Chapter 1

223 26 37
                                    

ALIYAH'S PoV

"Aliyah!" Lumingon ako sa
tumawag sakin.

"Oh? Jessy!" Nakipag beso na agad siya sakin at nakisabay nang mag lakad papunta sa Cafetria.

"Uhm, sama ka maya?" Tanong sakin netong si Jessy. Papunta na kami sa table habang dala dala yung tray nmin.

"Saan nanaman?"

"Ahhh, may party daw mamaya sa Club Phoe eh. Kasama sila Jojo. Sama tayo?" Excited na sabi niya. Party nanaman? Hayz. Ano bang bago? Jessy pa ba? Papahuli? Tsk.

"Seriously Jessy? Dika ba napagod? Kakatapos lang ng Exam natin ahh." Sabi ko naman. Bumusangot naman siya.

"What? Eh ayun na nga ang pahinga ko." Saka siya uminon ng Iced Tea.

"Bahala na kapag nasa mood na ako." I smirked.

*****

Last subject ko na ngayon at Dismissal na. YES! TAPOS NA ANG Exam namin. HELL WEEK kung tawagin.

"Heyyyy! Sabay na tayo!" Si Jessy. Eto nanaman tayo. Hayz napaka ingay talaga neto kahit kailan. Tsk.

Nilapitan niya ako at inakbayan. "Ang bigat ng braso mo!" Sabi ko. Kaya tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.

Tumawa siya. "Aba si ateng may dalaw!"

"Ewan ko sayo!" Na bebeastmode ako. Sobrang hyper nanaman niya.

"Ano ba naman yan ang sungit mo! Excited lang naman ako sa party mamaya eh." Sabi niya. Diko nalang siya sinagot at dumiretso nalang kami sa parking lot ng school.

Nilapitan ko ang driver namin at sinabing mauna na sa bahay. Nakapag text na ako kay mommy na may pupuntahan kaming party. As Usual. Syempre pumayag. Ok lang naman kila mommy dahil may tiwala naman siya sa akin. Pati naring alam niyang kasama ko si Jessy.

"Mang Kadoy! Nasabi ko na po kay mommy na may pupuntahan kami ng mga kaibigan ko." Ngumiti ako at pag katapos nun ay umalis na siya.

Sumakay na kami sa kotse nila papunta sa kanilang bahay.Para makapag hanap ng susuotin. Papahiramin daw niya ako ng damit.

Kasi naman may theme pa raw ang party na iyon. Black Angels. Duh? Hindi naman ako mahilig sa mga costume na ganyan. Etong si Jessy ang mahilig dahil nakapag dadala ang mommy niya galing Japan ng kung ano anong damit.

******

Pag dating namin sa bahay nila ay dumiretso kami sa Kwarto niya. Sumalampak ako agad sa kama niya habang siya naman ay may hinahalungkat sa Cabinet. Tumayo ako at pinanood.

"Asan si si Tita Lorii?" Tanong ko nung maalala kong wala si tita kaninang pag pasok namin ng bahay.

"Nasa work. Busy" Sagot naman niya. Tumango ako.

Si Jessy ay bestfriend ko na since 1st year. Hanggang ngayong College na kami.

Ilang sandali ay nahanap na niya sa mga batalyong damit niya ang dapat naming suotin.

"Tadaaaaa!" Masaya niyang sambit sa harap ko at pinakita ang dalawang costume.

"NO WAY JESSY! AYOKO NIYAN!" Sabi ko nang nag sink in sakin kung ano ang susuotin ko, namin.

Tumawa siya. "Ano ka ba! Ang ganda nga oh! Bagay para sa theme. Babagay yan satin promise!" Sabi ni Jessy na akala mo ay siguradong sigurado talaga siya.

"Sukatin nga natin!" Sabi ko at sinukat na nga namin.

Ito ay Black dress na nakahapit sa taas ng tuhod. Maikli. Round sleeveles. At mayroong parang maisusuot na choker.

Kalaunan ay pumayag narin ako dahil maganda ang design at bagay nga talaga samin.

Tumawa ako "Wow Jessy ah! Kambal ang peg? Parehas na parehas tayo!" Sabi ko habang chinecheck namin ang sarili sa salamin. Parehas ang design namin at halos mag ka size naman talaga.

"Sabi ko naman sayo eh!"

Nag ayos na kami ng sarili nang nakatanggap kami ng text galing kay Jojo na naghahanda narin sila.

"Ayan! Perfect!" Sabi niya sakin nang natapos akong minake up-an.

Siya ang nag nake up sakin at ako naman ang memake up sakanya. Goals!

"Sobrang Excited naman natin! May dalawang oras pa tayo!" Sabi ko.

Ang usapan ay 11:00 mag sisimula ang party ng isa naming kaibigan. At 9:00 pa lamang ay nakapag ayos na kami.

Umaliwalas ang mukha ni Jessy at tila. may Bulb na sumulpot sa utak niya.

"Alam ko na!" Ngumisi siya at hinila na ako pababa at nagpahatid na kami sa Driver papunta ng Phoe.

*******

"Naku Aliyah! Lapitan mo na, wag kang tumunganga diyan." Sabi ni Jessy

Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip namin ni Jessy. May dare kami, kung sino may mabingwit, 5k agad.

Umalingawngaw na ang ingay dito sa bar, habang palapit ako sa isang problemadong lalake na umiinom na mag isa sa sofa.

Umupo ako sa tabi ng lalaki. Tinignan ko siya, magulo ang buhok niya. Hindi niya pinansin kaya umubo ako. Lumingon naman siya at bumaling rin naman agad sa bote ng alak niya.

"Ehem! Excuse me sir, ako nga pala si Aliyah." Naglahad ako ng kamay pero di niya iyon pinansin. Huh? Suplado! Mas maganda ba yung bote kaysa sakin?

Sheeezz! Kapag di ako nag click ngayong gabi, mawawalan ako ng 5k huhu!

Tumingin tingin ako sa paligid, andami ng tao. At mas lalo nang umiingay dito sa bar. Napag desisyonan ko na humanap nalang ibang target.

Pumunta ako sa dance floor. Sumiksik nalang ako sa mga sumasayaw na tao. Sumayaw na rin ako at may lumapit pa saking lalaki para isayaw ako. Gora na, chance na'to.

Diniin pa lalo ng lalaki yung katawan niya sakin kaya nagulat ako at napaatras. Di natinag yung lalaki at lalo pa akong diniin sakanya.

Biglang may humablot sakin palabas ng bar. Nabigla ako pati narin nung kasama kong sumasayaw. Sumama naman ang katawan ko palabas kaya wala na akong nagawa.

Andito kami sa parking lot. Nang huminto kami nakilala ko yung humablot sakin dahil sa magulo niyang buhok at sa black na ledder jacket niya. Omg!

"Heeyy!" Sabi ko. Binitawan naman niya agad ang kamay ko. Humarap siya sakin at nakita ko ang maganda niyang mukha at iritadong nakatingin sakin ang mata niya.

"What the fuck? Aliyah! Anong ginagawa mo at bakit ka nakikipag sayaw sa lalaking yun, huh?" Nabigla ako sa pagkasabi niya ng pangalan ko. Naalala ko pala nag pakilala ako kanina sakanya.

"Ano bang pake mo? Eh hindi mo nga ako pinansin kanina! Nakikipag kaibigan lang naman ako!" Sabat ko. Kumunot ang noo niya at narealize ko kung ano yung sinabi ko. WHAT?

Unexpected Love [Edited] (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon