na nasabi ko pala yun kaya tinignan na naman niya ako ng mga nakakatusok na mata. "Ah-ang ibig kong sabihin kasing ganda mo yung kamay mo! Oo yun ang ibig kong sabihin! Oo!"Iniripan nalang niya ako at naglakad palabas ng pinto ang ibinalibag ang pagsara nito.
Tsk. Hindi manlang naawa sa pintuan kong naanay na.
Tumayo nalang ako at kumuha ng panty, at bra sa isang malaking kahon sa ibaba ng kama.
Sa kahon na ito nakapaloob ang mga panty, bra, mga damit, at mga laruan kong barbie na iniregalo ni Daddy sa tuwing kaarawan ko. May 30 ang kaarawan ko pero sa tuwing papatak sa araw na yun dun ko lang alam na kaarawan ko. Hindi ko kasi alam... Magbasa.
Mag-aaral na sana ako noong 4 years old ako pero nahuli ako noon ni Noelle na nakikipag usap kay Dagsy at sinabi kay Daddy na baliw daw ako. Pagkatapos no'n. Ipinunta nila ako sa isang gusaling puro puti ang nakapalibot na kulay. Sinuri nila ako at tinanong kung totoo ba yung sinabi ni Noelle kinakausap ko si Dagsy, ang sabi ko naman oo. E totoo naman e. Pinaniwalaan naman ako ni Daddy pero sabi niya hindi raw normal yun. E sa naiintindihan ko yung mga daga?! At diba o! Tignan niyo nga rin yung magaling kong ama kinampihan yung mga panget na yun! Pero hindi naman kasalanan ni Daddy, kasalanan ng madrasta ko, e sa inakit at lininlang neto ang Daddy ko. Tsk. Nakakanis.
BINABASA MO ANG
That Ignorant Girl
Novela JuvenilOnce upon a time there was a girl named Adelaide. She is rich. Oo rich. Hindi poor hindi mahirap. Rich. But she is illiterate, benighted, uneducated and ignorant. Oo. Hindi siya edukado. Mayaman siya pero pinagkait sakanya ang pagkakataong malagyan...