Kabataan Akong Tinig Ko'y Pakinggan

615 2 2
                                    

           "Gawaing marangal dapat na ipunla, laging buhayin sa puso't diwa."

 

Kung ako'y diringgin, ibig kong ilahad

Ang magagawa kong mabuting ambag;

Aking ihahtid sa puso ng lahat

Itong kabatirang nagmula sa aklat.

Ibig kong tumulong sa ikalulutas

Ng mga problemang hadlang sa pag-unlad.

 

Kung ako'y diringgin, ibig kong sa mundo

Mapawi ang grabeng banta ng piligro;

Iwaksi ang digma sa isip ng tao

'Pagkat lisya ito sa aral ni Kristong

Tayo'y magmahalan, mag-ibigan tayo,

At mag-unawaan saan man sa mundo.

 

Kung ako'y diringgin, ibig kong lumahok

Sa mga mithiin ng Dakilang Diyos;

Ipadarama kong sa bawat pagtibok

Ng buhay sa lupa ay isang pagtubos.

Anu mang saliksik na aking naabot,

Aking ihahasik ng buo sa loob

 

Kung ako'y diringgin, ibig kong mangyari

Na ang kapakanan ng kapwa'y bumuti;

Ang handog na aral mula sa sarili;

Tungo rin sa iba't sa lalong marami.

Sa bansa ko't lahi'y magiging bahagi

Ang aking hangaring magand't may silbi.

 

Kung akoo'y diringgin, tinig ko'y pakinggan

Ng ating tahana't antong paaralan;

Ang hiling ko sana'y magtulong pumanday

Ng mga nilikha sa kawalang-muwang

Bakit di ipunla ang gawaing marangal

Nang  tayo sa puso'y mamalaging buhay?...

Kabataan Akong Tinig Ko'y PakingganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon