A

14 1 1
                                    


Ilang araw nakalipas at hindi mo ko pinansin pagkatapos may mangyari saakin , jusmio totoo pala yung sinabi nung bartender bakit hindi ko ba sila pinakingan tungkol sayo. naging normal ang araw araw na pangyayari saakin , LRT hanggang maging pang digma tsaka pumasok ng school. 


Minsan hinahanap ko kotse mo kung nasa paligid pero ano pang sense na pagkatapos may mangyari saatin bigla kang mawawala parang bula. shit.


nakapasok ako ng school nung nakita kita, gusto ko magpakamatay tuwing nakikita kita - hindi ako naiinis sayo, hindi ako naiinis kahit kanino pero naiinis ako sa sarili ko. Kasi shit, hinayaan ko sarili kong ma hulog masyado.


nakita kita ngayon may kasamang bagong lalake at hindi katulad ko maskulado siya, may dating at kilala sa campus- ano bang ieexpect  ko sa isang katulad mong sikat din sa campus diba? 


Papaasahin at papaasahin mo lang naman ako.


nilapitan kita isang besses tinanong kung ano nang yari pero nginitian mo lang ako tsaka umalis walang salisalita- ang sakit . ang sakit makita na parang ginamit mo lang ako  . . pero sino nga ba ako isang tangang ginawa ang lahat para sa isang alam niyang hindi naman ako seseryosohin.


paksyet


*


Natapos ang ilang klase at pauwi na ako, walang bagong nangyari , bawat minuto sumasakit lang. bawat minuto humihinto yung pagtibok nung puso ko gusto kitakausapin gusto kita yakapin at itanong , kasi handa na ako magpakatanga para sayo, handa na ako magpaka martyr para sayo. Ganon na ata kita kamahal.


Nakadating ako sa station ng LRT ng may humawak sa kamay ko pabalik -sa gulat ko nag stop ang buong paligid, maski yung pagtibok ng puso ko nag stop nung nakita ko yung mala anghel mong muka na nakaharap saakin , nakangiti na bigla akong niyakap- niyakap kita agad pabalik dahil sabik ako sayo kahit ginagago mo ako.


siguro kasi gago na ako.


niyakap mo ako na parang walang taong nakapaligid saatin at bawat tapak nila sa lupa ay hinuhusgahan tayo, pero ano bang pake ko-- natin. 


'Wag mo na ulit ako iiwan' sa sinabi mong 'yan naginhawaan ako , nawala yung bigat sa pakiramdam at nakahinga ng maluwag. 


siniksik mo pa sarili mo saakin habang ako pinatong ulo ko sa balikat mo habang yakap yakap kita - at shit ang saya. 


Pero tangina, mali. maling mali na nagiging masaya nanaman ako . . alam ko babawiin nanaman tong saya na 'to alam kong magkakamali nanaman ako . . . Tsaka iiyak nanaman sa tulad mo. 



Mahal mo, Mahal ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon