Adelaide's Point Of View
6 years ago"Bakit ampangit mo, ha?" Tanong ko kay Noelle habang tinuturo turo siya sa kabilang parte ng mahaba naming hapag kainan.
Nakita ko naman na naiinis siya sa sinabi ko dahil namumula na ito sa galit. Hindi niya ako kayang sungbatan dahil meron ngayon ang Daddy ko sa tabi ko.
"Elai, hindi ka tinuruan ni Tita Rosalie ng ganyan diba?" Suway saakin ni Daddy, habang tumingin saglit kay Saling, si Rosalie.
Kung alam mo lang ang tituro niya sakin. Puro sampal, tulak, at mga masasamang salita, at oo nga pala tinuruan niya akong maging plastik. Hay, naku. Langyang Saling na yan. Kung pwede ko lang siyang isumbong kay Daddy eber gwapo, matagal na siyang napalawayas dito sa aking mansion. Chos.
"Honey, kung alam mo lang. Ang hirap nyang turuan! Puro kabobohan ang alam, jusko. Hindi na ako nagtaka kung kanino pa yan nagmana." Sabi ni Saling habang hinihiwa ang makapal at patag na karne.
Aba bwisit tong Saling nato, mahirap daw akong turuan? Kung subuan ko kaya siya ng nginunguya kong karne? Medyo inuubo pa pala ako ngayon, kung dagdagan ko kaya ng unting plema, para may playburing? Maalat- alat? Kulay berde? O diba, ansarap?
Napatingin ako kay Daddy ng bigla nyang idinabog ang kamay niya sa lamesa.
"Don't ever say rude things about my 'wife'." Diniinan niya ang pagkakasabi niya ng 'wayp'.
Napatigil naman sa paghiwa ang Saling na yun.
"Your wife? Isn't that me?" Taas kilay nyang sabi.
"You're not even half to that." Tumayo naman si Daddy.
"But--"
"Those are only papers, not my feelings."
Hindi ko sila maintindihan pero masaya ako ngayon sa nakikita ko. Sana palaging ganito, palagi silang nag-aaway. Para olways hapi ako. Bwahaha.
"Elai, tapos ka na bang kumain?" Tanong saakin ni Daddy na may lambing, hindi tulad kay Saling na may halong galit.
Binitawan ko ang kutsara't tinidor tsaka tumayo. "Opo Daddy!"
Hinawakan ni Daddy ang maliit kong kamay gamit ang higanteng kanya. Matangkad si Daddy, hanggang bewang lang nga niya ako eh.
Nang maglakad na kami ni Daddy, liningon ko ang dalawang salot sa buhay ko at ngitian, yung plastik. Yung tinuro saakin ni Saling?
"San tayo pupunta Daddy?" Tanong ko habang naglalakad kami pataas ng hagdan.
"Sa balconahe, pero bago tayo pumunta don, magsusuot ka muna ng favorite hoody mo, ha? Malamig sa balconahe kaya dapat magsuot ka nun ha?"
Tumingin ako sa baba nung sinabi niya yun.
Pumasok muna kami saglit sa kuwarto ko at isinuot saakin ni Daddy ang hood kong kulay pink.
Nang makarating kami sa balkonahe, umupo kami ni Daddy sa gitnang upuan at kinandong niya ako.
"Daddy, bakit parang tinatago niyo ako?" Tanong ko kay Daddy.
Tanaw mula rito ang mga bahay ng mga kapit bahay namin.
Hindi ko alam kung bakit pero pinasuot ako ni Daddy ng jaket na may hood pati pag lumalabas kami palaging akong nakasuot ng hood at may mask na nakatakip ang mukha ko. Parang tinatago ako ni Daddy.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at hinarap niya ako sakanya.
"P-noprotektahan lang kita, anak. Sana maintindihan mo ang Daddy ha?" sagot niya tsaka niya inayos ang hood ko.
"Pero bakit parang iyon ang nararamdaman ko? Na tinatago niyo po ako?" kunot noo kong tanong.
Nginitian lang ako ni Daddy pero hindi ngiting masaya ang nakita ko. Malungkot ito.
Hinawakan ko ang pisngi ni Daddy at hinawakan naman niya ito.
"Dunt bi sad Daddy." Sabi ko, mas lumawak naman ang ngiti niya at hindi na iyon malungkot.
Yinakap niya ako.
"Daddy is not sad, he's just thinking too many things that his head couldn't bear." sabi niya habang hinahaplos ang likod ko.
"Ano yun?"
"Ah, I mean ang ganda mo anak. Kamukha mo si Mommy mo. Hehe."
Kumunot naman ang noo ko sa sagot niya. Parang hindi naman yun ang ibig sabihin. Na-bagot na akong tanungin pa si Daddy kasi bumibigat na ang mga talukap ng mata ko at napasinghap ako. Ibinaon ko naman ang ulo ko sa dibdib ni Daddy.
"Antok ka na ba, Elai?" Tanong ni Daddy.
Tumango ako tsaka suminghap ulit.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Habang natutulog ako biglang may maliwanag na ilaw akong nakita. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero sa labis na kaantukan, hindi ko kaya.
Naaala ko yung araw na hindi naniwala saakin si Daddy.
"Daddy, bakit ayaw mong maniwala?" Tanong ko habang nasa sulok ng naagnas na aparador.
Dumiretso si Daddy sa ibang bansa pagkatapos na pagkatapos ng pag susuri nila saakin sa isang gusaling puro puting bagay ang nakapalibot rito.
"Daddy..." Gusto kong umiyak dahil sa ginawa ni Daddy kanina.
Hindi raw normal sa isang katulad kong makipag-usap sa isang itim na bubwit na may mahabang buntot.
At kinampihan pa niya ang dalawang bisugo.
Hindi naman ako baliw, pero bakit ganun? Mas pinili ni Daddy na mas maniwala sa mga taong hindi naman kapanipaniwala? Anak niya ako, pero hindi ako ang pinaniwalaan niya.
Pagka-alis na pagka-alis ni Daddy kanina ng bahay, bigla nalang ako hinila ni Saling at Noelle pababa sa basement at sinipa ni Noelle ang pinto tsaka nila ako tinulak at iniwan na naka dapa sa maalikabok na sahig.
"Daddy..."
Biglang lumabo ang paningin ko dahil sa namumuong luha. Kumati rin ang ilong ko ng dahilan ng pagsinglot ko.
Napatingala ako para pigilan ang luhang nagpupumilit na lumabas sa mata ko.
"Daddy..."
Nang hindi ko na kayang pigilan bigla nalang umagos ang mga luha ko.
Ang hirap, ang hirap talaga. Ang sakit din.
Pero hindi niya kasalanan iyon kasalanan ng madrasta kong Saling na yon at ang bisugo nyang anak na si Noelle.
Walang kasalanan ni Daddy, Adelaide.
Nang naipikit ko ang mga mata ko. Bigla ko rin ito naimulat dahil naramdaman kong parang may bumuhat saakin.
Isang mukha ng lalake.
Ang gwapo.
Parang isang...
"Prince Charming..."
Bago ko maisara ang mata ko, nakita ko siyang ngumiti.
Ngiting tumatak sa isip ko.
BINABASA MO ANG
That Ignorant Girl
Ficção AdolescenteOnce upon a time there was a girl named Adelaide. She is rich. Oo rich. Hindi poor hindi mahirap. Rich. But she is illiterate, benighted, uneducated and ignorant. Oo. Hindi siya edukado. Mayaman siya pero pinagkait sakanya ang pagkakataong malagyan...