-Avery-
Hang out... Hang out... Hang out... Hindi naman siguro nabagok ang ulo niya no o nagkaroon ng retrograde amnesia. Sinuntok niya pa ako, sakit kaya nun. At isa pa, kapatid niya pala yung cheap na babaeng yun, hahaha kaya pala parehas sila...Mga puta! Pwe!
Sumugod si Adolf papunta sakin tsaka tinaas ang chin ko para tingnan ang ginawa ng gagong yun. Napa-aray naman ako kasi medyo malakas eh. "What else did he do?" Tanong niya. I shook my head. Sinabihan ko nalang siya na umalis na kami at tumungo sa classroom namin. Pagpasok namin para lang kaming hangin ni Adolf, umupo ako kaagad sa silya ko tsaka natulog.
Worthless piece of shit.
Fag.
You suck.
Cocksucker.
Idiot.
You're way too feminine. You sure you're a boy?
Hang out.
Hang out.
Hang out.
"SHUT THE FUCK UP!"
Pagmulat ko, nakatingin silang lahat sa akin. Kahit nagtawanan man lang wala. They were just staring at me. Pati Physics teacher namin nakatunganga lang din. After a long time of dead silence, my teacher snapped.
"Mr. Sullivan, you should really find another way to blow off steam. Not in my class, okay? Because, I do not consider profanity in this room. You may get out."
Wala na akong nagawa kaya dinampot ko ang bag ko tsaka lumabas. It's not like I have a choice, I need to cool off a little bit. Masyadong nakakainis na kasi ang mga nangyayari ngayon. Palakad-lakad ang ako sa hallway ng makita ko na naman nag-iisang letse sa buhay ko.
Wag mong tingnan, wag mong tingnan, umiwas ka, heads down, heads down
"Psst."
Wala akong narinig, hangin lang yun, hangin
"Bingi ka ba?"
Huminto ako sa paglakad pero nakatalikod parin ako sa kanya. Dinig na dinig ko bawat hakbang niya kaya halos maging semento na ako dito. Bigla na lang nawala ang ingay at may nararamdaman na naman ako sa may leeg ko. Mainit na hangin. Sobrang init. Tumutulo na ang pawis ko sa nerbyos.
"Sabi ko, bingi ka ba?"
His deep sexy voice is intoxicating. Hindi pa rin ako umimik dahil baka may gawin siya sa akin kapag may ginawa na naman ako. He bit my ear and I let out a small moan. What the hell? Natauhan na ako ng bigla niyang itong dinilaan. Tinulak ko siya at hinawakan ang namumula kong tenga.
"A-ano bang problema mo?"
Sinuot niya yung earphones niya tsaka iniwan niya ako sa ere. Fuck. Avrey, don't you dare let that man control you. Understood? Pagkalipas ng ilang oras, nagsi-uwian na sila. Great. Isang araw din ang sinayang ko. Hinintay ko nalang si Adolf na lumabas ng room. At, yun na nga iniluwa ng room namin si Adolf Hitler.
"San ka nagpunta?"
Tanong niya. Kinuha ko yung bag ko sa kanya tsaka inayos ang uniform ko. "Dyan lang." Hinatid niya ako sa parking lot ng mga bisekleta, sa totoo lang, ako lang ang nagbibisekleta dito kasi parking lot ito ng mga motor. Sad life. Umuwi na ako kaagad kasi may pasa ako, tapos tatanungin ako ni mama, tapos isusumbong niya ako kay papa, tapos magagalit si papa, tapos aatakihin si papa tapos magagalit si mama at sisihin niya ako tapos wala akong baon. So, uuwi ako ng maaga, magiging mabait na bata ako para walang mapansin si mama.
"Ma, andito na po ako. May dala po akong tinapay."
Tumigil si mama sa paglalaba tsaka kinuha niya sa akin ang tinapay tsaka nagmano ako. Wala nga siyang napansin. Pumasok na ako kaagad sa bahay at nagmano kay papa tsaka dumiretso na sa kwarto ko para magbihis. Laking gulat ko nalang na wala na halos lahat ng brief ko wala na yung bagong bili pa.
"Ma? Nakita niyo po ba ang---Ma! Ano pong ginagawa niyo?"
"Ano? Nagtanong ka pa? Binubuhusan ko ng gasolina. May angal ka? Lakas ng loob mo na umuwi dito na wala kang pinag-aralan ha?!"
Binuhusan niya ulit n gasolina ang mga brief ko ng hawakan ko ang kamay niya para tumigil siya. Kinuha ko ang gasolina sa kanya tsaka maingat na inilayo sa kanya. "Ma, let me explain." Kinurot niya tiyan ko and I swear halos napunit ang tiyan ko.
"Explain, Explain! Iinglesin mo pa ako?! Pinalaki kita ng maayos, Avrey! Gipa-iskwela taka niya dayun dili nimo hatagan ug importansya? Pagka abosado gud nimo! Si kinsa man ka?!" *Pinaaral kita tapos hindi mo papahalagahan? Napaka-abosado mo naman! Bakit, sino ka ba ha?!
Halos ma-bingi ako sa sermon ni mama. Bwesit kasi yung gagong yun, kapag hindi ako nakapag-pigil, may ililibing talaga sa sementeryo. Niyakap ko si mama ng mahigpit para mapatawad niya ako. "Ma, sorry na. Hindi naman ako nag-cutting eh. Sadyang, pinaalis lang talaga ako ng guro namin kasi sabi niya hindi daw ako nakikinig pero Ma, promise. Nakinig talaga ako. Hindi lang niya talaga napansin."
Hindi pinansin ni mama ang excuse ko, kumawala lang siya sa yakap ko tsaka pumasok ng bahay. Nilabhan ko na lang yung nilalabhan ni mama na hindi natapos dahil sa kabulastugan ko. Pagkatapos kong isampay ang mga nilabhan ko, tiningnan ko yung kawawang mga brief ko. Bakit kayo pa? Ang bago bago niyo pa. Tinapon ko nalang ito sa garbage can kasi kahit labhan ko man ito ng todo-todo at isampay ko sa pinakamainit na lugar dito sa luzon pag natapunan ito ng apoy, masusunog pa rin. Saklap naman.
Pagpasok ko sa bahay, nakaupo lang si mama nanunuod ng tv. Umupo ako sa gilid niya at hindi ako umimik. Nahihiya kasi ako sa nagawa kong kasalanan. Yung brief na nilagyan niya ng gasolina, deserve ko yun. "Ma, sorry na po. Hindi ko na po talaga uulitin, promise. Pinapahalagahan ko naman po talaga ang pag-aaral ko lalo na alam ko na naghihirap kayo araw-araw para lang matustusan ang pangangailangan namin ni papa. Sorry na ma."
Niyakap ko siya ng mahigpit tapos ayun napatawad niya ako. Salamat naman. Ayoko ko kasing maging awkward kami ni mama sa isa't-isa. "Ma, sino po palang nagsabi sa inyo tungkol sa yung ano po."
"Si Sean, pinsan mo. Bukas nga pala, doon ka muna sa Tita Ailani mo. May lalakarin kasi kami ng papa mo. Kailangan niya ng magpacheck-up. Hindi kita maiwan-iwan dito sa bahay kasi baka may gagawin ka na namang kalokohan."
Tita Ailani? Mama ni Sean? Si Sean na pinsan ko na sarap patayin? Si Sean na nagsumbong kay Mama? Talaga? Walang joke halo? Sige, ok lang. Kasi bukas na bukas may gagawin talaga akong hindi magugustuhan ni mama. Ok lang~
Pumunta ako sa kwarto matapos naming kumain tsaka kinuha yung Cherry Mobile Spin 3G na nabili ko sa presyong 700 lang, may lalaki kasi kumatok sa bahay namin para ibenta ito sa murang presyo eh dapat 999 ito kaya binili ko nalang.
To: Pesteng Sean
See you tomorrow bro :)
--
Leave your comments below.
Don't forget to vote and follow.
Thank You.

BINABASA MO ANG
PHEROMONES
Teen FictionAvery Jesse Sullivan is just an ordinary person except for the fact that every single day, he's being chased by perverts and that's because of his stupid pheromones. Pero, hindi naman lahat baliw sa kanya dahil meron naman talagang iba na wala lang...