H

28 4 4
                                    


Pagkatapos nung araw na 'yon Isang sem  na nakalipas hindi mo na ako pinansin, isang araw lang pala yung available ng isang katulad ko sayo - dapat pala sinulit ko na . . Sayang.


Ngayon nasa isang class tayo, nasa harap ka kaya naman nakatingin ako sayo - math class to at sinwerte ako na kaklase kita. Nung nalaman ko yun gusto ko mag paparty sa sobrang saya, Kaso ano nga ba pinagpaparty ko isang Stranger na hindi ako kilala?


Bumalik ako ng tingin kay Prof tsaka siya nag sulat nung isang napakahirap na problem , mas mahirap ata sa problem ko na mapasuyo tong kinahuhumalingan ko ngayon


Tinanong pa ni prof kung sino pwede makasagot , walang sumagot sa buong klase lahat walang imik - nakita pa nga kitang nag sosound trip lang sa Mp3 mo habang naka earphone - normal you. 


Minsan naiisip ko kung naalala mo ako , pero parang hindi mo nga naalala na may nakasabay ka palang nag lunch last sem , hindi mo nga ata naalala na may tinulungan ka sa paghulog ng panyo niya last sem o kaya naman na may lalakeng pinahinto ka manigarilyo last sem


Parang hindi mo nga ako kilala eh


'You, ms. . . Am who are you again?" napatingin ako sa tinanong ni prof, medyo matanda na siguro kaya hindi naalala pangalan mo- napakaganda pa naman ng pangalan para kalimutan , samantala ako nung narinig ko yun nung unang sem natin dito sa 3rd year college natandaan ko agad.


"nevermind." tinangal mo yung earphone mo tsaka binaba Mp3 mo tumayo ka tsaka naman tumingin saakin- nagulat ako sa tingin mong kakaiba, naalala mo ba ako? "Kung masasagot ko ba yan" tumuro ka saakin na mas kinagulat ko, gusto ko mahimatay kasi hindi ko alam susunod mong sasabihin 'magda-date kami nun?' gusto ko ngumiti, pigilan yung ngiti ko mula sa loob- kaya naman napakita ko sa labas ay yung takang takang muka ko nakatingin saiyo.


totoo ba tong naririnig ko?


'Deal' hindi sumagot yung prof natin sa tanong mo , maski ako wala akong masagot sa tanong mo pero ayoko muna ma excite - baka after nito malaman ko napagtitripan mo lang ako. 


Ilang minuto nasagutan mo nga yung napakahirap na equation na 'yon namangha ako pero bago pa makasalita si prof bigla kang humarap saakin 'Paano ba yan ? Date tayo mamaya?' 


Mas hindi ako nakapagsalita, shit. totoo ba tong nangyayaring to?


Mahal na nga ba ako ng Mahal ko?


***


A/N: Next chapters will be publish after a while.



Mahal mo, Mahal ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon