Chapter Three: Prince Charming ( Part I )

76 12 3
                                    

Third Person's Point Of View


"Bwiset naman oh! Walang signal!" Sigaw ng lalakeng nagmamaneho habang naiinip na mai-send ang mensahe nito sa kanyang ex-girlfriend.

Naglayas siya sa kanilang bahay dahil sa naki-pagbreak ang kanyang nobya na walang alam kundi perahan siya. Tanga kung masabi ang lalakeng to nagpakabaliw sa babaeng walang kwenta.

Ano ba ang meron sa babaeng yun? Tanong niya sa kanyang sarili.

Habang siya'y nagmamaneho, napansin niyang malalim na ang gabi at tanging ilaw nalang ng buwan at ng kanyang kotse ang nagsisilbing liwanag sa bako-bakong kalye.

Inulit niya ulit ang pag-send ng message sa babae ngunit 'message not sent' ang palaging nagpapakita sa kanyang screen ng cellphone.

Nag-mura siya't hinagis sa likod ang kanyang cellphone sa inis.

Minahal niya ng sobra ang babae pero ang sinukli nito sa kanya ay sakit at puot sa kanyang puso.

"Mahirap ba akong mahalin?" Tinanong niya ang kanyang sarili habang nakatingin sa kalsada.

Laking gulat nalang niya ng may babaeng nakahiga sa gitna ng kalsada na nakadapa.

Hindi niya alam pero agad siyang nakaramdam ng kaba, hindi dahil naaawa siya sa babae kundi baka patay na ito at mapagkamalan na siya ang pumaslang rito. O diba, grabe ng imahinasyon ng lalakeng to?

Mangingilan-ngilan lang ang taong dumadaan dito dahil pinaniniwalaan na may engkanto rito.

"Shit."

Itinigil niya ang kotse niya at lumabas sa kotse nito para matignan ng maayos ang babae.

Hindi siya lumapit rito at tanging sa labas ng kotse lang niya ito pinagmasdan. Takot kasi siya.

Naka damit ito mamahalin na off shoulder sunday dress at naka white stiletto. Makinis ang balat ng dalaga at mala porselana ang kutis nito.

Hindi niya makita ang mukha nito kasi nakaharap sa kabilang direksyon ang ulo niya.

Sa likod palang niya nahuhumaling na ang lalake pero agad naman siyang napa-iling at inisip niyang mas maganda sa kanya ang gaga niyang nobya. Na mas makinis ang balat nito sa kanya, kahit hindi, na mas lamang siya sa kagandahan kesa sa babaeng nakahalindusay ,kahit ang katotohanan ay wala pa sa kalahati ang ganda nito sa babae.

Pero napatigil siya sa pag-iisip ng bahagyang gumalaw ang babae.

She's still alive. Sabi ng kanyang utak.

Bobo. Gumalaw nga diba? Edi buhay.

"Nnn." Ibinaling ang mukha ng dalaga sa kabilang direksyon. Natatakpan ng ilang hibla ng buhok ang kanyang mukha.

Lalapitan na sana ng lalake ang dalaga ng magsalita ito.

"Bakit ampanget mo, ha?" sabi ng babae habang iginagalaw ang kamay niya at saktong siya ang tinuturo nito.

Napakunot ng noo tong lalake.

Siya ba ang tinutukoy nito? Bakit siya nito sinasabihan ng panget? Pero impossible naman kung siya dahil hindi pa naman naiimumulat ng babae ang kanyang mga mata para sabihan ng panget ang binata.

Nagdadalawang isip siya kung lalapitan ba niya ang babae o kung iwan nalang ito at ipagpatuloy ang pag-e-mote niya at bumimyahe para ituloy ang paglakbay niya papunta sa lugar na hindi niya alam kung saan.

Pero naisip niya, pag iniwan nya ang babae baka masagasahan siya at tuluyang mamatay. Kung inuwi naman niya, hindi siya mamatay pero pagnagkataon na bumisita ang dati niyang nobya baka magselos ito at sasabihin na nakapagmove on na siya dahil nag-uwi siya ng babae.

That Ignorant GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon