A

28 5 6
                                    

Pero mas na disappoint ata ako nung highest expectation na naramdaman ko kanina , after nung class hindi mo na ulit ako kilala - nag hi ako sayo pero hindi mo man lang ako pinansin, napagtripan nanaman ata ako ng kagaya mo, pero ano magaawa ko mahal na kita

Isang buwan ulit yung nakalipas wala nanaman ako sa utak mo, naiisip mo nga lang ata ako kung gusto mo may mapagtripan eh. 


After days normal na ulit araw ko , Gigising, maliligo , Kakain , Magbibihis tsaka sasakay sa LRT na napaka siksikan habang iniisip ka, naiisip ko din minsan kung naisip mo din kaya ako nung mga araw na 'to? Pero sino nga ba ako para isipin mo.


Sino nga ba ako, isang nobody lang naman ako


nakadating ako sa sik sikan na LRT dito , sa sobrang siksikan kailangan ko ulit maghintay ng bagong tren bago makapasok after ilang minuto may tren na ulit kailangan na mag sakripisyo ng buhay para makapasok 'excuse me po' tipo na kahit isang buntis hindi man lang pinatawad ng mga babae, lalake o kahit ano paman yan- edukado o hindi - adik o hindi.


Lahat walang pinapalampas basta makalusot sa LRT na 'to.


.


Pagkalabas ko muka na ata akong pandigma kaya naman nagtuloy tuloy nalanga ko may lalakarin pa ako na aabot ng 15 minutes bago dumating sa school pero bago pa ako makatuloy sa paglakad biglang may bumusina sa likod ko , nagulat ako na nakita kita- nagulat ako nung nakita kitang nakatingin sa bintana ng kotse mong naka baba yung bintana sa front seat


'You're Dean right?' tumango ako . hindi lumalabas dila ko - pakshet . pero isa pang thankful ako na nakilala mo padin ako , nagulat ako kasi naalala mo pangalan ko . Kasi kahit paano naalala mo ako? 'Nakita ko lang sa I.D mo' ay sino nga ba akong tanga para paniwalain sarili na kilala mo ako, oo nga pala may I.d ako dito. Bwiset.


'sabay ka na?' ngumiti ka saakin hindi ko alam sasabihin ko nun kung magiging masaya ba ako na pinapasakay mo ako o magpapapride at hindi sasabay sa isang babaeng mahal ko na hanggang ngayon tingin ko naawa lang saakin


pero traydor ang paa ko at lumapit sa kotse mo tsaka sumakay sa likod- ayoko kita katabi, nahihiya ako sayo . Masyado akong nahihiya makita mo yung muka kong pawisan na galing sa LRT 'Wag ka nga diyan' tumawa ka ng bahagya, ang ganda pala ng babaeng tawa mo . 'Dito ka sa tabi ko para mukang couple tayo' ngumisi ka pero ako hindi ko alam rereact ko sa sinabi mong yon.


fak ang galing mo magpakilig.


Lumipat ako ng upuan sa tabi mo nabigla pa ako sa topic na sinabi mo 'May girlfriend ka na?' at shet nag dodouble meaning saakin yung tanong na 'yon, pero sino nga ba ako para lagyan ng meaning yun 


'ah.. wala pa' ngumiti ka tsaka naman binaling ulit yung tingin sa dinadrive mo , para kang professional mag drive- ang ganda mo


'Ikaw yung niyaya ko mag date nung kay sir diba?' naalala mo padin pala yung date na hindi mo tinuloy 'Sorry ah, nawalan kasi ako ng time nagyaya mag inom yung mga tropa ko' pinilit ko tumawa pero parang halata na awkward ako kasama siya kahit enjoy na enjoy ako 


Ilang minuto pa nakadating tayo sa medyo harap ng school pero pinigil na kitang pumunta sa tapat mismo 'Dito nalang ako baka ano pa sabihin nila' pinigilan mo ako bumaba , hindi ko alam gagawin ko nung hinawakan mo braso ko para pigilan ako 'okay na ako dito' sabi ko pa.


'Bawi nalang ako, lunch later?' sa limang salita mong 'yon napasaya mo ulit ako na parang walang kakaibang nangyari. badtrip nakakakilig.


***

Mahal mo, Mahal ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon